Chapter 4

18 3 0
                                    

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa kakaisip.

_Kinabukasan_

Habang naglalakad papunta sa next room. ...

"Bee, nakita ko uli siya!"

Pff .. eto na naman po tayo.

"Hayaan mo lang yun. Tara." Sabay ngiti. Siyempre bawal ma-bad vibes.

Pagdating namin , di pa tapos yung class kaya nag-antay pa kame.

Habang nag-aantay kameng matapos ang mga nagkaklase sa Fl204, tumutugtog muna ako ng gitara.

MInsan pag sinipag ako at wala akong masyadong dala at kung alam kong wala kameng masyadong gagawin sa araw na yun, nagdadala talaga ako ng gitara kahit hindi bagay sa Uniform ko.

Maya-maya, bigla na naman akong pinaghihila ni Arqhel.

May tinuturo siya sa loob ng room 204. ..

Ayun .. Ayun nga.

Andun nga kase yung duplicate ni XB kaya siya nagkaganun.

Hindi naman niya ko hihilain ng ganun kung hindi lang dahil dun except kung pagkain ang pinaguusapan.

"Bee naman. Baka sabihin na nung tao, dead ako sa kaniya."

"Grabe asawa a. Swerte na nga niya kung isang SNOB na katulad mo ang magkakagusto sa kaniya."

"Okay? Kelangan talaga naka emphasize yun SNOB?"

"E kase naman noh. Napakapihikan mo."

"Takot na nga kase ako."

"Wooo . Takot daw. Puro ka na nga aral e. Kaya kita mo, lahat kame nag aabang sa magiging love story mo,"

"Kelangan. Tsaka, baket ako? Grabe."

"Grabe talaga." Ngiting ngiti siya habang nakatitig sa lalakeng yun. Naku naku. Asawa, ngiting aso.

"Alam mo kase asawa. .." sabay tingin saken. Aha, ang seryoso ng fes a.

"Hmmm?"

"Alam mo, Dapat harapin mo kung anong nagpapahirap sayo. Wag kang takas ng takas. Ngayon siguro nasasabe mong ok ka kase hindi mo siya nakikita. Pero pano kung nagkita uli kayo?" Napayuko ako.

"Babalik ka na naman sa starting point ganun?" Dagdag pa niya.

Hinawakan niya ko sa kamay.

"Kailangan mong harapin lahat ng tinatakasan mo. Hindi ko sinasabeng gamitin mo siya para makapag move on. Isipin mo lang na siya yung ex mo para naman kapag nagkita kayo isang araw ng ex mo, hindi ka na maninibago."

Napatingin ako sa kaniya.

Tama siya.

Kung alam niya lang kung gano ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya dahil nakikita ko talaga sa kaniya si ex.

Pano nga kaya kung isang araw makita ko na lang siya sa harapan ko? Ano na lang gagawin ko?

Tumingin ako sa loob kung asan si Mr.Duplicate.

Makakatulong ka ba talaga?

I found him like my ex-lover's duplicated soul.

My ex-lover's duplicated soul? ( o n   g o i n g )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon