Sa tuwing nakikita ng mga kaibigan ko si Mr.Dup, hindi na sila sumisigaw o kung ano ano pang exaggerated actions.
Nagsawa na din siguro sila.
Hindi ko na din kase sila pinapansin sa tuwing gagawin nila yun.
Grabe naman kase nung mga nakaraang araw.
Siguro talaga akala nung mukang tokwa na yun na may gusto ako sa kaniya.
Masyado naman kaseng maka-react mga classmates ko.
Mapadaan lang, ako agad titingnan nila.
One time pa habang naglalakad kame pababa ng building, nakasabayan namin siya kasama nung isang lalake.
Flashback*
May buhat buhat siyang mesa kasama nung lalake na lage niyang kasama.
Tong mga mokong naman na to, pasimpleng ngiti.
Tss. Manigas siya hindi ko siya gusto.
Kamuka niya lang ng ex-lover ko.
Napansin siguro ng mga classmates ko na nakangiti saken si Dup at ako naman masama ang tingin sa kaniya, bigla na lang nila akong tinulak kay Dup.
Huwaw. Yan ang tunay na mga kaibigan. Da best talaga!
Ngingiti ngiti pa ang mokong.
Tinulak ko siya, at . ..
Oopss aray.
Teka, hindi ko yun sinadaya.
Nagulat lang ako.
Nahulog siya sa hagdan kasama nung buhat buhat niya.
Aww.
Natataranta na lahat ng nasa paligid ko.
Ako naman, tawa lang ng tawa.
''Buti nga sayo. Ang yabang mo kase. Feeler, hahaha."
Pero joke lang. ^_____^v
Nakasabayan lang namin sila pababa, pero nagmamadali sila kaya di din gano nagtagal.
Wala ding ngiti at hampas. Biro lang lahat ng yun. Gawa gawa ng mga malilikot kong imahinasyon.
"Baket kase kelangan pa nating bumoto? E wala naman na silang kalaban. Malamang sila nadin ang maa-appoint diba? Kababawa." Reklamo ni Ate Ronz. Aba, naghanap pa talaga ng kakampi. haha
"Kase nga daw, para ma-appoint sila as officer, kelangan nilang makuha ang kalahati ng vote ng population ng LNU." insist ko naman. Syempre kelangan ipaglaban ang totoo kahit na ba kaibigan ko siya, kelangan din niyang malaman.
"Ang arte. Ganun din yun." As expected.
"Yaan niyo na. Mabilis lang naman daw e. Patience."
Malapit na kame sa ground floor.
Dun kase kame magvovote.
Election ngayon ng SSC at pinarequired kameng mag vote.
Pero kahit naman hindi ipa required, boboto padin ako.
Siyempre dapat makipag cooperate.
At isa pa, ayoko naman ding walang Student Officer ang school noh. San ka nakakita ng school na walang Student Government diba? diba diba?