Unang Tugma

93 0 0
                                    

#Kalungkutan

Madaling araw ng Linggo
Akoy nag iisa sa baba ng aming bahay
Nakaupo sa upuan
sa ilalim ng hagdanan
Nakakabingi ang katahimikan

Habang nag iisip ng kung ano ano
Hindi ko namamalayan
Alas dos na ano kaya ang ginagawa ko dito?
Bakit kaya binabalot ako ng lungkot
Lungkot na di ko maintindihan
Para bang walang dahilan
Masaya naman ako kahit saan mo pa tignan
Pero hindi ko talaga maintindihan

Bakit kakaiba ang lungkot na ito

Iniisip ko palang ang hinaharap
Parang ayaw ko nang kumurap
Nakakatakot na nakakasabik
Nakakasawa kahit hindi pa sumubok
Hindi sigurado kung saan tutungo
Ayokong isipin ang paglaho
Paano kaya kung ganito?
Paano kaya kung ganyan?
Parang minsan gusto ko nalang itapon ang lahat
Magpakamiserable, o bahala na kung anong mangyare
Galit ba ito? Kanino? At bakit?
Alam ko sa aking sarili
Wala akong masisisi
Parang gusto kong humingi ng tulong
Pero wag nalang kaya
Total halos lahat hindi nakakaunawa
Baka akoy makutya
Mahina ang isip, baliw at walang pananapalataya
Kaya dibale nalang
Di bale nalang...
Iiyak nalang ulit ng mag isa, hindi maririnig ng iba
Di bale nalang...
Baka sa susunod na mga taon
Maunawaan ko na
Baka bukas makalawa
May kasagutan na
Kakapit parin kahit pagod na

Tugma Para sa MadlaWhere stories live. Discover now