CHAPTER ELEVEN*

509 10 0
                                    


Dominic POV

=ring=ring=ring=ring=

"Sagutin mo please" bulong ko sa sarili ko. Nandito ako sa tapat ng bahay ni Ella, para maka usap sya para bumalik nasya saken.

Nakakailang tawag nako pero hindi parin niya sinasagot. Nandito naman yung kotse niya kaya ibig sabihin hindi sya lumabas ng bahay niya. Haytsss. Kahit magmukha akong tanga  kahahabol sa kaniya ayos lang. Kung babalik naman sya saken worth it nayung paghihintay at pagmama kaawa ko.

Lumabas nako sa kotse at nag doorbell ako ng mag doorbell dun. Hanggang sa lumabas yung Maid niya.

"Ser nakaka bulubog po kayo ng ibang tao sa ginagawa niyo"

"Nasan si Ella!?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya at mas dumikit pako sa gate para makita ko sya. Pero ako ang nagtaka ng makita ko sa mata niya na nagtataka sya sa tanong ko.

"Matagal napong hindi nagpupunta si Maam Ella dito"

"Ano!?" Naguguluhan kong tanong. Kakakausap kulang sa kaniya nung isang araw bago kami mag Break na, pinuntahan pasya ng Mama niya para mag Zumba.

Malayo kasi ang bahay nila sa pinapasukan niyang School nung nagaaral pasya, kaya bumuli sya ng bahay dito para mas malapit. Saka isa lang naman ang bahay niya dito sa Pampanga ahh?.

"Kelan pasiya hindi umuuwi dito?!"

"Mahigit isang buwan napo ser kung hindi ako nagkakamali" napabitaw ako sa gate at napaatras sa narinig ko.

"San kosiya makikita?" Seryosong sabi ko at nakita ko na natakot yung maid saken.

"Ahh.... Sabi po niya wagkong sasabihin kahit kanino" Sumama ang mukha ko sa sinabi niya. Tinitigan kosya ng sobrang talim. Napansin kong nanginginig ang kamay niya at nakayoko nasya saken.

"Sabihin mo kung nasan sya" Malamig na sabi ko at mas tinaliman kopa ang tingin sa kaniya.

"Kasi--si po a--ano po ser"

"Nasan?!" Hiyaw ko at napatalon naman sya sa pagsigaw ko.

"Sa LV Condominium po!" Mabilis niyang sabi at tinakpan ang bibig niya.

Ng marinig ko kung nasan siya ay nagtungo nako sa cotse ko at nag punta sa LV Condominium.

Mahigit isang buwan na siyang hindi umuuwi, at hindi koyun alam. Saka bakit siya bibili ng condominium na malapit lang sa bahay niya?

Umiling iling ako sa naiisip ko. Hindi pwedi. Hindi niya magagawa saken yun. Mahal niya ako. Alam koyun. Nilihis ko ang isip ko sa pagiisip ng hindi maganda sa kaniya. Kinumbinsi korin ang sarili kona wala siyang tinatago saken.

Nandito nako sa tapat ng LV Condominium, pero sa kabilang kalsada ako nagpark.

Hindi muna ako lumabas sa kotse at nag tingin tingin kung makikita ko si Ella dito sa labas, pero wala kaya nag hintay muna ako ng 5 minutes bago pumasok sa loob.

Kinakabahan ako sa diko malamang dahilan. Wala naman siguro siyang tinatago? Mahigit 8years ang pinagsamahan namin, pero ngayun lang siya nag sekreto saken.

Wala pamandin ako sa entrance ay nakita kuna si Ella. Nasa Front desk siya. Medyo lumapit ako sa kaniya para marinig ko kung ano ang sinasabi niya dun  sa receptionist. Tumingin tingin din ako sa paligid kung may kasama siya. Napahinga ako ng wala akong makita. Umalis nasiya doon at nag tungo sa elevator.

Sinundan kosiya, sakto marami kaming kasabay kaya hindi niya ako makikita. Naka yuko lang ako hanggang sa makapasok ako sa elevator. Doon ako pumuwesto sa dulo kung saan tanaw kosiya.

My Professor, HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon