CHAPTER EIGHT*

647 16 0
                                    


Athena POV

"Anong ginagawa mo dito?" Sumama ang mukha ko ng mabosesan ko kung sino ang nagsalita sa likod ko.

"Nag-aaral" pabalang kong sagot. Obvious Naman na nakatayo at nakatanaw sa langit nagtatanong pa ang Gago tsk!

"Ang Taray naman"

"Paki mo"natawa sya sa sagot ko. Ano na namang nakakatawa dun? Nababadtrip nako ahh!!

"Seriously huh?" Tumingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo. Sobrang lawak  ng ngiti niya ng makita ko ang itsura niya. Nagiinit na ang ulo ko sa lalaki nato.

"Pwedi ba umalis ka dito!" Napaatras naman sya ng sigawan kosya. Napangiti naman ako ng makita na kumunot ang noo niya at, mawala ang ngiti niya na nakakaasar. Buti nga sayo!!

"Ayoko nga, gusto koring makita ang langit" sabi niya ng makabawi sa pagkaka sigaw ko sa kaniya. At tumingin sa langit.

Ngayun kulang nakita na gwapo pala siya. Matangos ang ilong maganda ang mata, at manipis at mapula pula ang labi. Ang sarap halikan. Teka no! No! No! Athena umayos kanga!!

"Gwapo no?" Sabi niya at ngumisi. Hindi konamalayan na nakatitig napala ako sa kaniya. Nakakahiya ka Athena!! Ilang beses paba mangyayari ang nakakahiya sa buhay ko sa lintik na lalaki nato huhu.

"Asa kapa!" Asik ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

Narinig ko siyang tumawa. Yung tawang nakaka inis sa pandinig ko. Tinignan kosya ng sobrang sama at piningot ko ulit yung tenga niya. Yung sa kanan.

"Walang hiya ka! Dapat hindi kana nagpakita saken! Hayop ka!"

"Aaa-aray!!" Reklamo niya. Pero hindi ko parin binibitawan ang tenga niya. Masmalala ang pagpingot kosa tenga niya ngayun, kesa sa Mall.

"Wagna-wagkana magpapakita saken!!"nang gigigil kong sabi.

"Bitiwan mo ang tenga ko!"

"Manahimik kajan Gago!"mas diniinan kopa ang pagpingot sa kaniya. Kahit na masmatangkad sya saken ay hinding hindi ako masisindak sa kaniya. Lalo nasa kaniya na isang gago!!

"What's happening here!?" Natigil kami sa ginagawa ng marinig ko ang hindi familiar  na boses.

Nasindak ako sa sigaw nayun, pero mukhang hindi lang ako ang nasindak. Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses nayun. Nakita ko sila Mom and Dad kasama ang parents niya na nakatingin samin. Naka kunot ang mga noo nila. Nagulat siguro sa nakita nila. Tsk! Abnormal kasi ang gago!!

Pabalang kong binitawan ang tenga niya, at humarap sa kanila. Hindi ako tumingin sa mga mata nila, dahil naiilang ako sa mga titignila samin.

Nakita ko naman na umayos din ng tayo si Gago at humarap narin sa kanila, na hawak parin yung tenga niya.

"Let's get inside" napalingon ako kay Dad ng magsalita ito. Nauna na nasilang maglakad papasok at, nahuli naman kami ni Gago na mumula parin ang tenga.

"Buti nga sayo" maarte kong sabi at inunahan nasyang maglakad.

Nagtungo sila sa living room kaya sumunod ako. Naupo ako katapat ni Mom, katabi naman niya si Dad na masama ang mukha. Nasa gilid ko naman yung parents ni Gago at ang Gago nasa tabi ko. Naka paikot kasi ang upuan dito. Pero ang daming bakanteng upuan bakit pasya tumabi saken!? Hayts!!

"Magkakilala ba kayong dalawa?" Nagkatinginan kami ni gago sa sinabi ng Dad niya. Nakakatakot ang boses ng Dad niya. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanila, kahit na medyo kinakabahan ako.

"Yes but--" pinutol ni Dad ang sinasabi ko. Hind pako tapos ehh!!!

"That's god"

"That's not what you think!" Depensa ko. Halata kasi sa boses ng Dad ni Gago na parang may relasyon kami!!

That's a No! No!

Nangunot naman ang noo nila sa pagsigaw ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa ginawa ko.

Pahamak talaga yang bunganga mo Athena!!

Narinig kong huminga ng matunog si Dad. Means gusto na niyang matapos ang usapan na ito. Ako den Dad gusto ko na huhuhu!!

"The two of you are getting marriage"

"Wait.... what?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

Hind paba niya alam? Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at umiwas ng tingin sa Gago.

Bakit hindi paniya alam!? So it means ako palang ang nakaka alam samin dalawa!? No Way!!! High Way!!

"Bago mag pasukan dapat kasal na kayu"

"ANO!?" Nagkatinginan kami ng sabay kaming nagsalita. Ako ang unang umiwas at humarap kay Dad.

"Bakit ang bilis naman yata?" Reklamo ko.

"Bakit panatin patatagalin kung ikakasal at ikakasal lang din naman kayo"

"Pero--"

"No buts Naya its already settle" aangal pasana ako kaya lang tinignan na ako ng masama ni Dad. Hasyt!! Kainis!!

Tinignan ko yung Gago at halata sa mukha niya na hindi sya sang ayon sa kasal.

Ako rin naman kayalang no choice nako huhuhu!!

"Hindi kosya pakakasalan"Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya.

Sana ako rin may lakas ng loob tumutol sa kasal. Pero lakas lang mag bulakbol at gumawa ng gulo ang meron ako, hindi ko kayang ma disappoint sila Mom and Dad.

"Je....napag usapan na natin to" rinig kong sabi ng Mama niya.

Alam naman pala niya pero bakit nagulat pasya nung sinabi na magpapakasal na kami?

Ang gulo mo Gago ahh!!!

"Sinabi kuna diba? Ang Girlfriend kulang ang pakakasalan ko!" Napa lingon ako sa kaniya ng magtaas sya ng boses. Napa tayo naman yung Papa niya.

Shocks!!mukang hindi na maganda ang mangyayari!!

"Im really sorry, mukang kailangan na namin umuwi" rinig kong sabi ng Mama niya pero sa Gago parin ako naka tingin. Nakakatakot kasiya magalit, lalo na ung aura na naka balot sa kaniya. It gives me chill!!!

Tumayo na ung Mama niya at inakay nayung kaniyang asawa, para mawala ung masamang titigan nila ng kaniyang anak.

Paalis na sana ung mga magulang niya ng maunang syang tumalikod samin.

Bastos talaga ang walang hiya!!!

"Im really sorry talaga" paumanhin ng parents niya. Ngumiti nalang ako sa kanila at nakipag beso saka sila hinatid nila Mama sa labas.

Hindi kosya masisisi kasi ganun din siguro ang gagawin ko pag meron akong ibang mahal. Pero magkaiba kami ng sitwasyon. Sya may mahal ako wala.

Edi ako na walang jowa!! Hindi naman nakaka matay pag walang jowa. Diba mga single??

Naiwan ako sa living room ng magisa. Tinaas ko ang aking paa sa lamesa at sinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

Napagod ako kahit wala naman akong ginawa. Pero sana hindi na matuloy ang kasal, pero pag sila Mama ang nagplano sure akong gagawa at gagawa sila ng paraan para matuloy ang kasal.

Naramdaman kong pumasok na sila Mama, pero hindi ko sila nilingon.

"Matutuloy ang kasal" napatingin ako kay Dad ng magsalita ito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "I hope not"

Itutuloy......

My Professor, HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon