Chapter 11

37 12 35
                                    

What?

“Ito na ba yun?” Tanong ni Raven sa akin. Sinimangutan ko naman siya. “Aba malay ko, nakikita ko ba?” Pilosopo kong sagot.

Nagdesisyon kasi kaming tumungo sa bahay ng uncle ko at sinabi ko kay Raven ang direksyon pero hindi kami sigurado kung ang bahay na napuntahan namin ay yun na yung bahay ng uncle ko.

“Sungit.” Reklamo pa niya. Bwesit kasi, tatanungin pa ako eh hindi ko naman nakikita kung asan kami.

“Ano bang kulay ng gate?” Tanong ko pa. Hawak-hawak ko ang baston ko at hindi ko alam kung saan ako ngayon nakaharap.

“Kulay itim na may nakalagay na letrang C.” He described. Tumango tango naman ako sa kanya. “Magdoor bell kana, ito na yun.” Utos ko pa na sinunod niya naman.

Matapos naming makarinig ng tunog ay maya-maya pa ay bumukas ang pinto hudyat na may taong sumalubong sa amin. “Oh, Lucy. Napadalaw ka?” It was one their guards. Yung pinakamatagal na sa kanila at pinakamabait rin.

Di ko alam kung paano niya nakakayang tumira sa bahay na yan kahit na di naman magaganda ang ugali ng amo niya. “Jan po ba si uncle?” I asked. “Nasa office niya sa taas, pasok kayo.” Guard said.

Inilagay naman ni Raven ang kamay ko sa braso niya at ginabayan kung san man kami pupunta ngayon.

Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa mismong bahay nila o nasa garden pa banda dahil may ilang halaman ka pang madadaanan bago ka tuluyang makarating sa kanilang mansion.

Unti-unting lumalakas ang piano na naririnig ko. I guess it was Sophie. Nagpapractice ata siya kasi kapag papakinggan mo ang mga keys niya, hindi magandang pakinggan. Minsan masakit sa tenga, minsan naman smooth lang.

Maya-maya ay nagulat ako nang bigla akong itulak ni Raven at naramdaman ko nalang siya sa likuran ko.

“Baka kagatin ako ng aso.” He said as we heard the dog barking on us. “Hindi ba't dapat ikaw ang nasa harap?” Iritang tanong ko pa. Nakahawak siya sa balikat ko at marahang itinutulak ako paabante na animo'y ginagawa akong shield.

Kahit kelan napakabwesit niya. “Nakakatakot kasi ang aso nila.” He reasoned out. Napailing na lamang ako at marahang kumapa ng dadaanan gamit ang baston.

Patuloy lang sa pagtahol ang aso nina Sophie at hindi ko alam kung nakatali ba yun o wala dahil hanggang ngayon ay hindi pa naman kami dinadakma.

“Who's that ba, Claire?” I heard Sophie said while talking to her dog. I can also hear her footsteps coming towards us.

“Oh, so we have a visitor.” Sarkastiko ang kanyang tono kaya naman nginisihan ko lang siya nang sobra pa sa kaplastikan ng mga tupperwares.

“We're here not for you. Where's your dad?” Deretsahan kong tanong. Ayoko na kasing makipag-usap sa pinsan kong to dahil puro nonsense lang naman ang laman ng bibig.

“Lucy, ba't mo ba siya sinusungitan?” Rinig kong bulong ng tsismosong Raven sa likod ko na tila hanggang ngayon ay nagtatago pa rin.

“Umayos ka nga, Raven.” Saad ko pa. Nabebwisit ako sa panay niyang tago sa likuran ko. Ramdam ko namang tinabihan niya ako matapos niyang alisin ang kamay niya sa likod ko.

“Oh, may kasama ka palang handsome. And who are you?” Rinig kong sabi ni Sophie sa manghang-manghang tono na medyo may kalandian.

“Uhm, Hi. I'm Raven.” Batid kong nakangisi ang bwesit na'to dahil sa paraan ng kanyang pananalita. Napairap naman ako kaagad.

May tinatago palang kalandian ang lalaking 'to sa katawan eh. Narinig kong sumasadsad ang takong ni Sophie sa sahig na tila ba ay papalapit ito sa kinaroroonan namin. “Hi, I'm Sophie. Her beautiful cousin.” Medyo kumukulo ang dugo ko sa malandi niyang tono.

Missing Key (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon