ZEUS POV
Nagising ako ng may gumalaw sa aking tabi. Aalis na sana ako ng maramdaman kong naka unan siya sa braso ko.
Tinitigan ko ang mala anghel na babae natutulog sa aking bisig. Kahapon ko lang siya nakilala at sa unang gabi namin ay may nangyari sa amin.
Mabilis ba? Para sa akin hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi. Matagal ko na siya nakikita sa isang cafe tuwing naroon kami ng aking nga kasama sa banda.
Naka disguised at nagtatago. Pero sa lahat ng tao, siya ang hindi interesado.
Lumapit siya para magtanong ng direction hindi para sa litrato.
Nawala ako sa pag iisip ng gumalaw siya at nakapikit na bumangon. Pinasadahan ko ng tingin ang makinis at maputi niyang likod na nakaharap sa akin.
Yumuko siya ng bahagya at iniangat ang puting t-shirt ko sa kama. Walang alinlangan niyang isinuot 'yon ng walang suot na panloob.
Bumaba siya sa kama at naglakad patungo sa banyo. She even looks so hot in the morning. Wearing my clothes, with her messy hair looks so stunning for me. She's really different.
Nagulat ako ng bumalik siya ng nakapikit pa din at umakyat sa kama. Ginawaran niya ako ng halik sa noo at parang walang nangyaring bumaba siya sa kama at dumirecho na ng tuluyan sa banyo.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero dahil sa ginawa niya ay mas binuhay niya ang natutulog na interes sa katawan at puso ko.
Magmula ng pumasok ako sa pagiging vocalist ng isang sikat na banda ay wala akong nakilala katulad niya. Lahat sila ay gusto kami dahil sa itsura at kasikatan namin. Hindi din ako naging interesado kahit kaninong babae.
Model, actress, singer I don't care. What I want is a woman like her. Who likes me back just because of who I am, not what I am.
I'm just afraid na malaman niya ang totoo tungkol sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit. Nagising na lang ako ng may sumigaw na room service sa labas.
"Shh. Ako na po." Dinig kong mahinang sabi ni Sofie.
Pagbalik niya ay may tulak tulak na siyang food cart. Bumangon ako dahil sa nakaka enganyong amoy ng kape.
"Oh, you're awake na? I ordered breakfast, you look tired kasi e kaya hindi na kita ginising." sabi niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa na naroon.
Nasa hotel kami kung saan binayaran na ng Management buong taon para sa stay namin. Marami kasi kami naging projects at concert dito kaya kailangan namin mag stay. May shoot din kami dito para sa next album na ilalabas this year. Nasa kabilang room naman ang ibang members.
Napangiti ako habang pinapanood ko siya. I don't know why but I can see her as my wife in the future.
"Thank you."
Bumangon ako para yakapin siya mula sa likod. Umikot pa siya para makaharap ako. Isinabit niya ang dalawang kamay at ngumiti.
How can she smile like this in front of me? So pretty.
"Good morning" natatawang bati niya. Natawa din ako dahil hindi ko manlang siya nabati pagkagising ko.
"Good morning beautiful" sabi ko. Yumuko ako ng bahagya para halikan siya sa labi. Sa pagitan ng halik ay napangiti ako ng tumugon siya pabalik.
Walang oras o araw ang dapat na basehan kung totoo ang iyong nararamdaman. Yes, I just met her yesterday but I'm willing to give my world to her. She deserves to smile.

BINABASA MO ANG
In the Name of Love (SHORT STORY)
Short Story"Iniwan ko ang mahal ko, para sa mahal ko."