2

12 4 0
                                    

Dumaan ang linggo at buwan. Parati kami magkasama. Sweet sa isa't isa. At mas nakilala ko siya. Ngunit nanatiling nakatago ang unang kasinungalingan na sinabi ko sa kanya.

Nasa isang restaurant ako habang naghihintay kay Sofie. Napag usapan namin na sabay kami mag lunch ngayon. Naka upo ako sa bandang dulo kung saan hindi agad ako makikita ng mga fans.

Ayoko man dito kumain pero ito ang request niya.

Tumunog ang cellphone ko. Nag text siya.

"Nag park lang kami. By the way I'm sorry but my friend is with me. She will have lunch with us. Okay lang ba? Para makilala mo din siya. I love you, see you in a sec."

Nanlamig ang kamay ko matapos mabasa ang message niya. Naging kami few months ago at sobrang saya ko sa araw na 'yun. Walang kapantay.

Pero bakit pakiramdam ko ay ito na ang katapusan?

"Hey, baby." Napaupo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses niya sa aking likuran. Napalunok ako ng sariling laway bago tumayo at harapin siya.

Iginala ko ang mata ko pero wala siyang ibang kasama.

"Oh, may emergency call si Jenny kaya next time na lang daw siya sasama sa atin." Paliwanag niya na bumunot ng tinik sa aking dibdib.

Nakangiti akong lumapit para gawaran siya ng halik. Inalalayan ko siya sa pag upo bago tawagin ang waiter.

Masaya ang lunch. Tulad ng una naming pagsasama ay puno siya ng kwento. Nakakatuwa na sobrang open siya sa akin. Hindi naman ako ang klase ng tao na pala kwento kaya nakakatuwa ding naiintindihan niya ako.

All ears ako parati sa kanya at walang pinapalampas na kwento tuwing nagsasalita siya.

Pagkatapos ng lunch ay nag-aya siya mag shopping. Narito sina Jed at iba pa dahil nag send sila sa akin ng picture namin ni Sofie mula sa malayo.

Pinaalalahanan nila ako na mag-ingat, lalo na sa media.

Katulad ng inaasahan nakita ko sila sa harap ng isang mamahaling store. Doon kami parati pumupunta para wala makakilala sa amin.

"Why don't you remove your sun glass since nasa loob na din naman tayo?"

Nag aalangan kong tinanggal ang aking salamin. Tulad ng aking inaasahan at kinatatakutan, agad kong nakuha ang atensyon ng kababaihan.

"AHHHH! ANG VOCALIST NG ZYNX NARITO!!!"
"TALAGA!!?"
"ANDITO SIYA!" Sigaw ng babae at agad tumakbo sa akin. Nabitawan ko ang kamay ni Sofie dahil sa biglang dami ng tao na kumukuha sa akin ng litrato.

Lumingon lingon ako at nakita ang tumatakbong mga ka-banda ko papalapit sa akin.

"Shit, why are you so careless!" Bulong ni Jed.

Hindi ko siya sinagot dahil abala ako sa paghahanap kay Sofie. Nakita ko siya sa may malayo. Puno ng pagtataka ang mata niya.

Isang hakbang niya palayo ay sumiksik ako palabas ng dagat ng tao.

"Sandali lang Zeus, papicture kami." Paulit ulit nilang sabi.

Napatigil ako sa pagsiksik ng makita kong matumba si Sofie dahil sa nagmamadaling babae palapit sa akin.

"Puntahan mo na siya bro! Kami na bahala dito" bulong ni Cleo.

Halos itulak ko na ang mga nakaharang. Dumating na din ang mga guards para ma-control ang crowd.

Hinihingal na ako sa pagtakbo at paghahanap pero hindi ko makita si Sofie. Tinatawagan ko ang cellphone niya pero ring lang 'yun ng ring.

"Baby, where are you?" Nababahala kong tanong sa kawalan.

In the Name of Love (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon