3

11 4 0
                                    

SOFIE'S POV

Patuloy ang paghikbi ko habang naghihintay mag-isa dito sa kwarto ng resort na binayaran ni Daddy. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Ayoko magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.

Totoong nagalit at nabigla ako kay Zeus dahil itinago niya sa akin ang totoong katauhan niya. Pero kung iisipin ko ang lahat ng pinagsamahan namin ay wala akong maisip na masama, tanging pagmamahal lang ang ipinakita at ipinaramdam niya, kaya hindi ko siya magawang kamuhian.

Puno ako ng tanong ng dumugin siya ng tao sa mall. Sa parehong araw ay naabutan ko ang body guards ni Daddy sa labas ng Mall. Isinama nila ako at kinuha ang lahat ng gamit ko sa hotel kung saan kami tumutuloy ni Zeus.

"At talagang tumira ka sa isang lalaki na hindi mo pa asawa!" Sigaw ni Daddy. Nasa opisina kami dito sa bahay niya. Si Mommy naman ay nasa tabi niya at pilit pinapakalma.

"Daddy, boyfriend ko si Zeus, wala kami ginagawang masama. Besides, I want to marry him." Buong tapang kong sagot.

"No Sofie! You will not marry that guy! Ipagpapakasal kita sa anak ng aking kumpare. Tapos ang usapan!"

Lutang ang aking pakiramdam habang naglalakad pabalik sa kwarto. Kinuha ni Daddy ang cellphone ko at pinabantayan pa ako sa kanyang dalawang body guard.

"Hija?" Tawag ni Mommy pagkabukas ng pinto.

Tinalikuran ko siya at nagbalot na lang sa kama.

"Anak I know na galit ka sa amin ng Daddy mo, but this is for you naman." Mahinahong sabi ni Mommy.

"Mommy, iba ang gusto kong pakasalan!"

Ilang buwan akong walang balita sa labas. Nanatili lang ako sa kwarto at balita sa TV lang ang aking inaasahan para makita si Zeus.

"Usap-usapan ngayon sa Social Media ang balak na pag-alis ng isang sikat na bokalista na si Zeus Collins. Ano ang dahilan? Alamin natin sa balita ni Reymart Sanchez. Reymart?" Sabi ng news reporter at nag iba ang lugar. Nakatutok kay Reymart na taga balita ang camera. Agaw pansin ang nagkakagulong tao sa kanyang likuran.

"Narito tayo ngayon sa ZYNX Entertainment kung saan nagkakagulo ngayon sa aking likuran ang ilang nag po-protesta dahil sa balitang kumalakat ngayon sa social media. Kanina lamang ay aming nakapanayam ang sikat na Vocalists na si Zeus Collins. Hindi siya nagpakuha sa camera ngunit ibinigay naman niya sa amin ang kanyang kasagutan." Umayos ako sa pagkakatayo at mas nilakasan ang volume ng TV.

"Ayon sa sikat na bokalista ay iiwan niya ang larangan ng pagkanta dahil sa kanyang pinakamamahal na babae. Mahal niya ang pagkanta ngunit mas mahal niya ito kaysa sa career niya. Iyon lamang ang binitawan niyang salita. Balik sayo----"

Hindi ko na tinapos pa ang balita. Sapat na ang narinig at nalaman ko. Nagsisisi ako. Ako ang dahilan kung bakit iniwan niya ang kanyang pangarap. Napakasama ko.

Ilang oras ang itinagal ko sa kwarto dahil nag-uusap pa sina Daddy at Zeus.

Bumukas ang pinto kaya agad akong tumayo. Unang pumasok si Daddy kasabay si Mommy. Walang Zeus na pumasok hanggang sa isara ni Mommy ang pinto.

"M-Mommy... Dadddy.." lumuluha kong tawag.

My mom smiled at me wickedly. Seryoso naman ang mukha ni Daddy. Dumagdag sa kaba ko ang ibinibigay nilang reaksyon sa akin.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Zeus. Nabuhayan ako ng loob ngunit naroon ang kaguluhan sa aking isip.

"If you will promise infront of us and my daughter to give her a better life. I will allow you to marry her." Seryoso at direchong sabi ni Daddy.

Naguguluhan akong tumingin kay Mommy bago tumingin kay Zeus. Naglakad siya palapit sa akin at lumuhod. May kinuha siyang maliit na kahon at marahang binuksan sa aking harapan.

Nahugot ko ang aking sariling paghinga. Parang may kanyang buhay ang aking mga mata ng tuloy tuloy itong naglabas ng luha. Naitakip ko sa aking bibig ang aking kamay dahil sa naghalo halong emosyon.

There's a diamond ring inside it.

"I promise you. Infront of your parents, I will give my all to you. I will do everything to make you happy and no one can separate us. I love you with all my heart. If you will let me be the one to take care of you with the rest of your life. Sofie Suarez will you marry me?" Namasa ang mga mata ni Zeus habang sinasabi niya 'yon.

Tumingin ako kina Mommy at sabay silang tumango.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeus na nakaluhod pa din at naghihintay.

"Yes, I will... I will marry you." Lumuluhang sagot ko but this time nakangiti na ako.

"Thank you, I love you so much." Aniya pagkatayo at niyakap ako. Pinaulanan niya ako ng halik ng tumikhim si Daddy.

"Maiwan na muna namin kayo. Zeus, ang napag usapan natin. Lalaki sa lalaki, 'wag ka makakalimot." Bilin ni Daddy bago sila lumabas.

Nagyakapan lang kami sa sobrang tuwa. Walang salita at tanging paghikbi lang ang maririnig. Matapos niya akong pakalmahin ay saka niya ako iniharap.

"Salamat baby" aniya at hinalikan ang likod ng aking kamay.

"P-Paano mo napapayag si Daddy?"

"I promised my life. That's all." Simpleng sagot niya.

Puno ng sayawan at kantahan kinagabihan matapos ang aming kasal. Dalawang buwan magmula ng halos ikasal ako sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal. Ngayon, nasa tabi ako at hawak ko ang kamay ng totoong mahal ko.

Napaka swerte ko sa kanya.

"Excited na 'ko sa honeymoon natin" bulong niya sa akin.

"Ano ka ba! Baka may makarinig!" Puna ko. Tinawanan niya lang ako.

"Kantahan kita baby?" Biglang sabi niya.

"S-Sige.." nahihiya kong pag sang ayon. Naroon ang mga dati niyang kasama sa banda.

Tumayo siya at naglakad paakyat sa stage. Nakahanda na doon ang mga gamit nila para sa pagtugtog ngunit sa halip na umakyat din ang iba niyang kasama. Mag-isa siyang tumungo doon at naupo sa harap ng piano.

Nagsimulang tumipa si Zeus habang nakatingin doon.
Nilingon ko si Jed ng ilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Inabot ko 'yon ng walang alinlangan. Inalalayan niya akong maglakad palapit kay Zeus.

Sinong mag aakala na ang lalaking sikat na sikat sa kababaihan ay iniwan ang kasikatan para lang sa kanyang mahal?

Napakasarap pakinggan ng kanyang boses. Napag usapan namin ang pagbalik niya bilang bokalista pagkatapos ng aming honeymoon sa Maldives. Ayaw niya ngunit dahil sa pamimilit ko ay napapayag ko siya.

Batid ko ang kasiyahan sa mukha niya dahil doon kaya mas masaya ako.

Mahal niya ang pag awit kaya ayoko ipagkait 'yon sa kanya. Mahal ko siya kaya dapat mahal ko din ang mahal niya.

Ang totoong pagmamahal ay hindi maramot kundi mapagbigay.

The End.

AN:

Don't forget to vote, comment your thoughts and share it to your friends.

Thank you so much for reading! More stories to come.
-BinibiningMunti

In the Name of Love (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon