Chapter 22
Music
Nagising ako dahil sa ingay ng nag do-doorbell sa labas. The heck, ilang oras palang ako nakatulog tas may mangi-ngisturbo na.
Binuksan ko ang lamp na nasa gilid ng kama ko at pumikit ulit, hinintay ko munang mag doorbell ulit. Baka kasi nakaalis na iyon, masasayang lang ang pag bukas ko.
Ilang segundo ay walang nag doorbell pero ang phone ko naman ang tumunog. Nakapikit matang kinuha ko ito sa side table at tinignan ang tumawag sa isang mata lamang dahil masakit sa mata pag binigla mo sila sa ilaw kaya dahan-dahan muna.
Villa's calling. Ano na naman ba, it's 1 PM.
"What?" Paos ang boses ko at wala pang ganang mag salita. Habang nakapikit ako ay kinausap ko siya.
"Let's join them outside,"
Excited ang kanyang boses. Kumunot ang noo ko at binuksan ang mga mata.
"Them? Join?"
Naiinis ako dahil ginising niya ako tapos ngayon ganyan lang pala ang sasabihin niya...
Blanko ang utak ko ngayon dahil kagigising ko lang. Literal na wala akong maisip na ideya sa sinabi niya.
Narinig ko ang malalim na hininga niya. Kung nakitata ko man siya ngayon alam kong umiirap na siya.
"Nag bo-bonfire sila sa beach, sama kana, Ae para hindi naman masayang ang free time mo."
Ang gusto ko sa free time ko matulog hindi makipag socialize dahil na i-immune na ako dyan.
Pero ayaw ko namang maging unfriendly sa kanila.
"Gigisingin mo talaga ako para dyan, hah? Sige, sunod nalang ako, mauna kana."
"Kaya pala walang sumasagot sa bawat doorbell ko dahil tulog, akala ko nag babasa kalang. Okay, see you. Punta ka, Ae!"
"Hmm, see you."
Siya na ang nag baba sa tawag. Hindi muna ako bumangon. Sino naman kaya ang nandoon sa pa bonfire na yun?
Nakakainis talaga.
Ilang minuto ay bumangon na ako at hindi na nag bihis ng damit. Naka satin pajama ako pero nag jacket naman ako bago ako nag lumabas ng unit.
Naka bun ang aking buhok. Tumingin naman ako sa salamin bago lumabas baka may muta ako mabuti nalang maayos naman ang mukha ko.
Sumakay ako sa elevator at sumandal sa gilid, inaantok parin ako. Pasarado na sana ito ng may isang kamay'ng pumigil kaya bumukas ulit.
Tamad kong tinignan ang taong iyon pero nung napagtantong si Keane iyon ay umayos ako sa pag tayo bago inilagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket.
Hindi ako nakatingin ngayon sa kanya. Sa sahig na ako nakatingin nung sumarado ang elevator.
"You're still awake."
Sigurado akong hindi iyon tanong. Tumingin ako sa pintoan ng elevator at kita ko ang aking repleksyon at kay keane.
Hindi siya nakatingin sa akin. Sa harapan din siya nakatingin.
Tamad akong ngumiti sa harapan kung saan nakikita ang kanyang mukhang seryoso.
"I'm sorry."
Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako sa gilid. Ano naman ang ikaka-sorry niya? Sanay na ako sa ugali niyang ganun, hindi nga maganda ang sinabi niya pero okay lang yun.
BINABASA MO ANG
Heartless (Complete)
RomanceAella Monteverde is a well-known singer and songwriter. Her music is about love, pain, and self-discovery. She can't go out in public due to the paparazzi, and her life is quite private. Seeing her crush despite over five years of not seeing the guy...