One Crazy Ride with HIM

32 1 0
                                    

Sa dinami dami ng taong sumasakay sa pampasaherong jeep marami tayong nalalaman,nakikita at nakikilala.

Sa bawat pag sakay natin sa jeep iba't ibang tao ang nakakasalamuha natin, kung minsan pa nga kung sino yung nakasabay mo noong nakaraang araw siya din iyong makakasabay mo sa mismong araw na sumakay ka.

Di mo rin maiiwasan na tumingin sa katabi mong busy sa pagttext at ikaw naman di mo maiwasan na tignan kung ano yung sinasabi niya sa text para ka na ding nakakuha ng isang chismis yun nga lang textmis....chismis na galing sa text message.

Kung minsan naman naririnig mo yung kwentuhan ng dalawang magkaibigan na katabi mo or katapat mo,

Minsan naman nakukuha mong mainggit sa couples na nakasabay mo sa pagsakay mo sa jeep na super sweet,parang nilagyan ng glue sa sobrang dikit nila.

Di mo rin maiiwasan na mainis sa mga nakakasabay mo na sobrang ingay na feeling nila pag aari nila yung jeep na sinasakyan niyo.

Wag din kalimutan ang magkaroon ng kasabay na lasing at ikaw pa ang nakuhang makatabi sa loob ng jeep,kulang na lang sabihin mo sa driver na wag magsasakay ng lasing kung may sakay na babae.

Kelangan mo maging alerto sa bawat makakasakay mo sa jeep di mo namamalayan isa pa lang magnanakaw ang kasabay mo or worse isang manyak na may ginagawang kabalastugan sayo or even sa katabi nito.

May mga taong nagdadalawang isip kung sasakay ba sila jeep or hindi sa kadahilanan na maaaring makasabay nila ang mortal enemy nila,ang ex gf/bf nila,ang nanay or tatay ng gf/bf nila gawa ng hindi sila legal at takot silang mabisto, ang ex bff nila, ang iniiwasang taong pinagkakautangan at madami pang dahilan para mapaisip ka kung sasakay ka pa ba sa jeep na yun.

At syempre ang pinaka exciting sa lahat at isang bagay na gustong gusto ng lahat pag sumasakay ng jeep....ano yun.....ang makasabay ang crush nila, pwede din isang gwapo or maganda nilalang na halos mapapa"Aww" ka na lang pag bumaba na siya/sila.

Madami.....sobrang dami mong magiging experience kung araw araw ka sumasakay ng jeep,different emotion ang pwede mong magawa sa bawat pag sakay mo hanggang sa makarating ka sa pupuntahan mo.

Bago ka pa man din makarating sa tamang destinasyon mo ang dami ng pangyayaring maaaring dumating sa buhay mo.

Pero isang bagay ang pinaka gusto ko at pinaka tatanong ko sa bawat pagsakay or pagtungtong sa jeep,even sa sarili ko.

Pwede kayang sa loob ng jeep mo mahanap ang true love mo??

Pwede kayang sa journey mo sa jeep matagpuan mo ang meant to be for you???

Pwede din kayang doon mo din maranasang masaktan....mabigo...or even worse....lokohin???

Pwede din kayang doon mo mahanap ang taong maaring kainisan mo pero eventually mapalapit sayo at pwedeng mahulog ang loob sa isa't isa???

Possible ba yun lahat???pwede kayang mangyari yun??

Lahat naman tao gusto natin mahanap kung sino man ang nakalaan sa atin, hindi nga lang sa iisang lugar...oras...panahon...or taon man diba...

Nasubukan niyo na bang gawin lahat ng nasabi sa taas???

Ako.........

Sinusubukan ko pa lang......

_____________________________________

walang kwenta toh kaya....hindi ko alam kung saan kakahantungan ng story......

all i need is some comments....feedback about this.....

I'll be waiting for your response

^_________^v

One Crazy Ride with HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon