chapter 4

3 0 0
                                    

"dont you dare run from me" sabi niya sakin habang patuloy pa din sa pag habol sakin.

"Hindi naman ako tumatakbo sayo eh, hinahabol ko yung jeep" sabi ko sa kanya habang tumatakbo.

Yeah,pero half of it tinatakbuhan ko talaga siya kasi baka kutusan na naman ako nun.

Masakit pa naman mangutus sa ulo yun, baka magkabukol pa ko.

"Weh...such a great liar iska, stop running i wont do such thing on you" sabi niya sakin saka siya tumigil kakahabol sakin.

Napaisip naman ako kung hihinto ba ko oh itutuloy ko pa din yung pagtakbo ko.

"Pramis.????" Tanung ko sa kanya

Tumango lang siya sakin sinyales na nagppramis siya sakin. Pero di pa rin ako kumbensido sa sagot niya mas gusto kong mula sa mga bibig niya yung promise na yun.

Abah mahirap na noh baka ginugoyo lang ako ng tukmol na yun, mainam ng sigurado kesa sa hindi.

"Promise???Promise???...kahit mawala man si" hindi ko na tinuloy yung kasunod nun kasi alam naman niya kung sino yun at dahil sumingit siya.

"Epal ka! pati ba naman yun dinamay mo" inis niyang sabi sakin.

"Eh, magpromise ka kasi muna, gusto mo pa pati si baby lion idamay ko eh." Sabi ko sa kanya na malapit nang matawa.

Si baby lion po ay isang uri ng aso na mukhang teddy bear, polar bear, bolang malambot at syempre lion.

Mas mahal pa niya yun kesa sa ate niyang maganda,di ko alam kung bakit eh samantalang aso lang naman yun na tahol ng tahol at kung minsan apaka tamad pa.

"Ou na.PROMISE...wag mo lang idamay yun" saka siya lumapit sakin ng dahan dahan.

Napangiti naman ako kasi tinupad naman niya yung promise niya. Pag talaga si baby lion walang kupas.

"Eh bakit ba tayo pupunta ng mall hah" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at nagaabang ng jeep na dadaan.

"Ayon jeep oh...bilis bilis...takbo na iska" pagmamadali niya sakin ng makakita agad ng jeep.

Kung di ba naman ako tanga ang layo pa nung jeep gusto agad salubungin namin yung jeep eh pwede naman pala magintay nlng sa may waiting area.

May pagka-ataters din kasi tong kasama ko yun nga lang eh siya yung gwapong ataters.

Because may dugong gentleman siya eh ako pinauna niyang sumakay ng jeep baka daw kasi may manyak uli sakin.

Asah naman siyang meron itsura kong toh meron pa bang kamanyak manyak sakin tss tss.

Wala lang siguro mapili yung classmate namin kanina kaya ako napagtripan kaya ganun.

Pero pinagtataka ko lang, bakit pag siya ang kasabay sa jeep kulang na lang itapon na nila ko sa labas ng jeep para lang makatabi nila yung mokong na yun.

Di ba nila ko nakikita,pasahero din ako sa jeep, may pambayad naman din ako pero bakit ganun.

Invisible atah ako sa paningin ng mga dalahira i mean dalagang sumasakay sa jeep na sinakyan namin ni Dek.

Gusto pa atah nila sa bubong na lang ako sumakay para lang makatabi nila si pakner. Oh kaya sa gulong na lang ako basta ba makakarating ako sa pupuntahan namin ng buo at humihinga pa.

"Dek sa isang jeep na lang ako sasakay baka pati ako gawin nilang upuan eh" sabi ko sa kanya at akmang aalis na ng jeep.

Kaso pinigilan niya ko sa pagtayo ko sa tabi niya.

"Di mo naman kelangan umalis eh, were the first one here, so bahala sila kung saan sila sumaksak dito sa jeep para lang makasabay ako" sabi niya sakin saka niya ako pilit pinaupo sa tabi niya.

No choice na yung ibang babaitang gustong sumakay kundi ang sumakay sa susunod na jeep sa kadahilanan na hindi na sila kasya kahit anong gawin nilang siksik.

May nagsasabing malas naman di pa umabot, meron naman na ang sabi eh "dapat bumaba na lang yung katabi ni papa dexter eh para ako na lang katabi niya since bagay kami". Eh di siya na bagay hindi naman kasi ako bagay eh tao ako diba tao! Lintik na yan ako pa sisihin niya sa kamalasan niya.

Nakaalis na din sa wakas yung sinasakyan naming jeep, kaso habang nasa byahe kami halos lahat na atah ng mata ng mga dalahira....FINE!!!! Dalaga na kasabay namin eh nasa akin lahat.

Feeling naman nila aagawin ko sa kanila ang dexter nila eh yung dexter nga nila dikit ng dikit sakin at di ko na problema yun.

Mamatay na lang sila sa inggit at ako ang laging kasama ng prince charming kuno nila.

Kung hindi lang talagang lubak lubak at may hums churbalu sa daan namin iisip kong sinasadya ng mga dalahirang toh pagkakaipit sakin at para na din makachansing sila kay dek-dek.

Para paraan nga naman ng mga toh oh tss tss.

After 15mins nakarating na kami sa mall at ang mga alipores ni dek ayun bumaba na din.

Pwede na sila magtayo ng isang fanclub sa totoo lang. At unang una nila kong ibaban sa idol nila malamang.

Habang papasok na kami ng mall naisip kong di ko pa alam kung bakit kami nagpunta dun imbes pumasok sa next subject namin.

Kaya after bungkalin kuno ng guard yung bag namin eh tinanong ko ulit si dek-dek, wala na ko pake kung makulitan siya sa kakaulit ko ng tanong sa kanya na di naman niya masagot ng matino.

"Huy...deky bakiy ba tayo magpunta dito hah..." Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa loob ng mall.

Ang walangya hindi ako pinansin, tumingin lang saka naglakad.

Ang ayos ng tanong ko tapos ganun lang silent treatment ba yun eh di naman kami magjowa ah.

Kinulit ko siya ulit ng tanong pero this time hinila niya ko sa isang shop na pang lalaki.

Paghinto namin sa harap ng shop nagtanong ako ulit.

"Eh bakit tayo nandito??....anong bibilin mo dito?? Tsaka bakit kelangan kasama pa ko eh pang lalaki naman toh" sabay turo ko sa shop na nasa harap namin.

"Alam mo toddler kesa magtanong ka ng magtanong dyan samahan mo na lang ako mamili ng damit." Saka niya ko hinila papasok ng shop na yun.

Habang namimili siya ng damit,naupo muna ko sa sosyal na sofa dun, sa sobrang lambot siguro nun gugustuhin kong matulog muna habang namimili pa si dek-dek.

Kaso umentra naman tong mokong ng "wag mong subukan tulugan ako sa sofa na yan kundi iiwan kita dito."

Sino ba naman di takot maiwan diba,

Kaya ayun tingin tingin na lang sa paligin para di mabagot sa kakaintay kay dek na nasa fitting room pa.

Iba na talaga mayaman eh, daming pambili ng damit. Di tulad ko inuulit ko na lang minsan damit ko sa katipiran ko para mabudget ng bongga ang allowance ko.

Kung ang mayayaman sa isang linggo siguro nakaka pitong pantalon sila ng sinusuot.

Samantalang ako hah.....sa tatlong araw isang pantalon ganun ako katipid sa perang pambili ng damit.

Di naman kasi kami ganoong kayaman tulad nila dek na foriegner ang family diba.

Tsaka may-ari ng isang luxurious hotel ang tatay niya kaya nabibili niya lahat ng gusto niya.

Kaso may sapak din yun eh mas gustong magjeep everyday kesa gamitin ang auto niya.

Ang dahilan niya madami daw chix na makakasabay eh lintik makapanglait naman daig pa ko.

Tinatamaan na ko ng antok nang biglang lumabas mula sa fitting room si dek-dek at.

AT...........

AT.........

KYAAAAAAAHHHHH..........

One Crazy Ride with HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon