Chapter 340

460K 22.9K 39K
                                    

A/N: Miss ko na mag-UD at magsulat. Stress is taking me away from writing. Tapos my migraine pa, sana makapag-sulat na ko ng maayos.

🎁Happy Birthday!
🥳Ramla Ebrahim
🎉Tracy Nicole Lopez

📣 SHOUTOUT
📢Jiff Ian Villanueva
📢Prince



Aries & Freya

Jay-jay's POV

Kung kanina malikot ang mata ko at tingin ng tingin kung saan, ngayon naman nakatitig lang sa isang bahagi ng pader sa harap ko at hindi kumukurap.

Masama. Wag kukurap.

"I'm asking you." Mahinahon pero may diing tanong ni Aries.

Pasimple akong tumingin sa kaniya at nasalubong ko ang masama niyang tingin. Muntik na kong maging bato.

"Text ba ng matinong tao to? Tao ka ba?" Iritang tanong niya.

Tipid akong tumango at hindi na nakatiis na kumurap. Naguguluhan ako sa asta niya. Maayos naman ang text message ko kahit hindi nila naintindihan pero eto siya at galit na galit sakin.

"What country are you from? I don't think this words are from earth." Sermon niya at hinarap pa sakin ang screen ng cellphone kung nasan ang message ko. "Alien ka? Alien ka?"

Umiling ako at napayuko. Grabe naman ang reaksyon niya sa text message ko. Akala mo naman sumpa ng chain message ang pinadala ko sa kaniya tapos hindi niya naipasa sa sampung katao.

Walang sumpa ng kapalaran yon.

"Sabagay, kamuka mo nga pala si Kokey." Sabi niya bago ibalik ang cellphone sa bulsa.

Matalim niya kong tinignan bago maglakad paalis at pumasok sa kwarto ni Grace. Napatingin ako kay Ci-N at Felix na pasimple akong pinagtatawanan. Alam kong natutuwa silang panoorin akong kinagagalitan ng kapatid kong Horoscope.

Inirapan ko sila bago lumapit kay David at sumandal sa pader na sinasandalan din niya.

"Galit na galit?" Tanong niya sakin.

Umiling ako. "Medyo lang. Hindi kasi niya naipasa ang chain message sa sampung katao, natatakot siyang masumpa."

Bahagya siyang tumawa. "Naniniwala siya don?"

Napanguso ako bago tumango. "Ganun talaga. Manghuhula ng kapalaran yon eh."

Ang mahinang pagtawa niya ay naging malakas. Napa-iling-iling pa siya na parang bentang-benta sa kaniya ang joke ko.  Kung wala lang ibang gusto tong isa na to iisipin kong may crush siya sakin.

Buti nalang talaga.

"Kokey..." Parinig ni Ci habang natatawa.

Napatingin ako sa kaniya at ganun nalang ang inis ko ng mapansin ko ang mga muka nilang nang-aasar. Kasama pa niya sa pagtawa si Eren, Felix at Rory.

"Problema niyo?" Inis na tanong ko.

"Kamuka mo pala si Kokey?" Sabi ni Felix at tumawa.

Kuwaring hinawi ko ang buhok ko. "Yes, kamuka ko si Kokey. May kamuka akong artista. Panis!"

Naging malakas ang tawanan nila. Naki-tawa na din si David at iba pang Ulupong malapit samin. Hindi ko tuloy maiwasang mainis. Para bang napag-t-tripan na naman ako ng hindi ko alam.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon