AUTOPHOBIA

19 3 6
                                    

  "Autophobia"
                -Irrational fear of loneliness

         "Class stay in this zone lang ha. All of you are not allowed to roam at night lalo na't hindi natin kabisado ang lugar na ito. Okay? Our president Nereen will be incharge."  Muling paalala ng teacher namin bago kami iwan sa tapat ng bonfire na ginawa namin.
                                                                
Teachers have their own tents near ours. They left us since we are now at the right age for camping. "Oh alam niyo na ha. Incharged ako kaya walang aangal sa mga utos ko." Maarteng wika ni Nereen. Wala namang umimik ni isa. Madilim ang kapaligiran at tanging ang tanglaw ng buwan at ang bonfire ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. Masyado naman yatang boring ang ganito. Nag camping tapos tutunganga lang sa bonfire.    "Lester tara pagtripan natin si Nereen."    Pag-aaya ni Frank, isa sa mga barkada ko.    "Ang dilim na oh saka bawal gumala 'diba?"    Sagot ko sakanila.    "Sige na Les, 'wag kang KJ"   Pangungumbinsi ni Thea, isa rin sa mga barkada ko. At dahil sa naiinis din ako sa ugali ni Nereen ay pumayag na ako. "Sige pero 'wag lang talaga kayo magpapahalata" Paliwanag ko na agad naman nilang ikinatango.
                                           "Nereen! Nawawala si Thea!" Parang praning na wika ni Leila kay Nereen, isa rin si Leila sa mga kasabwat namin. I must say na magaling siyang umarte. "Paanong nawawala?" Nag-aalalang tanong ni Nereen. "Hindi ko alam pero kailangan natin siyang hanapin at please 'wag mo ipapaalam sa iba. Baka magpanic din sila." Muling wika ni Leila kaya't sumunod si Nereen sa direksiyong itinuro ni Leila. Sumunod naman si Frank sa direksiyon na tinahak nila Nereen.
             
             
            Ilang minuto pa ang lumipas ay natatawang bumalik sina Leila, Thea, at Frankie sa aming camping site. "Success Bro" Nakangising wika ni Frankie. Napangiti nalang ako dahil sa kalokohang ginawa namin. "Iniwan namin siya sa madilim na parte ng gubat haha." Paliwanag naman ni Thea. At dahil walang istriktong class president, pwede na kaming makapagsaya. Inilabas nila Thea ang dala nilang alak. Naki-join na rin saamin ang iba naming kaklase nang hindi napapansin na nawawala na si Nereen.

          Mahabang oras na ang lumipas at natutulog na ang iba dahil sa antok at kalasingan. Nakalimutan na yata nila Frankie at Thea si Nereen. Kahit papano ay nakokonsensya na ako dahil sa ginawa namin. Hindi pa rin bumabalik si Nereen at hindi ito ang inaasahan ko. Ang akala ko ay kaya niyang bumalik dito.

         At dahil hindi ko na nakayanan ang pag-iisip ko tungkol sa kung ano man ang mga bagay na maaring mangyari kay Nereen, napagpasiyahan kong hanapin siya. Naglibot-libot ako sa gubat gamit ang flashlight ng phone ko. Mga ilang minuto pa akong naglibot-libot at natagpuan ko siyang nakaupo sa masukal na damuhan. Nakapatong ang ulo sa mga mga binti niyang niyayakap ng kanyang mga braso. "Nereen!"  Pagtawag ko sakanya. Iniangat naman niya ang ulo niya at saka naluluhang tumakbo patungo sa direksiyon ko. Nabigla ako nang yakapin niya ako nang walang-pasabi. Humahagulhol siya at bawat paghinga niya ay malalim. "N-na-tatakot ako" Sambit niya sa kabila ng kaniyang paghikbi. Ramdam ko ang lamig ng kaniyang katawan at bilis ng tibok ng puso niya. Sa loob ng mga panahong pinagtripan namin si Nereen ay ngayon lang ako nakaramdam ng awa sakaniya. Bumitaw siya sa pagkakayakap niya saakin at tinitigan ako ng kaunting segundo pagkatapos ay bumagsak ang payat niyang katawan sa damuhan. Nagulat ako sa nangyari kaya sinubukan ko siyang gisingin ngunit hindi pa rin talaga siya gumigising. Binuhat ko siya patungo sa camp site namin upang makahingi ng tulong kahit man lang sa best friend niyang si Alice.
               

                           Pagkarating ko sa tent nila ay dahan-dahan kong inilapag si Nereen sa bedsheet nila. Magkahalong gulat at galit ang rumihestro sa mukha ni Alice nang makita ang kalagayan ng kaniyang Best friend. " What the heck have you done!?" She shouted at me. Ipinaliwanag ko naman ang nangyari kanina. Inamin kong kasalanan namin 'yon. "Don't you know?! She has an autophobia! You can't just leave her alone!" Mangiyak-ngiyak na bulyaw saakin ni Alice.
                       
                           I was shocked the moment she told me that. Now my conscience is eating me. What have we done?

One Shots and Short stories 🖤Where stories live. Discover now