Chapter 2 ANG SUNGIT

1 0 0
                                    

Goodmorning world!!

Nakatulog ako nang maayos kagabi at maaga kaya maaga din akong nagising. Ngumiti agad ako para sa magandang gising Ko. Napatingin ako sa gilid Ko si aya tulog pa ang tagal kasi matulog eh mahilig syang mag basa nang  mga romance novel hinihiram niya sa ka klase niya. Pinapagalitan Ko nga syang wag syang manghiram at baka makasira at mawala niya wala kaming pambayad pero lagi syang may dahilan sabi niya hindi daw 'SYA CARELESS' wala akong magawa. Napatitig din ako sa kanya saglit.

Ang Ganda talaga ni aelia namana sya ni mama.

Tinupi Ko na ang Ginamit Kong banig at bedding.

Pagkalabas Ko wala sila papa at mama

"mama" mahinang tawag Ko  pero walang sumagot "papa" wala ding sumagot. Kaya pumunta ako sa kwarto nila  nasa gilid lang samin.

Napangiti ako nang madatnan silang nakayakap si papa kay mama. Hindi pa sila gising at mahimbing natutulog.

Nagsibak ako nang mga kahoy para makasaing ako. Pinagpawisan ako pero okay lang. Nang matapos akong magsaing. Nagwalis ako sa harapan nang bahay. Maaga pa nga talaga kasi wala pa si Mister sun.

Heheheheh

"Anak" dinig Ko si papa na Tinatawag ako.

"papa!" sigaw Ko " nagwawalis po ako dito sa labas" napatakip ako nang bibig nang marealize Kong baka magising Ko ang mga kapitbahay namin.

"Bakit ang aga nagwawalis ka dyan? Ano na ba oras?.. Oh 5:15  pa anak.." medyo iritang sabi ni papa.yumakap nalang ako sa kanya.

"pa okay lang po.. Napaaga lang ang gising Ko.. Kaya napagisipan Kong magwalis walis muna" sabi Ko sa malambing tono.

"naku anak! Pano Kong may mga loko diyan.. At isa pa anak dapat natutulog ka pa nang matagal para tumangkad ka"  mahabang sabi ni papa. Gusto Kong matawa kaso baka mapagalitan  ako ni papa. Kasi seryoso sya.

"papa okay lang po--" naputol ang sa sabihin Ko nang kinalas niya ang kamay Kong nakayakap sa kanya at tinignan ako nang seryoso. Napanguso nalang ako.

"okay lang anak pero yung ganitong oras gising kana at nagwawalis ka na dito alam mo namang maraming loko dito.. Hindi safe" tinignan nya ang paligid at malakas na buntong hinga ang ginawa niya " nagtatalo pa ang liwanag.. Wag mo nang uulitin to.. Naiintindihan mo?"  tumango ako. Hindi naman mukhang galit si papo. Nag alala lang talaga sya.

Maya lang ay yinakap na niya ako. Humingi pa sya nang pasensya dahil napagalitan niya ako. Okay lang naman yon hindi din Ako nag tampo. Tama si papa madilim dilim pa. Marami kasi gangster dito sa baryo namin madaming mga lalaking nang rerape. Maaga din kasing gumising si mama sya ang nagsasaing nang pag kain samin kaso nauna lang ako ngayon hindi Ko din inasahan na mapaaga ako hindi Ko din gusto ang tumunganga lang.

" pasok kana sa loob ako na bahala dito" sabi ni papa at kumalas na Ko sa pagyakap.

"sorry pa" ginulo niya lang ang buhok Ko. Ngumiti si papa.

Pumasok muna ako sa kwarto at tulog padin si aya. Kumuha  ako nang towel dahil maliligo ako.

"sht ang lamig!"  napasigaw ako. Madalas kasi warm water pag ganitong oras na. Ngayon parang ice na natunaw.

"Anak bakit ang aga mong nagising.. Ikaw nag saing? Nagulat lang ako nang sinabi nang tatay mo na gising kana at Nagwalis ka raw!" sabi ni mama. Nagulat ako kasi gising na pala  si mama.

"opo ma sorry po"

"ikaw bata ka talaga.. Sge magbihis kana at gisingin mona si aya" sabi nya hindi naman sya galit. Naiirita lang.  kinuha na niya  sinaing Ko pa pasok sa loob at sabay kaming Pumasok.

Sacrifice The Heart (ONGOING) Where stories live. Discover now