Where do Broken Heart Go?
by:shidoyoulovemeMinsan may pagkakataon na mapapatanong ka.
Bakit pa ikaw ang siyang ginulo eh nanahimik ka lang naman.
Natatawa na nga lang ako minsan dahil nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo yung taong dapat di ka sinasaktan ng ganito
pag babae dapat malakas ka, pero may nakita ka bang babae na
madaling nakalimot sa sa sakit at pighati dahil sa nakaraan nyang pag-ibig?Agad kong iniayos ang gamit ko at lumabas ng kwarto. Lunes na naman panibagong araw para makipagsapalaran sa mundo. Maging gising sa reyalidad na estudyante pa pala ako.
"Ma.. una na po ako" mabilis kong bigkas habang nagsasapatos.
"Wag kang mauna bata ka pa..Di ka ba muna kakain Dominique?" tanong ni mama habang naglalabas ng pera sa wallet nya
"Di po ako nagugutom" mariing sambit ko at tinapos na ang pagsisintas
"Si Wayne na naman ba yan? hanggang ngayon ba ay may galit ka parin sa kanya?"sabi nya at lumapit sa akin.
Bigla akong napapikit nang bigkasin ni mama ang ngalang halos isumpa ko na. Di ko alam pero nakaramdam na naman ako ng lungkot sa puso ko.
"Ma.. Hindi lang sa kanya iikot ang mundo ko sadyang di lang ako gutom" sabi ko sa nanay ko at ngumiting pilit para maconvince sya na okay lang ako.
"Sabi mo yan ahh mag-ingat ka" sabi nya sabay hawak sa balikat ko.
Paglabas ko ng bahay ay agad kong isinalpak ang earphones sa tenga ko. Bagamat 5:00 palang nang umaga ay madilim pa sapagkat mas mahaba ngayon ang gabi kaysa sa umaga. Agad kong pinindot ang Spotify ko at naghananap ng random song.
Biglang nagplay ang Nang Iwan by This Band.
'Natataka, natatakot,nalulungkot, nag-iisa ala-ala ng panahon andyan ka~
'Tila bangungot ng magising at wala ka na, wala ka na~Di ko alam dahil tila sa lahat ng kanta ng lirikong bumitaw sa kanta ay para akong iniistab. Bigla kong naalala si Wayne. Bakit mo ko iniwan? Bakit? Akala ko ba ako lang ang mahal mo? Bakit mo pa ako ginambala kung mahal mo pa sya?
'Nangangamba kung ako pa kaya'y iibigin pa
Dahil sa 'yong dinulot, parang wala na~
Ang puso ko ngayo'y pagod nang umibig pa~Biglang bumalik sa alala-ala ko nung panahong nagkakilala tayo nun. Nagkataong nagbreak kayo ni Alexa nun. Sinamahan lang naman kita na palakasin ang loob mo nun. Naging kontento ka na nandyan ako para sa mga hinanakit mo sa kanya. Ako yung sabihan mo ng problema nun. Kung paano ka nya iniwan. Nandun ako. Laging nakahawak sa likod mo at sinasabing okay lang yan.
'Ilang taon ang tiniis
Para hindi ka umalis~
'Ngunit ako'y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang?~Naalala ko bigla nung nagtapat ka sa akin. Di ko manlang inisip ni katiting na mahal mo pa sya kasi ang saya natin non ehh. Nung niligawan mo ako lagi mo akong hinaharana sa harapan ng madla. Ginagawan ng tula na ako ang siyang paksa.
'Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayo'y ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan~
'Ang sakit-sakit isipin na
Ako'y iyong iniwan~Sa tuwing maglalaro maglalaro tayo ng Xbox sa bahay nyo. Lagi tayong team up tapos kahit matalo ayos lang sayo kasi sabi mo ako naman ang kakampi mo. Nung unang panalo natin as a team. Napayakap ka pa nga sa akin nun sa akin. Unti-unti akong nahulog sayo nun. Kasi akala ko yung mga pinapakita mo totoo. Na walang biro yun na mahal mo talaga ako.
'Di mapinta
Aking sarili nang ikaw ay mawala~
Hanapin ang sarili'y 'di ko na kaya
Hanggang kailan kaya ako magdurusa?
Magdurusa~Naalala mo nung niyaya kita sa Ice cream parlor nun? Bumili pa nga tayo ng Ice Cream Sticks. Wala kang kamuwang muwang nun nang sinagot kita nung araw na yun. Grabe ang sigaw at higpit ng yakap mo sa akin nung araw na yon. Tila ayaw mo akong pakawalan sa bisig mo. Sinulatan pa nga natin yung sticks ng Ice cream yung monthsarry date natin.Naalala mo ba yun? July 29, 2019 yun.
'Ano bang mali?
Bakit sa t'wing iibig, ako'y laging sawi?
Ibigin ang sarili ay nawala na~
'Hanggang kailan kaya ako magdurusa?
Magdurusa~Nung unang mga buwan natin ang saya saya mo nun. Hawak mo lang ang kamay ko lagi. Lagi mo kong hinahalikan sa noo. Kinakantahan mo ko nun. Hinalikan mo pa nga ako sa harapan ng madla. Akala ko kasi totoo yung pagmamahal mo sa akin ehh. Akala ko kasi di mo magagawang lokohin ako kasi nagtiwala ako.
'Ilang taon ang tiniis
Para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang?~Nung bumalik yung ex mong si Alexa sa pilipinas. Di ako nag-alala, panatag kasi ako na ako na yung mahal mo nun eh pero nagbago ka. Bigla kang naging cold at di mo na ako halos kausapin nun. Di ko alam pero isa lang ang masasabi ko ginawa ko ang lahat para magstay ka sa akin.
'Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayo'y ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan~
'Ang sakit-sakit isipin na
Ako'y iyong iniwan~Agad kong nadaanan ang school. Nang mamataan ko si Alexa at si Wayne na dadaan sa harap ko ng magkahawak ang kamay.
Agad akong napahawak ng mahigpit sa bag ko at pinipigilan ang bawat luha na siyang papatak sa mata ko."Ui Dominique.. kamusta ka na?"masiglang bati ni Alexa. Agad akong napatingin kay Wayne at iniwasan lang ako ng tingin.
"A-ah? O-okay p-pa naman" ngarag na sagot ko
"Teka? Okay ka lang ba? Bat parang ang lungkot ng mata mo? Tell me boyfriend issue ba yan? Nagkajowa ka nung wala ako?" Tanong ni Alexa at nginitian pa ako.
'Wala kang alam'
Gusto kong sambitin ang mga salitang yan pero nagring na ang bell.
"Domi? Ahm una na kami ni Darling may klase pa kasi kami eh.
'Oh, bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayo'y ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan~
'Ang sakit-sakit isipin na
Ako'y iyong iniwan~Imbes na pumunta ako sa room ay nagpunta ako sa roof top ng school namin. Di na kinaya ng luha ko na pumatak. Sila na pala talaga. Ang tanga tanga ko. Ang bobo ko. Di na naisip na ginawa lang akong rebound ni Wayne. Nagtiwala kasi ako. Minahal ko sya ng sobra.
'Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo? (oh, bakit ba binuhos)~
(Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko)
'Ngayo'y ako'y nahihirapan
Ang sakit-sakit isipin na
Ako'y iyong iniwan~Pumatak ng isa-isa ang luha ko at napatingin sa langit. I hate love as of now. I hate na nainlove pa ako sayo. I hate na minahal kita. I really hate na bakit ikaw pa.
Napatingin ako sa railings ng Rooftop di ko alam kung bat ako napatingin dun at tila gusto ko ng tumalon. Agad kong inakyat yun at dahan dahan kong inihakbang ang paa ko para magpatihulog ng may isang estranghero ang humawak sa kamay ko
"Ano ba Dominique? Di lang sya ang lalaki sa mundo.. Wag kang magpapakamatay ng dahil lang sa kanya" unas ni Justin at niyakap ako ng mahigpit
"Sorry.. di ko na kaya" sambit ko at niyakap sya pabalik.
"Its just a love.. okay? Heart break will make you strong. Isa pa nandito ako na bestfriend mo para tulungan ka. Look 18 years na tayong friends. Since nakadiaper friends na tayo. Nakalimutan mo lang nung naging jowa mo si Wayne"sambit nya at hinalikan pa ako sa noo
"Sorry naging mahina ako. Naging tanga ako. Alam mo naman kung gaano katanga tong bespren mo" sabi ko at natawa ng mahina.
"Tara sa canteen at ililibre kita ng paborito mo." sabe nya at hinawakan ang kamay ko papunta sa pinto
"Just make it sure na lasagna yan ah" sabi ko at pinunasan ang luha ko
"Oo ang pangit mo umiyak kahit kailan HAHAHAHA" sabi nya sabay takbo
"Ikaw talaga hapon kaaaa"
Mukhang tama nga si Justin.
Kailangan ko lang tatagan.
Pero ang masasabi ko.
"Im not yet move on pero ill move forward"
BINABASA MO ANG
Bitter Luck Next Time (One shot story)On going
Short StoryI hope you like my one shots story. Im not even good of writting but I hope you'll give thumbs up for this. 🥰