Maibabalik ba ang noon?

3 2 1
                                    

Nakagawian sa paglipas ng panahon ay kinalimutan,
Kasabay ng paglimot Ang pagbago ng ihip ng hangin,
Masayang nakaraan ay sa nakalipas ibinaon,
Ibinaon at sa pagbabago ay dito tayo nakatuon;


Maibabalik ba Ang noon? na masaya at Malaya sa takot,
Takot na sa atin ngayon ay naging bangungot,
Nakita mo na maaring ngayon ay nagbago na,
Dati ay tila naglaho at nakalipas na;


Magbabago ba Ang ngayon?Kung oras ay tila minadali,
Paglipas ng araw ay Gabi nang muli,
Ngiti at matunog na tawa ng Bata ay nawala,
Matang kumikislap sa saya ay napalitan ng pagkabahala;


Pagkabahala na tila nawawalan ng pag asa,
Kaya sa takot at pangamba ay balisa,
Balisa na tila iniisip Kung kaya pa,
Kaya ba Kung nalilito na sa mga gagawin pa;


Binago man Ang takbo ng oras natin ngayon,
Tandaan mo Isa lamang itong pagsubok ng pagkakataon,
Tibay ng ating loob ay di matitibag,
Kung may panginoon tayong may habag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon