Bingi

10 2 0
                                        



Marahil hindi niyo maiintindihan
Ang abang tula ko
Dahil sa talinhaga
At nagtatagong mga kahulugan ditto
Ngunit, sana kahit isa man lang sa apat na sulok nitong kuwarto
May makaalam ng totoong damdamin ko
Kaya uumpisahan ko na ang abang tula ko.

Nagtatagong damdamin
Bumubulong sa hangin
Nagnanais na iyong mapansin
Sana nama'y iyong dinggin

Sumisigaw ang puso ko sayo kuya
Kahit alam kong hindi ito kaaya-aya
Nagnanais ang tinig ko na makalaya
Sa'yo kuya, na nakitingin lang sa kanya

Saksi ang gitara sa pagtulo aking mga luha
Dahil ang kantang alay ay binabalewala
Ikaw ang dahilan ng mabibigat na pagtipa ko ng nota
Umaasang na ito ang maging dahilan ng pagpataw mo sa akin ng isang sulyap

Ngunit aking naalala
Ikaw ay bingi pala
Balot ang iyong tenga sa musikang tinatawag mong siya
Binga ka sa ritmo ng tibok ng puso mong tinatawag ang pangalan niya
Bingi ka sa melodiyang bumubuo sa pagmamahal mo sa kanya

Ang tanging tinig na naririnig mo ay sa kanya
Hindi sa akin
Na kahit ako ay maghumiyaw, hindi nito maabot ang puso mong bingi
Sa sarili nitong tinig
Na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan niya.

Malat na ang iyong boses, sa pagsigaw
Ngunit atensyon niya ay hindi maagaw
Parehas tayong nakikipag-usap sa pader.
Hindi matinag, hindi nakikinig, walang aber.

Pagod na akong sumigaw
Kaya heto...
Sinubukan kong isulat
Kung ano ang gusto kong sabihin

Nagbabakasaling hindi ka bulag, bingi lang
Nagbabasakaling kaya mong initindihin ang mga bagay,
Ang pakiramdam na dulot ng aking hinabing letra.
Na sana, kung hindi madalang mga salitang binibigkas ng puso ko
Makita man lang ng mga mata mo
Ito ako,
Ito ang nilalaman ng puso kong sawa na sa pagsigaw
Sawa na sa alingawngaw
Sawa na sa atensyon mong pilit kong inaagaw

Tingnan mo ang mga letra.
Damahin mo ang bawat salita.
Ang mga baybay na humahanap ng kalinga
Ang mga pangungusap na pilit mong binabalewala

Dahil napipi na ako,
Nawalan ng boses
Natuyuan ng laway sa pagtugon ko sa mga tawag mo
Para naman talaga sa kanya
Nagsawa na ang boses ko sa kasasabing 'mahal kita'
Habang sinisigaw mo nama ang pangalan niya,

Nagbabakasaling marinig ka rin ng isa pang bingi na kagaya mo
Nagbabakasakaling marinig mo ang musikang hindi marinig ng iba
Ang mga salitang binitawan ko sa alapaap
Noong kinaya ko pang, sumigaw... magsalita... bumulong...

Ngayong wala na ang boses ko
Itong kamay ko naman ang maghahatidng mensaheng kaytagal mong hindi dininig
'mahal kita'
Nakita moba?
Kasi kung hindi baka yung kamay ko rin ay mapagod na
Nabasa moba?
Hindi ka naman bulag diba?

--------

(2017)

ChaWrote (tsk wala lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon