Chapter 9

3 0 0
                                    


"Praise Jamie Santos!" Agad nagising ang diwa ko ng marinig ang buong pangalan ko kaya agad akong lumingon

"Oh Angelie ikaw pala "

"Huy Praise kanina pa kita tinatawag pinagtitingnan na nga ako ng mga schoolmates natin sa kakasigaw ko hindi kanaman siguro bingi ano? Wala kanamang earphones? Lutang ka girl?"

"Ay sorry medyo may iniisip lang "

" Halata naman na malalim yang iniisip mo ? Ano bang problema? "

"Wala lang maliit na bagay lang naman tara na pasok na tayo"

Pagdating sa room agad akong nagtungo sa upuan ko at nanahimik wala talaga ako sa mood para makipagsabayan sa mga kaklase ko . Masyadong pagod ang isip ko sa mga nangyayari. Lahat naman siguro tayo mahihirapan kapag tinanggalan ng karapatan , Karapatang mahalin ang gusto nating mahalin .  Diba? Kaya napapaisip ako tama kaya si Daddy na umalis nalang ako? Magpakalayo layo ako? Total wala namang magagawa si lolo kapag naka alis na ako dito kaso hindi naman tama na takbohan ko lang basta basta ang problema dahil alam ko na hindi matatapos ito kapag hindi haharapin .

Nakakalungkot lang isipin na biglang hahantong sa ganito ang akala kong perpektong pamilya ay meron palang tinatagong malaking problema . Problemang lalong lumalaki pag tinatakbuhan , Problemang mamanahin ng susunod na generasyon kapag hindi haharapin ng kasalukuyan  hayssssss .

"Miss Santos!!!"  Agad nagising ang diwa ko sa sigaw ng prof  namin hindi ko napansin na nagsisimula na pala siyang mag tawag ng pangalan para sa attendance

"Ay sorry po Maam" 

"Are you okey? Miss Santos?"

"Yes Maam sorry po "

"Wwwwwwewww praiseeee gisingggg kaaaaaaaa gumisssingg ka nasa school kana wag mong dalhin ang problema moo ditooooo sa school okeey ? Mag focus ka "bulong ko sa sarili ko sabay sampal sa mukha ko

"Sabi ko na nga bang may problema ka ehhhh baka naman gusto mong i share yan? " bulong saakin ni Angelie

"Sshhhhh tumahimik ka nga wala to " pag dedepensa ko

"OOOOOKKKEEY " mabuti nalang at madaling kausap si Lei kung hindi baka  naka pag walk out na ako dito

"Mr.Reyes you're late again? " agad akong napatingin sa kay Pio na kakarating lang .

"Better to be late than absent maam" sabay irap ng kanyang mga mata

"Tsss kahit kailan ang suplado talaga ng lalaking yan " si Angelie

"Tumahimik kanalang" sagot ko

Ngayon nararamdam ko narin yung feeling na ikakasal sa iba at di malayang pumili ng gusto kong mahalin ngayon naiintindihan ko si Pio bakit sya nagkaganyan lalong lalo pa't namatay ang taong mahal niya nakakalungkot haysss .

"Mr. Reyes please go to the faculty room after this class marami tayong pag uusapan " sabi ni Maam at bumalik na agad sa discussion

Shet speaking of discussion wala akong maintindihan sa discussion niyaaaaa "Ahhh praise mag focus ka ngaaaaaa" bulong ko sa sarili ko .

Bago pumunta sa cafeteria naisipan ko munang pumunta sa rest room di ko alam kung bakit ako kinakabahan , malakas ang tibok ng puso ko na tila nakikipag karera .

Nakita ko si Pio nakasandal sa pader malapit sa faculty room malalim ang iniisip agad akong nagtungo sa kaniya para lang makipag usap.

"Hi?" Panimula ko ngunit di niya ako pinansin.

"Hmmmm sorry but I heard last time na naka fix marriage ka din pala kaya naiintindihan ko bakit di ka makapag focus sa class mo if you want Im willing to help you alam ko din kasi ang feeling na ganyan"

" Saan mo narinig? Mga kaibigan ko lang nakakaalam niyan "

"Hmmmmm di ko sinasadyang marinig pag uusap nyo sorry napadaan lang naman ako "

"Tssssssss magkaiba tayo ng sitwasyon ako tali na ikaw pwede kapang umayaw mababait magulang mo."

"Yeah mabait si mommy and dad but wala silang magagawa kapag si lolo na ang mag dedesisyon "

"Magkaiba tayo ng kapalaran Santos at di mo alam ang nararamdaman ko dahil di mo naranasang mamatayan ng taong mahal na mahal mo."

Turn You into Sacred Where stories live. Discover now