Chapter 4

2 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hall way medyo puyat sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa mga kaibigan ko kahapon kasi biglang di sila nagpapansinan parang may tensyon sa nabubuo tapos noong tinanong ko wala sumasagot tapos may pa leave pa sa groupchat jusq ano meron ?

"PRAAIISSSEEEEEEEE"

bigla akong napabalik sa sarili ko ng makarinig ako ng sigaw sa likoran at pag lingon ko walang nang iba ang nag iisang anghel na binagsak ng lupa alam nyo kung ano rason? Dahil naiingayan si San Pedro pati narin yung manok kaya ayon hinulog lol

"Ano bayan Angelie ? Bakit ang aga aga sumisigaw?"

"Eh paano praise kanina pa kita tinatawag pero tulala ka hello gurl flag ceremony na hu baka magka penalty ka niyan? Concern lang ako alam ko kasing wala kang jowa kaya keep me may care ako"

"Daming sinasabi" pabulong ko

"Ano?"

"Ahh wala wala tara na baka magka penalty karin"

Agad kong hinila si Angelie patungong quadrangle para wala ng masyadong tanong dahil wala din akong oras na sagutin ang mga katanongan niya .

Pagkatapos ng flag ceremony agad na akong tumungo sa library, bakit sa library? Kasi naman maam seerr excuse ako whole week para mag review sa paparating na mga competitions ko O diba sana nag pa late nalang ako joke.

Sa school kasi may rules kahit may activities pa yan O ano mang gawain basta monday required talagang umattend ng flag  ceremony may penalty pag di ka aattend medyo strikto si Fr. At Sister pero atleast na didisiplina mga estudyante ayon ngalang maraming mean girls at Badboys pero atleast hindi sila nambubully tamang taray at pag susuplado lang yun! Kaya komportable mag aral mga estudyante dito walang violence na nagaganap at kampante rin parents namin at isa pa ? Hindi ka makakalabas ng gate kapag di pa tapos class hours so kung gusto mo mag cut ng klase pwede pero nandito kalang sa loob ng campus its your choice if mag sisipag kang mag aral o mag bulakbol pero syempre kung mag cucut kalang naman ng klase tapos dito kalang naman pala sa loob at di ka makakalabas hahah mas mabuting pumasok ka nalang sayang tuition.

" Goodmorning Miss Santos" bati saakin ng librarian

" Goodmorning din po miss Roxy wala pa po ba sina Sir Fidel? 

" Wala pa Praise eh pero si Mark nandyan na ayon hu" sabay turo kay mark sa na naka upo at nagbabasa sa study table at agad ko naman iyong tinungo.

" Oh Praise nandito kana pala nag breakfast kana? Bakit parang puyat ka okey kalang?" Si Mark

" Nag breakfast na po ako"

"Okey mag review nalang tayo umupo kana paparating narin sina sir ."

Nakaramdam ako ng antok kaya napahikab ako sa kalagitnaan ng pag rereview

" Ah Miss Santos? " Si sir pala

"Ay sir sorry po sir ano po yun?" 

" Parang pagod ka ata hindi ka makapag focus sa reviewer mo mas mabuti siguro kung mag pahinga muna kayo"

"Ah siguro nga po sir pwede po?"

"Sure break muna kayo ni Mark at baka mabigla mga utak nyo ma stress pa kayo sige mag pahangin muna kayo babalik ako after 30 mins " at lumabas na  nga si sir

Agad akong tumayo at lumabas ng library balak kong pumunta sa likod ng school kung saan may damohan at isang malaking puno nakita ko na yun noon pero di ko lang napuntahan feel ko kasi doon ko ma rerelax yung mind ko tahimik kasi doon .

Habang papalapit ako sa puno meron nakaagaw ng attention ko isang lalaking nakahiga sa ilalam nito natutulog ata dahan dahan kong tinungo ang puno at doon ko napag tanto na si Pio pala ang nakahiga doon .

"Nag cut ka nanaman ba?"

Agad naman siyang napabangon ng marinig ang boses ko bigla siyang tumayo ni parang di man lang ako pinansin .

Umaambang aalis na sana siya ng bigla akong nag salita

"Di mo ba ako naririnig ? Bingi kaba?"

Ngunit ni isang salita galing sa kanya ay wala akong narinig . Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa hindi na sya makita ng mga mata ko .

Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking yun may bayad ba pag mag sasalita siya? O dahil pangit ako kaya di niya pinapansin ?

Oh wait? Bakit nga ba niya ako papansinin? Nag papapansin ba ako? No way hindi tinanong ko lang naman kung nag cut sya? Omg?personal na tanong ba yun? Tsss ano ba yan ang gulo ng mundo ngayon damang dama ko ang tensyon.

"Ah Praise you okey?"

Agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Mark

"Ahh sorry na istorbo ata kita sa pag papahinga mo hinanap kasi kita kanina pag labas ng library kaso di kita naabutan " nahihiyang pag eexplain niya

"Its okey Mark nakita ko lang kasi na medyo tahimik ang lugar nato kaya dito ako pumunta at yes okey lang ako " tumango lamang si Mark at umopo narin sa tabi ko .

"Nakita ko kanina kayo ni Pio nag away ba kayo?"

"Kami ? Mag aaway? Di nga kami nag uusap noon nakita ko lang yun dito matagal mo na ba siyang kaklase? " tanong ko kay Mark

"Ahh actually since elementary magkaklase kami . Alam mo Praise matalino naman kasi talaga si Pio kahit palaging nag cucut yan masyado yang advance kaya palaging pumapasa mas sanay yan mag self study kaya ayan pumapasa kahit bulakbol"

"Wow ? Seryoso pero bakit ganyan ugali niya? Di namamansin?"

"Hindi siya ganyan noon actually best friend ko sya since Elementary ewan ko lang ngayon sapag kakaalam ko naging mainitin lang ang ulo niya at naging suplado na siya noong nalaman niya naka arrange na yung marriage niya grabe yung iyak niya noon sabi niya gagawin niya ang lahat para kamuhian sya ng lolo niya . Lolo niya kasi ang nag arrange nun kaya ayon nag Rebelde ata hindi na nag seseryoso "

" Kaya naman pala ganon siya hirap naman pala yung may nagugustohan siya pero di niya ma diskartehan kasi nga may naka fixed na sa kanya "

" Isa rin yan sa rason kung bakit siya ganyan yung babaeng pinakamamahal niya hiniwalayan niya dahil ayaw nya itong masaktan kaya habang maaga pa nilayuan niya si Ericka "

"Ericka?"

"Oo siya yung Dating girlfriend ni Pio almost 6 years na sila dahil Grade 5 kami noong naging sila sobrang sweet nila yung perfect couple kumbaga pero noong grade 11 kami ng nalaman ni Pio na may Inarrange na sa kaniya ayon siya na mismo nag lumayo kay ericka para lang di ito masaktan pag nalamang napagkasundo si Pio sa ibang babae "

" Hala sayang sana pinaglaban nila pero nasaan na si Ericka?"

" Ahhhh ilang araw matapos silang mag hiwalay nag pakamatay si Ericka"

"What?" Nagulat ako sa sinabi ni Mark

"Bakit ? Dahil kay Pio? "

"Ewan pero sinisisi niya sarili niya kaya ayon namanhid ata "

Grabe bakit kailangang magpakamatay ? Ano yun? Kaya naman pala ganon siya ka snob sa lahat

" Btw Mark? Sino ba yung naka arrange ka Pio dito din ba nag aaral? Di ba siya nakokonsensya? "

" Actually hindi pa sila nag kikita ni Pio hinihintay nalang daw na mag 18 yung babae bago sila mag kita"

Alaaaaaa! Ang hirap niyan nakatali na siya sa taong di pa niya nakikita haysss

Kaya naniniwala na lahat ng bagay ay may rason . Napakahirap pala ang sitwasyon ni Pio

Lord kahit sino lang po wag lang ako mapunta sa taong hindi ko gusto charrr

Turn You into Sacred Where stories live. Discover now