BIANCA
Naaalala ko noong college kami kapag 'yan ang topic, natatawa lang ako sa mga reaction nila.
Nai-imagine ko siya pero hindi ko maisip na gagawin ko banda banda diyan. Ilang taon pa lang naman ako noon. Hindi ko rin makita ang sarili ko na nage-explore tungkol sa sex. Hanggang sa naging normal na usapan na lang. Naging normal na lang din ang dating sa akin. Hanggang sa nagkaroon ako ng boyfriend.
Fifth year college ako noon, medyo mapusok si boyfriend pero dahil graduating, ayaw kong magpadala sa kapusukan niya.
Hindi rin kami umabot talaga sa third base kasi iniisip ko, kaunti na lang home run na. Ayaw kong ilagay ko ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Yung darang na darang na at wala ng choice kung 'di magpaubaya. Pero siguro mahalaga 'yon sa mga lalaki. Nakipag-break siya sa akin. Medyo masakit, pero nagpapasalamat na rin ako. Kasi parang ang mahalaga lang siguro sa kanya ay yung katawan ko na pagsasawaan niya. Hindi ko deserved ang ganoong klaseng lalaki.
One time nga sinabi niya, na if hindi ako papayag, i-blow job ko na lang daw siya. Nilabas na nga niya yung kanya. Nasa boarding house niya kami noong time na yun.
"Hoy! Bakit mo ba nilabas yan!"
Hindi ko magawang tingnan yung kanya. First time kong makakita ng ganoon na harap harapan.
"Pagbigyan mo na ako, Bianca."
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mukha niyang nagmamakaawa o sa pagkalalaki niyang nakalabas. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi rin ako marunong. Hello?! Unang beses ko din ngayon, pero kung makahiling siya akala mo matagal ko nang ginagawa. Ilang buwan pa lang naman kami. Dapat ba nasa ganito na kaming stage ng aming relasyon? Kainan na ba dapat? Hindi ko ito napaghandaan. Jowa jowa lang ang gusto ko. Jowa na hindi pang pornhub edition.
"Sorry Raymond, pero hindi ko magagawa."
Iniwan ko na siya nung time na 'yon. Halata naman sa mukha niya na galit siya. After noon, hindi na siya nagparamdam sa akin. Kaya inisip ko na lang na wala na kami. Ang babaw ng pagmamahal niya. Hanggang lalamunan lang. Nakakatawa lang dahil sa blow job nawalan ako ng boyfriend. Sobrang big deal ba 'yon sa mga lalaki?
Hindi na ako ulit tumanggap ng manliligaw. Natapos ko ang college na walang boyfriend. Walang sakit sa ulo at walang sakit na nararamdaman. Nakakatawa na lang minsang isipin na iniwan ako kasi hindi ko sinubo.
"Bianca? 'Yan ang name mo di ba?"
First day ng orientation namin sa work. Medyo kinakabahan din ako kasi first work ko. May 30 minutes break time kami. Wala naman sa plano ko na makipag usap sa kanila kasi medyo kinakabahan ako.
"Parang ako lang naman ang babae rito. Matatandaan niyo pangalan ko pero kayo hindi ko matatandaan lahat."
"Jimuel Garcia. Schoolmate tayo. Natandaan ko kaya naglakas loob ako na lumapit."
Tinanggap ko naman yung inilahad niyang kamay. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko na makakilala ng katrabaho na same university kung saan ako galing.
"Fresh graduate ka rin?" tanong ko. "Bakit hindi ko ata ikaw nakikita sa school?"
Umupo na siya sa tabi ko. Palagi siyang nakangiti. Parang makulit na bata yung ngiti niya. Siguro sakit ng ulo siya ng kanyang Elementary teacher.
"Grabe wala ka man lang interes sa amin kanina kaya hindi mo narinig ang course ko?"
"Kinakabahan naman kasi ako. Uunahin ko pa ba ang makinig?"
"Ouch. Samantalang ako rinig kong Chemical Engineer ka at kakapasa mo lang sa board exam last month. Hindi mo ako makikita sa school kasi sa CIT building ako. Kayong mga babae, sa Engineering Department. Iniiwasan niyo building namin kasi halos puro nga kami lalaki."