Pleasured by Her Hot Boss

6.6K 90 11
                                    

Geneva Dizon

SA THIRTY YEARS na pag-eexist ni Geneva Dizon sa mundo ay hindi na siya umaasa na magkakaroon pa ng sex experience.

Never been kissed, never been touched. Mamamatay na lang siguro siyang virgin. Tanggap na niya. Nilulunod niya na lang ang sarili niya sa trabaho para hindi na niya maalala na single siya.

Buti na lang naman at swerte siya pagdating sa career. Heto nga't na-hire na siya sa sikat na marketing company na matagal na niyang tinatarget.

Dream company niya iyon at dream man niya naman ang CEO no'n—si Andrei Lacsamana.

Andrei is actually every woman's dream man. Or should she say, every woman's fantasy? Sino ba naman kasi ang hindi maglalaway sa isang lalaki na akala mo ay character na hinugot sa Greek Mythology?

More than that, Andrei is rich as hell. He's a young CEO, a bachelor, at napakagaling at talino pa. Madalas niya itong nakikita na nafi-feature sa mga business magazines. Kaya nga no'ng nalaman niyang hiring ng bagong executive secretary sa marketing company nito ay agad ulit siyang sumubok mag-apply.

Matindi talaga ang paghanga at pantasya niya kay Andrei Lacsamana. Kahit alam niyang hindi siya nito mapapansin, masaya na siya na makita ito at mapagsilbihan araw-araw bilang isang secretary.

First day niya sa trabaho. Pak na pak ang makeup niya at ang suot niyang corporate attire ay parang hinugot sa Pinterest.

"Good morning, Sir! I'm Geneva Dizon, you can call me Gen. I'm your new executive secretary," sabi niya agad kay Andrei Lacsamana nang pumasok siya sa opisina nito na nasa pinaka-itaas na palapag ng building.

Ang laki ng office! Parang condo unit. May sariling sala, pantry, at meeting room sa loob.

Nag-angat naman ng tingin sa kanya ang boss niya at kitang-kita niya kung paano biglang na-stuck ang mga mata nito sa malulusog niyang dibdib.

Pasimple siyang napangiti. Grabe, akala niya siya ang masa-startruck kapag nakita na niya sa personal ang dream man niya. Pero parang baliktad. Ito ang natulala—at hindi sa mukha niya kung 'di sa boobs niya.

"Sir?" pagkuha na niya sa atensyon ni Andrei kasi hindi na talaga nito inalis ang malagkit na tingin sa malaki niyang dibdib.

Natauhan naman na ang boss niya. He immediately looked away and cleared his throat. "I'm sorry. What's your name again?"

"Geneva. Or pwede rin pong Gen."

Nagbalik ito ng tingin sa kanya. "I like Geneva better. Sorry, I wasn't really expecting you today. Alam kong kinuhaan ako ng H.R ng bagong secretary, pero hindi ko alam na ngayon ka papasok."

"That's completely fine, Sir."

A corner of his mouth lifted. "Okay. Come here so I can discuss with you your responsibilities."

Buong umaga silang magkasama ni Andrei sa opisina. Grabe ang sex appeal nito, umaapaw! Kung anong itsura nito sa mga business magazines, ganoon din sa personal. Mas gwapo pa, actually. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa mga tinuturo nito kasi nalulunod siya sa kagwapuhan nito at sa bango nito na lalaking-lalaki. Ang sarap lingkisin.

Obvious din namang attracted na si Andrei sa kanya first day pa lang. Napapansin niya kasi ulit ito na napapatingin sa boobs niya pati sa matambok niyang puwet. Ang hapit naman kasi ng suot niyang damit. Medyo malaman siyang babae kaya bakat ang kurba niya.

No'ng sumapit ang tanghali at natapos ang briefing, inimbitahan siya ni Andrei na mag-lunch sa labas.

Hindi siya makapaniwala kasi unang araw niya pa lang sa trabaho at ngayon pa lang sila nagkasama, pero niyaya na agad siya nito. Hindi na siya humindi, syempre.

Steamy StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon