CHAPTER 13- Sorry...?

34 0 0
                                    

Hindi makapaniwala si Leah sa sinabi na iyon ni Matt..

Matt: So much for that Leah.. Kelangan na nating tumakas. Dalian mo na. Ilayo mo ako sa kanila Leah please I beg you.. Tara na may tinitirahan ako du--...

???: There you are!

Bigla silang nagulantang sa narinig na boses. Napalingon sila nang sabay at kinabahan sa nakita...

Si Mae, kasama ang ina ni Matt.

Mae: Where do you think you two are going?!

Dahil magulo ang isipan ni Matt, dali dali nyang hinila si Leah at isinakay sa ginamit nyang Porsche. (Yern hahaha)

At naiwan namang inis na inis si Mae sa gitna ng field.

Habang nagdadrive si Matt, dada naman na ki dada si Leah na katabi nya.

Leah: Yun ba yung "GF" mo "daw"?! Hmp! Bakit ka nila naabutan dito? Paano nila nalaman na andun ka? Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin? Gabi na ah!

Matt: We'll be going to my condo unit. Dun ako nagstay nung umuwi ako sa Pinas. Let's talk about this later.

Bigla namang natahimik si Leah...

Leah's POV

Ano ba tong nangyayari?? Bat ba ako sumama?? Teka, bakit nga ba?! Ano ba to! Move on Leah diba move on na diba! Hays! Pero... Tumakas sya.. Para sakin? Siguro nga dapat hinayaan ko muna syang magpaliwanag. Congrats Leah, natanga ka na naman. Hindi mangyayari to kung hinayaan mo syang magpaliwanag.. Kaya naman--

Matt: Leah!!!!! Hoy!

Nagulat ako. Ano ba to? Ay shet! Kanina pa pala ako tulala. Nakakahiya tuloy.

Leah: B-bakit ba?!

Matt: Hello, andito na tayo!

Leah: Ay, sorry ha.. Sige bababa na ako.

Nakita ko namang medyo nahalata ni Matt na tulala ako at napatawa sya. Lukong to! Patay to sakin mamaya.

Matt's POV

Kanina pa tong tulala eh. Hahahaha! I wonder what wanders through her mind.. I missed her a lot. I really do...

Pagdating naman nila sa kwarto, bigla naman akong umupo sa sofa sa pagod sa pagdadrive.

Matt: Alam mo ba kung bakit ako pumunta don?

Leah: Bakit nga ba? Napabisita lang uli ako don eh. Namiss kasi ki... Namiss ko yung place.

Hahahaha! Sabi na eh. Namiss ako neto! 3 points nanaman. Hahaha!

Matt: Yung place ba talaga? Hahaha! Anyway, lagi ako nabisita don. Nagbabakasakaling pagdalaw ko dun, makita kita. And there you are, one day, God answered my prayers. Muli kitang nakita. Muli kong nasilayan ang mukha ng babaeng nagpatibok ng puso ko. At ikaw yun, Leah.

Tulala lang si Leah. Kaya I explained further...

Matt: Leah, I am so sorry. About Mae, pinalabas lang ni Mama na kami talaga ni Mae for business. I never really loved her. Hindi kita magagawang iwan Leah. Pinagbago mo ako. Ang badboy ng school, pinatino mo. Ang boss ng room, napapasunod mo. Ang luko luko ng campus, nagmahal ng isang babaeng katulad  mo. That's why I promised myself, hinding hindi na kita papakawalan...

Hindi namalayan ni Matt na habang nagsasalita sya, umiiyak na pala si Leah.

Nilapitan nya ito at pinunas ang luha.

Matt: Hey don't cry, its fine. Everything's fine. I'm so sorry. *kiss sa cheeks*

Leah: Ako dapat ang magsorry Matt. Hindi kita hinayaang mag-explain in the first place. Bigla kitang hinusgahan. Iniwan kita agad. Pinangunahan ako ng galit ko sayo. Kung inintindi sana kita hindi mangyayari to.. Sorry. Sorry. Sorry :'( suot ko parin yung bigay mo oh. Matt mahal na mahal pa din kita. Mahal... Na mahal... *yakap ng mahigpit*

At napaiyak na rin ng tuluyan si Leah...

To be continued.

AN:/ HIII! JUSKO AFTER 10 MONTHS HAHAHAHA! I'M BACK-LA! ETO NA INIINTAY NYO. ANG UPDATE. HAHAHA. SORRY KUNG SOBRA SOBRANG NATAGALAN SOBRA AKONG NAGING BUSY BUT ANYWAY YAN NA. I'LL UPDATE RECENTLY. ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INLOVE WITH MR. BADBOY ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon