CHAPTER 3/New Friend ???

31 3 0
                                    

CHAPTER 3/New Friend ???

Habang naglalakad ako sa Ground ng Mall, Ang Utak ko ay Lumilipad, Wala akong pakialam  sa mga taong nababangga ko ng biglang ………….

BOGSH!!!’

May  bumanggang lalaki sa akin . Sa sobrang  lakas ng  pagkabangga ay napaupo ako . Nagkalaglag ang mga pinamili ko pati na rin ang Hand Carry Bag ko. Tinulungan niya ako tumayo Pinulot din niya ang mga Gamit kong dala na nalaglag. Habang naglalakad ako palayo sa knya . Nakarinig ako ng tawag sa pangalan ko.

“ Micaaaaaaaah” sigaw sa pangalan ko.

Agad akong lumingon at nakita ko na tumtakbo ang lalaking nakabangga sakin,

Nang makalapit siya. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

“Syete! Ang pogi niya “ Bulong ko sa isip ko.

“Bakit mo alam ang pangalan ko” nagtataka kong tanong

“Nalaglag kasi itong Panyo at I.D mo” –Sagot niya habng nakangiti.

“Ay! Tanga ko talaga! Salamat ha! “ –Sabi ko

“Teka! Parang parehas tayo ng panyo”-sabi niya habang tinititigan ang panyong iniabot niya sa akin

“ A?E? Bigay lang yan ng lalaking nakita ko sa may Simbahan, Ambaet nga nya we” –At binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng lalaking ito.

“O? Ikaw yun? Yung umiiyak sa Simbahan? OhWell! Destiny tayo” HAHAHHAHAHAHAHHA sinabi nya iyon habang tumatawa.

Nagulat ako dahil ang taong nagbigay sakin ng Panyo noon ay Kaharap ko na ngayon.

Pagkasabi niya na DESTINY daw kami. Naramdamam kong biglang Namula ang aking mukha, Kaya napilitan ako yumuko.

‘BrokenHearted ako, Bakit nagBlush ako. TSK! Chelle naman. Lumalandi ka ha! – Bulong ko sa sarili ko

Nagulat ako ng bigla siyang pumapalpak sa harap ko na wari ay Ginigisng ako,

“Pasensya ha!May naalala lang ako. So Ikaw pala yun. Ahm. Thanks sa panyo. Pero kung babawiin mo. Its Ok! “ – Sabi ko

“ HAHAHAHAHHAHAHAHA, Ano kaba. Wag kang mag alala sayo muna yang panyo, I MEAN Sayo na lang,” Then he Smile at me.

Ngumiti lang ako saknya. Syempre pogi niya kaya. Promise. Mukang Koreano ang Face niya. :D

“By the way! I am Tristan Kade Padilla and you are ….. “ – pagpapakilala niya,

“ AHH! Im Micah Michelle Villaroel , Diba nakita mo na sa ID ko ? “ – Pagpapakilala ko din

Ngumiti lang siya at Nilahad ang kamay para sa Shakehands. Nakipagshakehands ako sknya ng bigla niyang sinabi na “ I LIKE YOU”

“Feeling ko namula na naman ako pagkasabi niya na He Likes me daw” – Bulong ko sa Isip ko

Pero. Bigla niya itong binawi “ I Mean I Like your name “ ..

Nagkaroon ng katahmikan Between us ..

“Tristan”

“Micah”

Sabay naming bigkas. Iyun! Awkward na lahat na nangyayari.

“ Sige Una ka na “ – sabi ko

“Ahm. Pwede bang makuha ang number mo? Pwede bang malaman address nyo? Pwede bang malaman  kung may Boyfriend ka? Pwede bang …… “

Di na niya naituloy ang sasabhin ng bigla na ako sumingit.

“Pwede bang bitawan mo muna ang kamay ko “ – Sabi ko

Bigla niyang binitwan ang aking kamay then bigla siyang yumuko , Nakaramdam at ng Pagkapahiya.

Para hind imaging Awkward ang lahat ako na ang biglang nagsalita

“Tara sa Starbucks” – aya ko sa knya

“Sigi tara” Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang mga dala ko.

Habang naglalakad kami papunta sa Starbucks. Napansin kong andaming naktingin sa amin.

“GF niya ba yan”

“Huhuhu! May GF na siya”

“Kapal naman ng mukha nung babae pagbitbitin siya”

At madami pa kong narinig na bulungan pero tumingin lang sa akin si Tristan at nagsmile.

“Arrrgggh! Bwiset tong ngiti ni Tristan. Tsk! Pogi niya talaga. Tska! Infairness nakalimutan kong malungkot ako. Nawala yung kirot sa puso ko” – Sabi ko ulit sa Sarili ko

Nakarating na kami sa Starbucks at nagprisinta si Tristan na Treat niya daw. Habang umuorder siya. May nakita akong Leche sa paningin ko. Sila Justin at Ashley na papalapit sakin.

Inhale! Exhale! Huuuuu. Bakit di ako mapakali habang papalapit sila. Ayan na Ayan Ayaaaaaaan naaaaaaaa.

“Hi Chelle” bati ni Justin sakin.

“Hello!” sabi ko na ngumiti pa sakanila na parang nang iines.

“Can we Join you? “ Sabi ni Justin ngunit si Ashley ay Ilang pa din kaya kunwari ay Nagtetext sa CP nya,

“Ahhhhm “ ( Isep isep Chelle. Isip isip isip. BRAINBLAST!)

“ Di Puede may kasama ako,” sabay turo ko kay Justin gamit ang nguso ko.

“Boyfriend mo? Agad?”  Tanong ni Justin na parang nagulat,

Hindi ako nakasagot ng biglaaaang ..

“Baby?” sabi ni Tristan

Hindi ko alam ang kung ako ba yung sinasabhan nya pero sumagot ako

“ Baby tagal mo namang Umorder?” –sabi ko

“ eh kasi antagal umoder nung babae sa Unahan ko “ – sagot naman ni Tristan

“Anyway! Parehas kong ExBF? “ Sabay turo ko kila Justin at Ashley.

“Huh?Pano? Pati siya?” Turo niya naman kay Ashley.

Then I Smiled “ Yes! May Ex-Boyfriend and Ex-Bestfriend”

“Exbstfriend and Exboyfriend? “ tapos ngumiti si Tristan na parang iniines sila Justin at Ash.

Pero di na napigilan ni Ashley ang sarili kayaaaa…

“Ahh! Sigi Chelle! Una na kami! Enjoy” Sabi niya na may Mapaklang Ekspresyon]

Then I Nodded at them at Umalis na silang dalawa. Habang patuloy ako sa pagkain ng inorder ni Tristan  biglang nagsalita si Tristan.

“ A? E? Sino ba sila? “ – Tristan

“Diba sinabi ko na sayo kung sino sila. May ExBF “ –Sinabi ko sknya na hindi tumitingin sa mata niya

“Ahh! Sorry!” –Tristan

“Ah. Nukaba. Wala yun. Thankyou nga pala sa pagsakay sa mga sinabi ko kanina wa. Parang inines mo pa sila” sabi ko habang tumingin sknya

“Wala yun Baby, Este Micah” sabi niya habang tumatawa,

Nilabas ni Tristan ang CP nya.

“Can I Get your number? “ –Tristan

Sumagot ako ng walang pagaalinlangan . “ SUREEE!” Binigay ko na ang number ko!

Because of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon