CHAPTER 6/ First Date.
Micah’S POV
11:50 na ng tanghali. Kailangan ko ng Maggayak kasi susunduin daw ako ni Tristan ng 1:00
OK!
LIGO: CHECK
TOOTBRUSH: CHECK
MAKE UP: CHECK
OUTFIT: CHECK
Lahat yan natapos ko ng maayos. Natapos ko yan ng 12:35. Ilang Minutes nalang makakasama ko na si Tristan my loves .. HA? Tristan my Loves. Psssh! Ano ba tong iniisip ko. BURA BURAAAA!
Simple Lang yung ayos ko. “Ganda ko nga daw “ sabi ng mga Maid namin sa bahay. If I Know mga nanguuto Lang sila. :D Evil Laugh BWAHAHAHHAHAHAHAHA!
Mini Skirt , tapos Sando pero may Blazer naman , High heels , Konting Make up, Tapos kinurl ko yung Buhok ko. Kaya ang ganda ko. HAHAHAHHA Yes! Maganda ako. Model kaya ako. Model ako sa Company mismo namin.;)
Dumating na din si Tristan. Nagpaalam na kami kay Mommy. Tapos bago ko isara yung Pinto , Si Mommy nagSmile na parang iniines ako. HAHAHHAHAHA Mga Mommy talaga natin nu!
Pumunta kami sa Korean Restaurant. Tama nga ang hinala ko Half Korean siya.
Ang pogi niya sa suot niya kahit simple lang. NakaJacket na Blue, Yellow Rubber shoes. Tapos dko na napigilan ang sarili ko. Pinicturan ko siya habang nagtetext!
Pagkapicture ko. Nahalata niya yata kasi may sound Effect pa nung kinuhanan ko siya.
Limingon siya sakin tapos nagsalita nang.
“Pinipicturan moba ako?” –Tristan
“Nooooo! Wala lang Signal , Kaya nakaganire ako” –Ako
“ Palusot” Bulong niya kaya narinig ko pa din.
Grabi! Hiyang hiya ako. Kaya di ako nagsasalita. Pero OK lang kasi may Picture na niya ako
Nung Dumating na yung Order namin. Iyun! Bussssog naman ako!
Napagpasyahan namin na maglakad lakad sa isang PARK!,
Nagulat ako ng bigla niyan hinwakan yung kamay ko. HHWW ba (Holding hands While walking)
Ussual! Namula na naman ako. Pero hinwakan ko din yung kamay niya.
Nakarating kami sa Park. Naghanap ng Bench. Tapos iyun naupo na kami. Kahit saan ako tumingin sa paligid ko puro Couples ang nandine sa Park.
“Magkwento ka naman” –Tristan
“A? Nu kukwento ko sayo?” – Ako
“Kahit ano”- Tristan
Sinimulan ko na yung pagkukwento. Naikwento ko ata ang lahat. Except nalang yung kay Justin.
“AHM. Ayun lang ba yung kukwento mo?”-Tristan
“Ano pa ba dapat? Lahat ng mahalaga naikuwento ko na sayo”- Ako
“Yung kay Justin at Sino pa bayun . Yung Bstfriend mo dati?”-Tristan
Si Ashley yung tinutukoy niyang Bestfriend ko.
“A. Iyun pa ba. Sabi mo kasi yung mahahalaga lang , Di naman sila mahalaga e.” – Ako
“Tsk! Mahalaga sila kasi PINAHALAGAHAN MO DIN SILA. Tska bahagi sila ng Past mo. Kung ayaw mo ikwento OK LANG? Pero mas maganda kung ikukwento mo” –Sinabi niya sakin sabay kurot sa pisngi ko.
At Iyun napilitan akong ikwento skniya.
“Si Ashley Bestfriend ko since Bata pa kami, Magkumare yung Mommy nya at yung Mommy ko tapos si Justin kasosyo ng Daddy ko yung Daddy niya kaya kami nagkakilala, Minahal ko si Justin ng Sobra, Actually 3 years na kami nung araw na nakita mo ko sa simbahan na umiiyak , Ayun di yung araw na nakita ko sila ng Bestfriend ko na magkasama. Sobrang sakit nun , Feeling ko nga parang binagsakan ako ng maraming maraming Bato , Tapos sa puso ko lang yung mga tama, Sakit, Ansakit sakit talagaaaaa T.T- Pgkukwento ko skniya
Nagulat nalang ako ng may Luhang mga pumapatak sa Pisngi ko , Hanngang ngayon pa pala nasasaktan pa din ako. Akala ko OK na lahat. Masaya naman ako dati we, Pero bakit sa isang pangyayari nawala na lahat sakin, Ang BOYFRIEND KO at Ang BESTFRIEND KO. .
Pinunasan niya yung mga luha ko sa Pisngi ko
“ Hwag ka ng Umiyak! Di mo makikita ang tamang tao para sayo kung patuloy ka padin umiiyak ng dahil sa maling tao” – Tapos Ngumiti siya sakin
Tumatak sa Isipan ko ang mga sinabi niya.
“Di mo makikita ang tamang tao para sayo kung patuloy ka padin umiiyak ng dahil sa maling tao”
Pumikit ako sandali para mapigilan ko na ang pag- iyak pero pagkadilat ko. Nakita ko siya na seryoso ang Mukha na nakatitig sa akin.
“ Hayaan mong ingatan kita “ – Tristan
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Iingatan niya daw ako? Paano?
“Ayoko ng iiyak ka ng dahil sa iba, Andito ako palagi para samahan ka at Damayan . Hindi ako papayag na may magpaiyak sayo, Pag may nagpaiyak sayo, Pangako! Makakapatay ako! –Tristan
Sa mga sinabi na iyon ni Tristan. Di ko alam ang nararamdaman ko. Naaawa lang siguro siya sa kalagayan ko ngayon.
Pagkatapos niya sabihin ang lahat ng iyon sa harap ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Tumugon din ako sa pagyakap niya. Pero parang may Binulong siya na di ko alam kong sinabi niya ba talaga iyun.
“Akin nalang. Pangako! Iingatan kita” Ayan yung binulong niya sa akin pero di ako sure baka kasi dala lang yun ng Emosyon ko kaya kung ano ano nalang ang mga naririnig ko..
Nagbitiw kami sa pagkakayakap. Tapos inaya na niya akong Umuwi pano di na naming namalayan ang Oras. Padilim na nun. Di na ko nakapagsalita kasi nahihiya ako di ko alam kung bakit.
Nung nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Bago ako bumaba ng Kotse.
Hinwakan niya yung kamay ko sabay sabing “ Iingatan kita. Pangako” At tuluyan na siyang bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng Pinto. Nagwave ako sknya tapos Umalis na yung Kotse niya.