A DAY WITH TAEHYUNG
Nicole's POV"Wow! Ang ganda mo talaga Nicole! Walang duda kung may magkagusto sa’yo sa mga members ng BTS. Okay lang naman pero exception si Jin babes ko." Sabi sa akin ng best friend kong si Belle. Simple nga lang suot ko. Fitted na crop top shirt, sa ibaba ay high waist jeans tapos sneakers. Ang buhok kong hanggang bewang ay nakalugay lang naman.
"Hoy! Huwag mo ‘kong binobola ah. Hindi ko naman sila kilala." Tama kayo ng nabasa. Hindi naman ako fan ng BTS. Napilitan lang ako samahan si Belle dahil boring daw kapag wala siyang kasama. High Touch Event daw ng Bangtan Boys ngayon. Parang meet and greet kuno rin ata ‘yon tapos gaganapin sa Mall of Asia. Patikim daw sa fans bago ang actual concert nila rito na kinabukasan naman gaganapin. Binigyan kasi si Belle ng ticket galing si tita niya. Dalawa iyon at ako lang daw naisipan niya na isama.
“Totoo naman ah. Tapos half korean ka pa. Kahit simula pagkabata ay dito ka na nakatira, fluent ka pa rin sa korean dahil tinuruan ka. Edi may chance ka talaga. Hay, sana kasi tinuturuan mo ‘ko.” At talagang ngayon pa nag-inarte ang babaeng ‘to.
“Dami mong sinasabi. Tara na nga!” Sabay hatak ko sa kaniya palabas ng kanilang bahay.
Hinatid na kami ng driver niya sa event na sinasabi ni Belle. Pagdating namin, makikita na agad ang maraming tao sa labas pa lang ng event hall. Ang dami kong nakikitang banner tapos may mga mukha ng idol nila. Yung iba may mga hawak pa na pa-ilaw, hindi ko alam tawag do’n. Nakalapit naman kami sa parang bouncer na guard na ewan, ay basta, pagkatapos ay ibinigay namin ang aming ticket. Pagpasok namin ay ganoon pa rin ang scenario, maraming tao at may kung anu-anong hawak na related sa idol nila.
Grabe, ganito ba talaga kalakas ang impact ng KPOP? Kahit na half korean ako, eh hindi pa rin ako nahilig sa kanila.
“So, nasaan ang BTS na sinasabi mo?” Tanong ko. Wala kasi akong makita na mukhang korean.“Wait lang, excited ka ah.” Natatawa niyang sabi. “Medyo maaga tayong dumating pero malapit na rin ‘yan mag-start. Easy ka lang." Napabuntong hininga na lang ako. Motivation ko na lang talaga ‘yung ililibreng pagkain sa'kin ni Belle para mag-stay pa rito.
Maya-maya ay narinig ko na ang sigawan ng mga fans. Mukhang nandito na nga sila. Napalingon naman ako sa harap at nakitang naglalakad ang pitong kalalakihan papunta sa gitna ng stage.
"OMG! Ang gwapo nila ‘di ba? Ay, ayun si Jin babes ko!" Grabe pala magfangirl si Belle. Sobrang lakas ng sigaw at may kasama pang pagtalon. Hindi na ako magtataka, ang gwapo nga naman kasi.Inisa-isang tinuro sa akin ni Belle ang mga members ng BTS. Si Jin na of course, asawa niya raw. Nandito rin sina Namjoon, J-hope, Suga, Jimin, Jungkook.
“’Yung nasa dulo naman ay si V.” Pagtingin ko sa tinuro niya ay bigla akong napatitig. Na-starstruck ata ako. Sa kanilang pito, mukhang sa kaniya ako tinamaan. Ay mali, natulala pala.
Nag-start na nga ang event pero eto ako, bored na bored na. Ang tanging nakapukaw lang ng atensiyon ko ay si V. Napakagwapo naman neto, ang cute pa ng ngiti. Sa sobrang focus ko kay V, Hindi ko namalayan na makikipag-apir na pala sa kanila. Kung hindi pa ‘ko hihilahin ni Belle, baka nanatili lang talaga ako sa puwesto ko.Pumila na kami at eto na naman ang pagfa-fangirl ni Belle. "Gosh! Malapit na ‘ko kay Jin babes. Hahalikan ko talaga ‘yan paglapit ko." Napa-iling na lang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Day With Taehyung [BTS V One Shot]
أدب الهواةIf you were given a chance to be with Kim Taehyung for a day, what would you do? Published: January 2015 Revised: April 2021