MY MORTAL ENEMY

167 5 0
                                    

CHAPTER 12

"Bench is already here!" Masigla kong wika sa mga kuya ko kaya biglang napatayo si kuya Blythe nang malaman na nandito na si Bench.

"Bro relax!" Natatawang wika naman ni Red kay kuya Blythe.

"Gago ka ba? Buti nga ikaw palagi mong kasama si Kyle, eh ako? Sa school ko lang nakakasama!" Seryosong sabi ni kuya.

"Sorry! Ganun talaga!" Pagmamayabang naman ni Red.

"Kuya, sama ka sa akin. Gusto ka daw makausap ng papa ni Bench" sabi ko kay kuya na napaupo. Mukhang kinakabahan ang loko.

"Oh ano? Tameme ka ngayon?! Hahaha! Takot ang gago!" Natatawang sabi ni kuya Lloyd kay kuya Blythe.

"Tumigil nga kayo! Kinakabahan na nga ako eh" inis na saway ni kuya.

"Tara na kuya! Naghihintay sila sa labas" aya ko kay kuya. Lumabas na kami at naabutan namin ang dalawang mag-ama sa labas ng gate.

"Good afternoon po sir" agad na bati ni kuya.

"Good afternoon po tito. Halina po kayo sa loob. Ipapakilala ko po kayo sa mga kapatid ko. Bench! Halika na dali!" Aya ko sa mag-ama.

"Good afternoon sa inyong dalawa. Lalo ka na Blythe" bati ni tito pero iba ang tinginan nya kay kuya. Halatang pinagtitripan si kuya.

Pumasok kaming apat sa loob ng bahay kaya nagsiayos ang mga kuya ko ng upo.

"Sir, maupo po kayo. Sir, juice, coffee or water?" Natatarantang wika ni kuya Blythe.

"Wag ka nang mag-abala. Nandito lang ako para ihatid ang anak ko" sabi naman ni tito. Umupo ang dalawa sa sofa. Ganun din kaming magkapatid.

"Ah, tito, sila po ang mga kapatid ko. Si kuya Luiz isang chemistry instructor po sa Kingsford University. Si kuya Lloyd po pangalawa sa magkakapatid, si kuya Bryle po kambal ni kuya Blythe at si Red po hindi ko po sya kapatid pero dito po sya nakatira, sila po may ari ng Kingsfoed University" malugod kong pakilala sa mga kasama ko sa bahay.

"And he is Blythe!" Sabay turo ni tito kay kuya Blythe. Ngumisi naman si kuya blythe habang nagkakamot ng ulo.

"Nice to meet you guys. Sige na, uuwi na ako. Gusto ko lang paalalahanan si Blythe na tuturuan mo lang ang anak ko. At kay Kyle sya tatabi sa pagtulog!" Seryosong sabi ni tito.

"Pa! Nakakahiya!" Reklamo ni Bench na parang nahihiya.

"Wag po kayong mag-aalala sir. Kasi hindi po akong nagtotolerate ng mga mapang abusong lalaki dito sa pamamahay namin. Diba BLYTHE at RED?" Sagot ni kuya Luiz.

"Bakit ako nasali dyan?" Gulat na sabi ni Red.

"Papaano! Pinopormahan mo tong kapatid ko!" Sagot naman ni kuya Luiz kay Red.

"Kuya!" Sita ko kay kuya Luiz.

"Nagsasabi lang ako ng totoo baby!" Sagot naman sa akin ni kuya.

"Oh sya, mauna na ako. Luiz ikaw na bahala sa anak ko ha. Wala pa akong tiwala sa kapatid mo. Mukhang may gagawing masama" sabi ni tito kaya nagtawanan kami.

"Sir naman" reklamo ni kuya Blythe.

"Hehehe. Joke lang" sabi ni tito. Tumayo na si tito at nakipagbeso na sa kanyang anak.

"Sir hatid ko na po kayo" alok ni kuya Blythe.

"Iba ka rin no. Nagpapabango ka pa ng pangalan sa akin" biro ni tito.

"Tito talaga" sabi ni kuya. Hinatid na nga ni kuya si tito sa labas. Ako naman ay lumapit kay Bench para yakapin sya. Naeexcite na kasi akong katabi sya sa pagtulog!😁 Bestfriend ko na kaya sya. Saka para na kaya kaming magkapatid.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon