KABANATA: 7

6 0 0
                                    


PEACHES THE BITCHIN’ (VETSIN AJI-NO MOTO)



Kusang bumagsak ang katawan ko sa mismong kinatatayuan ko. Ganoon na lang ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa loob. Sa sobrang gulo ang isip ko ay halos isang oras din akong inaalo ni Peaches sa kakaiyak.

Andami kong gustong itanong sa kanya pero kailangan kong huminahoon dahil mas lalo lang akong maguguluhan kung pagsasabay-sabayin ko ang lahat ng maririnig ko sa kanya.

'Ngayon lang ako umiyak dahil lang sa naguguluhan ako. Samantalang sakit lang ng puson ang iniiyakan ko dati.'

Hinayaan lang muna niya akong magpahinga at nanatili siyang nasa tabi ko buong magdamag. Inaasahan kong magigising ako sa panaginip na ‘to katulad ng mga nakaraang nangyayari pero nagkamali ako. Kinabukasan ay naabutan kong tulog si Peaches sa katabing sofa. Hindi niya talaga ko iniwan sa panahong alam niya ang nararamdaman ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa’kin ang malawak na hallway puro painting ang mga nakalagay sa pader. Dahan-dahan akong naglakad upang makita ko ng maayos ang mga likhang nandoon.

Karaniwan sa mga nakita ko ay ang pigura ng isang babaeng nasa loob ng isang puting kwarto, ang ilan naman ay ilang obra ng buwan, iba’t-ibang hugis at kulay nito. Ngunit ang pumukaw sa atensiyon ko ay ang babaeng nakatanaw sa dalawang painting at ang isang kamay ay nakahawak sa isang obra.

Pinagkatitigan ko ang obrang ‘yon at nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Kumabog ang dibdib ko sa kung sino ang taong nakaguhit doon---Si Bryle.

'Bryle...'

Aivy, gising ka na pala. Doon na ko natulog sa kwarto mo para may kasama ka.” Bumungad sa’kin si Peaches na aantok-antok pang tinutungo ang kinatatayuan ko.

“A-ahhh oo, pupunta sana ko sa kusina para magluto.” Sagot ko at ibinalik ang hawak kong painting.

“Oh, that’s your mom’s first painting.” Tugon niya at binigyan lang ng sulyap ang painting.

'WTF'

“Ah…Alam mo ba kung ano’ng ibig sabihin ng painting na ‘yan?” tanong ko at sinulyapan muli ang painting.

Hmmm…As far as I can remember, ang sabi lang ng mommy mo, siya raw yan before.” Kwento niya.

Anong siya?”

“I don’t even know eh. Matagal na kong napupunta sa inyo pero once ko lang ‘yan nakita rito. Kung hindi pa ipinakita ni Tita ‘di ko pa mapapansin ‘yan diyan. Anyway, tara na sa kitchen, I’m so hungry na.” anyaya niya.

Tulala akong naglakad patungong kusina, iniisip ang mga bagay-bagay at ang dahilan kung bakit nandoon si Bryle. Kailangan kong malaman ang dahilan niyon, ang mga nakaraang nangyari sa buhay ng katauhang ‘to at ang mga susunod pang mangyayari.

Aivy, tumawag sa’kin ang daddy mo. He wants you to live with him, 'in his house'. Ayaw niyang mag-isa ka rito dahil walang magbabantay at mag-aalaaga sa’yo.” Panimula niya habang kumakain kami.

UNTIL THE END |  A Mysterious Fate Of LoveWhere stories live. Discover now