Chapter 10

1.9K 130 23
                                    

Bless's POV

Napalingon siya sa may pinto ng may papasok sana na kasambahay pero ng makita sila ni Matthew ay agad itong tumalikod.

"B-bat siya umalis?" She asked na ikinatingin ng binata sa kanya.

Nasa hapag kainan na sila at tapos nang kumain.

"Sino?"

"Yong kasambahay." Mahina niyang sabi na ikinangiti nito.

"Gusto mo silang makilala?" May pag iingat ang boses nito.

Napakagat labi siya bago tumango. "G-gusto."

Matthew get up and push something on the wall bago ito nagsalita. "All of you, in the dining now." Maotoridad nitong sabi at halos manlaki ang mga mata niya ng magdatingan ang mga kasambahay ba nagmamadali.

Matthew stand next to her at agad niya iyong ipinagpasalamat ng may mga lalaking pumasok na mukhang mga security guard. She immediately hold his hand and hold it tight kaya napatingin ito sa kanya.

Huminga ito ng malalim bago tiningnan ang mga lalaki. "Boys get out. Wag na muna kayo." Sabi nito at nagsitanguan ang mga guard bago nagpaalam na umalis.

"You ok now?" Matthew asked ng mawala ang mga lalaki. Di pa ito nakontento at niyuko siya nito bago hinaplos ang pisngi niya at tinitigan ang mga mata niya. "If di ka ok, paalisin natin sila."

Pinisil niya ang kamay nitong hawak niya bago siya huminga ng malalim at nginitian ito. "K-kaya ko." She said na ikinatango nito bago ito umayos ng tayo at harap sa mga kasambahay na nakatingin sa kanila.

"Everyone meet Bless, And Bless they are our helper in this house. Intoduce yourselves ladies." Sabi nito bago pinisil ang kamay niya.

"Good morning po ma'am, ako po si Lusing. Ang mayordoma nang bahay na to." Sabi ng may katandaang babae na malambing ang boses.

"Ito naman po sina Cora at Brenda. Sila po ang cook sa bahay. Tas si Ceci at Cali ang taga laba. At sila po ang mga tagalinis." Turo nito sa sampong babae na mga kaedaran niya.

Habang sinasabi nito ang mga pangalan ng sampu ay kumaway o yumuyuko ang iba sa kanya. Nahihiya siya sa galang ng mga ito pero nakuha niyang ngumiti sa mga babae.

"Now that you know each other, I expect you guys to respect, protect and give all Bless wants in this house ok? But for now I want to be clear na walang magpapasok ng kahit sino sa bahay na to nang di dumadaan sa akin maliwanag?"

"Opo sir." Sabay sabay na sagot ng mga kasambahay.

Matthew look at her. "Do you wanna go back to your room?" He asked.

Napakagat labi siya bago namula. Ang lapit ng mukha nito at amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga.

"S-sige." She said at ngumiti ito at ganun nalang ang tili niya ng kargahin siya nito nang pangkasal kaya napaakap siya sa leeg nito.

"Wala kang tsenilas na suot at malamig ang sahig." Sabi nito bago naglakad palabas ng kusina.

She look at him, no. Let say she was staring at him. Then Matthew look at her sabay kunot ng noo.

"Tunaw na ako." Sabi nito at kahit di niya nakikita pero ramdam niya ang pag iinit ng buo niyang itsura na ikinangisi nito.

"And my baby is blushing." Mahina lang iyon pero dinig na dinig niya at siyang dahilan ng pagwawala nang puso niya.

—————————####———————-

Gabriel143

Broken SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon