V- Moving On

14 0 0
                                    

BRONZE'S POV

Pasado alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. Pilitin ko mang matulog pa ay hindi ko na magawa. Tatlong oras pa lang akong nakakatulog pero ayaw na ng mga mata kong makisamang bigyan ako ng konti pang pahinga.

Tumayo ako at nagtungo ng comfort room. Tumayo ako sa harap ng life size mirror na nasa wall. Bigla itong bumukas nang tumapat ang mukha ko sa face scanner. Ito ay ang secret door papunta sa aking sound proof shooting area. Daddy is the only person in this house that has access to it aside from me.

Naka-display sa wall ang iba't-ibang uri ng de-kalibreng baril. Lisensyado ang lahat ng ito. Hindi ko pinangarap maging pulis o maging sundalo ngunit naging hilig ko ang mangolekta ng baril.

Kinuha ko ang isang 45 calibre at matamang tinitigan ito. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko nang maalala ko ang dahilan kung bakit nahilig ako sa baril.

Pakiramdam ko'y nagliliyab ang mga mata ko ng sunud-sunod kong kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak ko. Ang lahat ng bala ay tumama sa bullseye. Oo, sharp shooter ako. Kailangan.

Hinihingal ako at nanginginig ang mga kamay ko nang ibaba ko ang baril. Mariin akong pumikit at pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Kumuyom ang mga kamao ko. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang lahat.

Ahhh, hindi parin napapawi ng panahon ang galit, ang sakit, ang takot at guilt sa puso ko.

Hindi ko alam kung magagawa ko pang lumaya sa nakaraan. Nakakulong ako sa isang madilim na nakaraang walang pwedeng makaalam.

Dumiretso agad ako sa shower nang lumabas ako ng shooting area. Napapikit ako nang mariin habang dumadaloy ang tubig sa mukha ko.

Today is not an ordinary day. Today is the proclaimed first year death anniversary of my mom and sister.

Ahhh.. My heart is breaking into pieces.

Ibinalot ko sa twalya ang ibabang bahagi ng katawan ko nang matapos maligo. Pabagsak akong humiga sa kama. Mariin akong pumikit ngunit dagli ding dumilat nang mag-ring ang cellphone ko.

Si Keith. Napakunot ang noo ko. Hindi ito tumatawag sa akin ng ganito kaaga malibang emergency.

"Yes chief?" tanong ko.

"Chief may problema ako. Nasa ospital na si misis. Manganganak na daw siya. Anong gagawin ko?" halatang balisa ang boses nito.

Bahagya akong nag-isip bago sumagot. "Puntahan mo na siya."

"Paano ka?" tanong nito.

"As if naman hindi ako mabubuhay ng wala ka," sagot ko bagamat alam kong magiging mahirap sa akin ang wala ito.

"But today is," huminto ito.

"It's okay at least may reason na tayo to celebrate this day."

"Are you sure you're okay without me?" halatang may pag-aalinlangan ang boses nito.

"Oo naman, nandyan naman na si Vanessa."

"Hmmm, ayun naman pala talaga ang dahilan. Madali mo na lang akong i-let go ngayon dahil nandyan na si Vanessa," sabi nito na hindi ko mawari kung nagtatampo o nanunudyo.

"Sige, huwag kang umalis," kunwa'y inis na sabi ko.

Tumawa ito. "But I'm worried about her."

"What are you worried about her?" nakakunot ang noong tanong ko na parang nakikita niya ako.

"Nag-aalala ako sa kanya dahil hindi ko pa siya nate-train para maging fit siya na maging secretary mo. Sinabi ko pa naman kay Big Boss na aampunin ko siya na kapatid and I will train her well."

The Boy I Can't Cry WithWhere stories live. Discover now