Chapter 9

4 0 0
                                    


"Sino yung kasama mo kagabi ha"

Nagulat ako kay Serena na biglang nalang nagtatanong ng ganon. Kakabangon nya lang sa kama at ayon na agad ang bukang bibig.Teka???? Pano nya nalaman?

"Anong kasama nananaginip ka ba?" nagtaas ako ng isang kilay at ganon rin sya. Napakakulit talaga ni Serena at napakadaldal,kaya tuwang tuwa sa kanya ang mga tao dahil sa kabibohan nya.

"Sigurado akong di ako nananaginip non,iniwan mo ko dito magisa" humalukipkip pa sya.

"Mag-almusal ka na baka gutom ka lang" pagbibiro ko pa.

Tumakbo naman siya papunta sa kwarto namin at maya maya pa ay bumaba hawak ang bulaklak na bigay sakin ni Roanne kagabi.

"Osige nga ate,kanino galing 'to?" sabi nya pa habang hinihingal at hawak ang bulaklak.

Hindi talaga sya magpapatalo. Sus oo na talo na ko kainis.

"Oo na may kasama ako kagabi pero wag ka maingay ah" pakiusap ko sakaniya.

"Osige basta isama mo ako mamaya sa isla". Sa totoo lang ayaw ko sya isama dahil napakalikot nya pero pumayag na rin ako.

Sabay kami nag-almusal dalawa dahil wala pa si Nanay at Tatay. Namimiss ko na nga sila eh kaya baka bukas ay dumalaw ako o mamaya kapag walang masyadong trabaho.

"Shine!" may boses na tumatawag sa labas.

"Serena,tignan mo nga kung sino yon"

Tumayo naman si Serena at sinunod ang utos ko. Narinig ko ulit ang boses ng nasa labas.

"Ate mo asan?" tanong ulit ng nasa labas. Si Gabo ata yon kaya tumayo na rin ako at dumungaw sa pinto. Nasa tricycle sya at sinusundo ata ako, may mga angkas din syang basket ng pinya at iba pang mga prutas. Tinignan naman ako ni Serena at bumalik sa lamesa saka pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

"Di pa ko tapos mag-almusal, pasok ka muna maaga pa naman" pagaaya ko kay Gabo. Napasibangot naman siya dahil siya ay isang apuradong nilalang na laging bwisit sa buhay.

Bumalik naman ako sa lamesa at kumain. Saka naman pumasok si Gabo at umupo rin sa aming lamesa.

"Kain ka" pag-aaya ko.

"Kakakain ko lang" simpleng sagot niya.

Bigla naman nagsalita si Serena "Alam mo ba Kuya Gabo, yan si ate umalis kagabi tapos iniwan ako mag-isa sa bahay."

Nagkatinginan naman kami ni Gabo at sinamaan ako ng tingin. Tinignan ko naman siya na parang nagsasabi na tinitingin tingin mo jan?

"Nananaginip lang yang si Serena noh! San naman ako pupunta tsaka ano bang paki mo?"

Umirap lang si Gabo at humalukipkip, sungit naman nito daig pa may regla kainis hahahahaha.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na kaming kumain ni Serena at ngayon papunta na kami sa isla habang nagdadrive si Gabo.

"Bakit andaming pinya?" tanong ko sakaniya kahit pa mas lamang ang ingay ng tricycle sa boses ko.

"Oo" sagot niya at natawa naman ako.

"Ha?sinasabe mo tanga?" sagot ko habang tawang tawa parin.

Andito kasi ako sa likod ng tricycle habang si Serena naman ay nasa loob kasama ang mga pinya. Malapit na kami sa isla at tawang tawa parin ako kay Gabo. Bakit madaming pinya sagot nya oo hahahaha tangena.

Bumaba na ko ng tricycle at inalalayan ni Gabo si Serena bumaba at kinarga ito. Naglalakad kaming tatlo papunta sa Paluto, medyo maaga pa naman at wala pa masyadong taong naglalakad lakad. 

"Kelan ka nga pala bibisita sa Tatay mo Shine?" tanong ni Gabo habang karga ang kapatid ko.

"Mamaya sana o kaya bukas pag wala masyadong ginagawa" maikling sagot ko. Tumango naman siya at patuloy na naglakad.

Nakasalubong naman namin si Roanne kaya nagkatinginan kami. Naglalakad sya at may kasamang aso. Gwapo ng datingan nya kahit naka white tshirt at simpleng shorts lang sya,mukha pa ring mayaman. Matagal din kaming nagkatitigan pero nawala rin ito ng lumagpas kami sa isa't isa.

Nakarating na kami sa Paluto at binuksan ni Gabo ang pinto kaya pumasok na ako. Binaba nya naman si Serena kaya nagpunta na kami sa kusina at umalis na rin sya dahil baka may aasikasuhin. Pagpasok namin sa kusina nadatnan namin si Chuchay na pinupunasan ang mangkok kaya naisipan kong gulatin siya.

"Goodmorning!" sigaw ko at nagulat naman siya.

"Ay kabayong sakang" muntik na mabagsak ang hawak nyang mangkok sa pagkagulat.

"Anong kabayong sakang?HAHAHAHAHA" tawang tawa ako sa sinabi niya.

"Tanga mo kasi, ay andito pala si Serena" sabi niya ng napagawi kay Serena ang tingin.

"Hi ate Chuchay" bati ni Serena. Ngumiti naman si Shine.

"May chika ako!!AAAAAAAAAAAA" hawak nya ang braso ko at niyuyugyog ako habang tumitili. Grabe naman kiligin 'to. 

"Aray pota ka!Kilig na kilig lang dzai?" pagrereklamo ko pero pabiro lang.

"Eh kasi diba maaga ako pumunta dito dzai kasi nagayos kami ni Nanay tapos jusko dzai di ka maniniwala sa chika ko!AAAAAAAAAAAAAA" niyugyog ulit ako ni Chuchay at tumili ulit.

"Ano ba?Para kang tanga tatadyakan na kita isa pa" pag- aamba ko.

"Ay sorry na hihi, eto na nga dzai. Nagaayos akong mga lamesa at upuan tapos dzai pumasok yung crush ko tas tinanong nya sakin kung may almusal na ba e di sabe ko dzai wala pa pero kilig na kilig na ako non tapos umalis na sya pero nakakakilig parin talaga dzai" namumula pa ang mukha nya habang nagkukwento.

"Yun na yon?" sabat ni Serenahabang nakalukot ang noo.

Tawa parin ako ng tawa dahil sa sinabe ng pilya kong kapatid. Napasibangot naman si Chuchay pero tawang tawa parin ako.

"Oo nga naman dzai,yun na yon??" panunukso ko sabay tawa ulit habang naghihiwa ng sibuyas.

"Bahala ka nga jan" sagot niya at naghiwa nalang din. Hahaha.

Nagpaalam naman si Serena na maglalaro lang sa labas dahil nabobored sya kaya pumayag naman ako hindi ko rin naman siya maaasikaso dahil maraming customer. Nagluto lang kami ni Serena buong umaga at tanghalian kung minsan ay nagbibiruan kami pero minsan ay focus lang talaga. Pagkatapos nilang mananghalian ay kami naman kaso ala pa si Serena, asan na ba yun?

"Gabo nakita mo si Serena?" tanong ko kay Gabo na kakarating lang.

"Hindi eh, nangisda kami ni Eleazar" simpleng sagot niya. Tumango naman ako.

"Liway, san ka galing?" tanong ni Eleazar pagdating ni Liway.

"Nagkaproblema lang sa bahay." simpleng sagot niya.

Umalis naman ako para hanapin si Serena, magpapasama sana ko kay Gabo kaso naghahain na sila ng pagkain kaya ako nalang magisa.

Nakita ko naman sya sa dalampasigan at nakikipaglaro sa iba pang bata,lumapit ako at nakita na andon din pala si Roanne at kasama nila naglalaro habang nagtatawanan. Ang cute nila tignan.Lumapit ako at tinawag si Serena.

"Serena kakain na" tawag ko. Napalingon naman siya sakin pati na rin si Roanne.

"Eto na" sagot nya at lumapit saakin.

"Hi" bati ko kay Roanne.

"Hello,kulit pala ng anak mo noh" bati nya pabalik.

"HA??ANAK???" pagtataka ko.

"Sus kunwari pa, bye na" dali dali syang tumalikod at naglakad paalis.

"Hoy teka ano sabe mo???" sigaw ko pero di na sya lumingon.

Anak ko? Si Serena? AMPOTA???



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost is never Enough (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon