Chapter 2

24 3 0
                                    

"Nay!Alis na ko!"

Inipit ko ang buhok ko at nagayos sa salamin. Wala naman talaga akong nilalagay sa mukha ko kasi una sa lahat walang make up sa bahay kaya buhok lang ang inaayos ko palagi.Sandali kong tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Naks ganda naman talaga e oh" sabi ko sa salamin. Haha malamang ako yon noh!

"Ganda nga wala naman manliligaw" singit ng pilya kong kapatid.

"Okey lang atleast di ako ampon" panunukso ko at binelatan sya.

Sumibangot naman siya at nagpunta na sa kusina para kumain ng almusal.Napaisip tuloy ako,tama si Serena wala nga akong manliligaw. Maganda naman ako ah, mabait at mapagmahal.Sariling puri muna tayo haha.

Tumigil na ko sa pag kausap sa sarili ko dahil baka malate na ko. Sakto narinig ko ang boses ni Gabo kaya sumilip ako sa bintana.

"Aling Kreng si Shine po?" sigaw nya.

"Teka lang eto na ko!" nagmadali ako sa pagbaba at kinuha ang basket sa lamesa saka lumabas na ko.

"Mamamalengke ba tayo?" tanong nya.

Teka parang may nalimot ako. Bumalik ako sa bahay para halikan si Nanay at Kapatid ko para magpaalam. Ayon pala nalimot ko hehe.

"Bilis na Shine!" inis na sabi ni Gabo

"Eto na masyado ka namang apurado" umangkas ako sa bike nya at kumapit sa damit nya,pinaandar nya na rin ang bike.

"Shine ambigat mo na" sabay tawa ni Gabo.

"Eh tarantado!yung basket yung mabigat may mga pinya yon" sigaw ko at kinurot sya sa tagiliran.

"Hoy wag ka makasat!"

Tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa makarating kami sa Mariposa. Dumiretso kami sa Paluto dahil don ako nagluluto tuwing almusal,tanghalian at hapunan.

Naabutan ko naman si Chuchay na nasa Kusina. Wala pa masyadong kumakain.

"Good morning Chay" bati ko at nagsuot ng apron.

"Dai!may bago akong crush" niyugyog nya pa ang balikat ko at halatang kilig na kilig.

"Ano? Kano nanaman?" tinaasan ko sya ng kilay at nagpameywang. "Hay nako Chay tigilan mo yan aalis din yang mga yan,di naman nananatili" dugtong ko pa habang nangunguha ng mga sangkap sa ref.

"Nubayan!" humalukipkip naman sya at sumandal sa lababo.

"Sino ba yang crush mo ha?" tanong ko, bigla namang lumiwanag ang mukha nya at binigyan ako ng malaking ngiti.

"Nakita ko sya kagabi nung nagpeperform tayo nasa harap sya tapos anak daw sya ng mayamang negosyante sa Maynila. AAAAAAAAHHHHH!"

Grabe magkwento 'to kilig na kilig lang amputa.

"Sus! Buti naman Pinoy na crush mo ne,ayaw mo na sa Kano?" tanong ko at kiniliti sya sa tagiliran. Umiling nalang sya at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Bigla ko tuloy naalala yung lalaking lumapit sa'kin kahapon ni hindi ko man lang natanong pangalan nya. Gwapo sana nga lang parang may toinks.

Natapos ang almusal at naiwan na si Nay Isyang at yung iba pa sa Paluto. Nandito ko ngayon sa puno kasama ang mga bata. Nangunguha kasi sila ng buko.

"Ako naman aakyat!" presinta ko.

"Tanga ka ba? Nakapalda ka Shine di pwede" pagbabawal ni Gabo. Wow ha kala mo sino.

"Pitas mo kong buko Shine hihihi" sabi ni Chuchay at tinutulak tulak ako papunta sa puno.

Umaakyat ako sa puno at tinignan si Gabo. Binelatan ko sya hahaha. Bleh! Pumitas akong isang buko, isa lang kakangawit eh.

"Oh eto!Layo kayo baka matamaan kayo" binaba ko na nga ang buko ng biglang.

"AAAAHHH ANG SAKET!"

Boses ng lalaki yun ah? Kinabahan ako dahil baka turista ang nalaglagan ng buko. Dali dali akong bumaba para tignan sino ang nalaglagan ko. Baka makulong ako ah? Wag naman sana. Huhu mama ko!

Nakakumpol sila sa lalaki kaya di ko agad nakita.

"Hala ka Shine anong ginawa mo kay Pogi!" bungad sakin ni Chuchay.

Harujusko po,sya yung lalaking lumapit sakin kagabi, mukhang nakatulog sa laki ng buko na nalaglag sakanya ah.

"Eleazar! CPR mo nga diba marunong ka?" paghila ko sa kamay nya kasi nakatayo sya at ako naman nakaluhod habang pinapakinggan ang heartbeat ng lalaki.

"Tanga ka talaga Shine" batok sakin ni Liway. "Nabagsakan sya ng buko hindi nalunod! Engot" dagdag nya pa.

Tinarayan ko nalang sya,malay ko ba hahaha.

"Kainis ka Shine ayan yung crush ko eh!" kinurot ako ni Chuchay sa tagiliran.

"Ayaw mo non pag nagkaamnesia sya tas tinanong nya 'Sino kayo?' isagot mo na ikaw asawa nya. Ganon" sabi ko habang tinataas ang dalawang kilay.

Ilang minuto pa kaming nakatitig sa patay na katawan ng lalaki na 'to. Ay de joke buhay pa sya.

"Gumagalaw na sya!" sabi ni Gabo at tinapik ang balikat ko.

Unti unti namang dumilat ang lalaki.

"NAKAKAALALA KA BA?" tanong agad ni Chuchay. Kumunot lang ang noo ni Pogi 'daw'.

"Kasi kung hindi, ako ang asawa mo!" dugtong ni Chuchay na nakahawak pa sa dibdib.

Umupo yung lalaki at napahawak sa ulo nya.

"Kuha kong yelo" presinta ni Gabo.

"Masakit pa ba ulo mo?" tanong ko. "Sorry nga pala ikaw naman kasi bakit ka dumaan don yan tuloy nabagsakan ka" dugtong ko pa.

Nakakunot parin ako noo nya sabay sabi na "Kasalanan ko pa?" tumayo siya at lumakad papalayo. Luh!

"Nagalit tuloy pogi kong asawa!" binatukan pa ko ni Chuchay.

Napatingin naman ako kay Liway "Engot" ika niya.

Napano yun? Kasalanan niya naman talaga ah?

Almost is never Enough (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon