Lingering.
*Van’s P. O. V*
Mag-isa akong kumakain ng pananghalian sa cafeteria. Dito sa pinakadulo, malayo sa lahat.
Tahimik lang akong ngumunguya ng may biglang umupo sa katapat ng upuan sa table ko.
Napabuntong-hininga ako matapos mag-angat ng tingin at makikilala ang taong umupo roon.
“ I told you, I need to make you say yes” walang ganang sabi ni Ivory
Walang bakas na pangungulit ang kanyang boses ngunit sa mga salita niya ay nakukulitan ako.
Wala na ang palangiting Iv at ngayon ay palagi siyang seryoso tila ba naiinis na rin sa akin for keeping on declining her offer.
Tatlong araw na matapos yung nangyari sa kainan ni Aleng Lila at halos araw-araw siyang nakaabang sa akin. Sa twing papasok ako sa gate ng school ay hinihintay niya ako, sa twing lunch break ay sumasabay siya sa akin.
“At sinabi ko na rin. Ayoko. Ayoko, Iv kaya nakikiusap ako, wag nalang ako, please” sabi ko ay ibinaba ang mga kubyertos dahil nawalan na akong ganang kumain
Bumuntong-hininga naman siya, hinihilot ang ibabaw’ng ilong.
“I can’t. Nasabi ko na sayo, you are the one I need to bring to the platoon or else Mr. Cipher will kick me out” tila nawawalan na siyang gana kaka-explain sa akin
“The heck that Mr. Cipher of yours. Marami akong bagay na gagawin at nawawalan ako ng oras para don dahil imbes na ilalaan ko sana ang oras ko sa mga bagay na yun ay nauubos sayo” pinantayan ko ang inis sa boses niya
“Just this one Van, help me out. Ganyan din ako ng nirecruit ako ni Tej but it turns out pretty well so why can’t you say yes to me?” paliwanag na niya naman
“Dahil ikaw si Iv at ako si Van. We are much different. Hindi mo nga masabi sa akin kung ano ang ginagawa mo and the said platoon. Sabihin mo Iv kung papayag ako sa in-offer mo ay ano ang susunod kong gagawin?” tanong ko sa kanya, sumadal lang siya habang nakatingin pa rin sa akin “Ano ba talaga ang trabaho niyo at pilit niyo akong ipapasok doon?” hindi pa rin siya sumasagot kaya naman tumayo ako bitbit ang pinagkainang tray
Sa mga oras na tinatanong ko siya niyong bagay ay tumatahimik siya. Kaya mas naging hindi ako interesado sa bagay na ibinibigay niya.
Nawala bigla ang gutom ko kaya naman napagpasyahan kong umakyat sa building namin at dumeritso sa rooftop.
Sinirado ako ang pinto at naglakad papunta sa isang mahabang upuan na dinala ko rito upang may matulugan, may mga oras kasing hindi ako nakakatulog sa silid kaya naman ay agad akong umakyat dito.
Each building are made of five stories. Tig-lilima ang bawat gusali sa bawat baitang sa high school at maging sa college, for the pupils in elementary ay hanggang two-story lang dahil dilikado sa mga bata ang pag-akyat-baba.
There were laboratories too, tig-tatatlo for high school and college students.
Nahagip ng mata ko ang napakalawak na field na ginawa lamang for us- high school, meron din naman sa mga bata but it is smaller than ours.
May malaking arena for the events or announcements na magaganap para sa lahat na students except for elementary pupils. Doon magaganap ang mga welcome events para sa mga bagong mag-aaral, or anytime the dean want us to gather together. There are speakers outside each classrooms too.
May gymnasium para sa mga laro sa larangan ng basketballs at volleys.
May maliliit ding place for other indoor sports.
YOU ARE READING
WORST NIGHTMARE
Mystery / Thriller"I'm no criminal. I'm doing the right thing in an illegal way" Posses the world but love. She goes Hunting. She is the Goddess of Seduction. She involves herself in every Chaos. She wants Revenge. 'Till she got what she always want. Victory. T...