Recruitment start.
*Ivory's P. O. V*
Kanina pa ako lumilinga-linga upang mahagip ng mata ko ang aking hinahanap ngunit matapos um-order at naibalik ko na ang tray'ng pinagkainan ay wala paring Van na aking nakita.
Inis akong umupo sa mga pasilungan sa school at tinignan ang oras. May natira pang trenta minutos bago matapos ang lunch break.
Inis kong isinilid ang cellphone sa bulsa ng aking palda.
Hays. San ba nagsusuot ang babaeng yun?
Tinignan ko na ang libro sa bawat estudyanteng nag-aaral dito sa V Prime Learners handbook sa library. At nakakapagtaka na walang kahit anong pangalang Van ang nakasulat doon.
Well as Mr. Ciper said the school doesn't has her information.
Paano kaya nakapasok si Van sa school na to?
Hindi ba alam ng school na may nag-aaral dito na wala sa mga listahan ng mga mag-aaral?
O baka naman may tinatago ang babaeng iyon at kasabwat ang school?
But this school is a world class. I mean this is — ano man ang sukat nitong lugar is own by a Valdron.
And a Valdron is not just a family name but an elite. Aristocracy!
Gusto ko mang hanapin si Van ay wala din dahil di ko nga alam saan yun ngayon.
Natagalan kasi ako ng labas kaninang last period dahil may kinausap pa ako sa room.
Tungkol dun sa mga babaeng nabangga ko noong unang araw ko palang dito.
Sinasabi nilang sikat daw ang babaeng iyon dito sa campus at hinahangaan. May nagsabi pang nakakatakot pag naging kalaban.
Eh, parang isang bigwas ko lang paglamayan na yun eh.
Ipinikit ko nalang ang mga mata at isinandal ang batok sa sandalan sa inuupuang bench.
Dumilat at tanaw ko ang langit at makapal ang ulap at klaro ang pagka-asul nito.
Idinaan ko nalang sa buntong-hininga ang inis.
Tumayo ako at tinahak ang daan papunta sa building namin ngunit hindi ang silid ko ang tukoy kundi umakyat ako sa hagdanan papunta sa silid ni Van.
Hindi nga ako nahirapang hanapin siya ngunit napakadalas naman naming magkita kung hindi ko pa siya hahanapin ay hindi ko pa siya matatagpuan, kung nasabi ko na ang tukoy ko ay baka paghinalaan ko siya iniiwasan ako.
Dalawa ang pinto sa bawat silid kaya huminto ako sa pinto sa likuran at sumilip roon.
May mga estudyanteng natutulog ang iba naman ay kumakain pa ng lunch dahil sa mga baunang nakapatong sa kanilang armchair.
Pinasadaan ko ang aking mata at pilit na hinuhulaan kung saan siya nakaupo.
Kung ako si Van saan nga ba ako uupo?
“Why are you peeking here?” napaigtad ako ng marinig ko ang boses sa likod ko
Isang lalaking nakatayo sa likod ko. Ang isang kamay ay nakasalampak sa kanyang bulsa at ang isang kamay naman ay hawak ang isang plastic glass na ang hula ko ay milkshake ang laman, dahil na rin sa straw nito na nakatusok sa plastik din na takip.
“Uh—..... I was looking for someone, but she's not here” sabi ko at nagpeke ng ngiti at humakbang paalis
“Weird” bulong niya ngunit rinig ko pa rin, haharapin ko na sana siya kasama ang sapak ko pero tuluyan na siyang nakapasok
YOU ARE READING
WORST NIGHTMARE
Misterio / Suspenso"I'm no criminal. I'm doing the right thing in an illegal way" Posses the world but love. She goes Hunting. She is the Goddess of Seduction. She involves herself in every Chaos. She wants Revenge. 'Till she got what she always want. Victory. T...