Chapter One:

460 16 9
                                    

Hi! Ako nga pala si Valeen Cruz Naval. 18 years old. Relationship status? SINGLE SINCE THE DAY THAT I WAS BORN.

Oo, wala pa akong nagiging boyfriend. I’m a typical girl. Studious. Probinsyana (sa Laguna ako nakatira). Family oriented. Relihiyosa. Consistent honor student since high school. At heto ako ngayon, patuloy na nagsusunog ng kilay sa kolehiyo.

I’m currently studying Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa Polytechnic University of the Philippines, sa Sta. Mesa, Manila. Sa dalawang taon kong pag-aaral sa siyudad na ‘to, masasabi kong kahit papaano’y alam ko na ang galawan. Kaya kung may balak kang masama sa’kin, ‘wag mo nang ituloy dahil sanay akong bumugbog ng lalaki! Hindi, joke lang.

Immune na siguro ako sa araw-araw na paglalakad papunta sa building ng pamantasan. Magmula sa nakakahingal na overpass, hanggang sa pakikipagpatintero sa PNR, at sa masikip na kalye ng Anonas. Samahan mo pa ng mausok na kapaligiran dahil sa mga tricycle at kung ano-ano pang smoke belching vehicles.

Adaptability. ‘Yon ang kailangan sa mga katulad kong galing sa lugar na kung saan sariwa ang hangin na mapapadpad sa Maynila. Ang pagtira ng mag-isa sa dormitory, pagluluto ng sarili mong pagkain simula umagahan hanggang hapunan, paglalaba ng mga damit, at pag-aaral sa isang lugar na bago sa paningin mo ang lahat.

Matapos ang hayskul, doon magsisimulang muli ang panibagong yugto ng ating buhay. Iikot ang mundo mo sa panibagong dimensyon, nasa sa’yo kung magpapadala ka sa daluyong o saalubungin mo ang agos ng buhay. Mahirap ang lahat, pero kinakaya.

Sakto lang ang estado ng aming pamilya. Kahit ang Nanay lang ang nagtatrabaho bilang isang guro, tumutulong naman ang Tatay sa mga gawaing bahay. ‘Yong mga kapatid ko, ang dalawa kong ate at isang kuya, lahat sila ay may sari-sarili ng pamilya. Ako ang bunso, at papatunayan kong ako ang mag-aangat sa kanila sa buhay.

Pero parang ang plain ng lahat, nakakasawa ang routine na buhay. Dorm – PUP – Dorm – Laguna. May parte ng isip at katawan kong naghahanap ng babasag sa katahimikan ng simple kong pamumuhay. Ewan ko ba kung lovelife o inspirasyon lang (bukod sa pamilya) ang hinahanap ko.

Ilan sa mga nabasa kong kwento, may Masaya, malungkot, pero karamihan, sa happy ever after ang pagtatapos. Sa mga kwento na lang ba ‘yon? Sa tingin ko kasi may ‘Supreme being’ talagang nagmamaniobra sa mga buhay natin. Si God. I always pray to Him that someday, I’ll find my destiny, my one true love, na magbibigay sa akin ng joy, happiness that will never lasts, and love that will stay until the end of time. Nasaan na kaya s’ya? Baka na-traffic lang sa EDSA, o kaya nakasakay na s’ya ngayon sa LRT, ayun, nasiraan lang, kaya natagalan. Haaayyy…

“Good afternoon!” let’s end this narration, nandito na pala ‘yong professor namin sa Filipino. So much for this imagination.

A/N: Hi everyone! To my readers, kindly drop down some comments and suggestions here in my story. And if you like it, please do me a favor by voting me as well as my story! We can interact with each other! God bless you always. :)

-iamnicholson

SPICE UP MY LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon