Bunga ng pag Mamahalan

77 3 1
                                    

Si Angeline at Samuel ay masayang namumuhay ng magkasama, Silay nangako na habang buhay silang mag sasama, Ano man ang mangyare sabay nilang lulutasin ang ano mang problemang dumating sakanila.

Sila ay nagpakasal at bumuo ng isang pamilya, Si Samuel ay nag pasyang mag ibambansa

upang matustusan niya ang pangangaylangan ng kanyang asawa at kanyang magiging anak,

Habang nag dadalang tao si Angeline sya naman ay walang humpay na pag tratrabaho sa ibang bansa.

Dumating ang araw na pinakahihintay nila, (Ang pag labas ng kanilang anak) si Samuel ay nag paalam umuwi ng pinas upang masaksihan ang pag silang ng kanyang anak, Ngunit hindi ito pinayagan sa kadahilanan na kaylangan na kaylangan sya sa kanyang trabaho.

Walang magawa si Samuel kundi tanggapin ang disisyon ng kanyang amo. Dali daling tinawagan ni Samuel si Angeline upang ipaalam ang naging disisyon ng kanyang amo.

Samuel: Mahal ko ginawa ko na lahat para lang payagan ako na makauwi subalit ako ay nabigo, Hindi ako pinayagan ng aking amo.

(malungkot at maluha luhang sinabi ni Samuel)

Angeline: Ha? Paano kami ni baby? Alam mo naman na mahina ang loob ko pag wala ka.

Samuel: Wag ganun mahal ko, Isipin mong lagi lang ako nandyan sa tabi mo.

Angeline: Ilang araw nalang ay manganganak na ako, at gusto kong nasa tabi kita sa araw ng pag labas ni baby.

Samuel: Patawarin mo ako mahal ko. Lakasan mo ang loob mo, Pangako na uuwi agad ako pag pinayagan ako.

Angeline: Mahal na mahal kita at sobrang miss na kita

(Paiyak nyang sinambit)

Samuel: mahal na mahal din kita at sobra na din kitang miss. Nananabik na akong makita kayo ni baby.

Angeline: Nananabik na din kaming makasama ka mahal ko.

Samuel: Kaylangan ko na mag trabaho mahal ko, Tawagan ulit kita.

Angeline: Sige na mahal ko, Wag kang masyadong mag papagod ha, Alagaan mo din sarili mo, Paano na kami ni baby pag nawala ka.

Samuel: Opo mahal ko... Ikaw ang dapat wag mag pabaya, Alagaan mo ng mabuti yan si baby.

Dumating ang araw ng pinaka hihintay ng mag-asawa

Natatarantang tumawag ang Ina ni Samuel sa kanya.

Ina: Anak nasa delivery room na si Angeline

Samuel: Ma, Ilagay mo ang cellphone sa tabi ni Angeline, Gusto kong mapalakas ang loob nya maski sa ganung paraan.

(Dali daling inilagay ng kanyang Ina ang cellphone sa tabi ni Angeline)

Samuel: Mahal ko, Lakasan mo ang loob mo, Kayang kaya mo yan. Hinding hindi kita iiwan, Malayo man ako lagi mong isipin na nasatabi mo lang ako, Dahil ikaw lang ang nasa puso't isip ko.

(Nag dasal si Samuel at kanyang mga kamag anak)

Ilang minuto lang ay lumbas na ang kanilang baby, Rinig na rinig ni Samuel ang lakas ng iyak ng kanyang baby, At pag sabi ng Doctor na lalake ang kanilang anak.

Napaluha sa sobrang saya si Samuel at agad na nag pasalaman sa Panginoon na hindi pinabayaan ang kanyang mag ina.

Agad itinabi ang baby kay Angeline at pinangalanan nila itong Emanuel.

Masayang ibinalita ni Samuel sakanyang mga katrabaho ang pag silang ng kanyang anak.

Dumaan ang mga araw na walang kasing saya ang mag asawa, Si Samuel lalu pang nag pakasipag sa trabaho at si Angeline ay sobrang alaga sa kanilang anak. Walang araw na hindi tumatawag si Samuel kay Angeline at ipinakakinig naman ni Angeline ang boses ni Samuel kay baby Emanuel.

Ngunit mapag biro ang tadhana, Isang araw may biglaan nalang dumating na trahedya sa buhay ng maraming tao at nakasama na nga ang buhay ng mag ina...

Ano nga ba ang trahedyang iyon at ano nang mangyayare sa mag ina. Abangan ang susunod na kabanata. :))

Baby Mama, Oh Inay aking mahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon