CHAPTER 2

67 3 1
                                    

Name: Kisses

Nickname : Kiss

Age :17

Gender : Female

Birthdate : June 4 1995

Nagfifill up si Kisses ng mga papeles na kakailanganin niya para sa school.

"Para kong nag a-apply na maging murderer eh. Haiiish! Ayaw kase kong payagan magtransfer ni Mami."

*Marilyn Monroe Tune*

Biglang tumunog yung cellphone niya pero imbes na sagutin bigla na lang siyang kumanta.

"CALL IT A CURSE OR JUST CALL ME BLESSED IF YOU CAN'T HANDLE MY WORSE YOU AIN'T GETTIN MY BEST, IS THIS HOW MARILYN MONROE FELT FELT FELT!!"

Akala niya tapos na yung tunog, di kase siya sanay na sumasagot sa tawag. Pero tumunog uli yung cellphone niya, tiningnan niya kung sino pero Unknown Number ang nakalagay. Sinagot na niya kesa kumanta, babagyo kase.

"Hello"

sabe sa kabilang linya.

"Are you Marilyn Monroe?"

sabe naman ni kisses. Nagulat siya ng biglang tumawa yung lalakeng kausap niya sa kabilang linya.

"Are you on drugs miss? This is Ian. Remember me? Yung lalakeng tinanungan mo kung saan yung office?"

Napanganga si Kisses.. Pano nalaman ng alien pogi na toh ang kanyang number? Stalker Alert Stalker Alert.

"Okay Mr.Stalker, Pano mo nalaman number ko?"

Huminga ng malalim yung lalake. At tsaka ito nagsalita.

"You dropped your ID. Seems like you didn't notice."

Biglang napatayo si Kisses at hinalukay yung bag niya. At lahat ng rectangular shape na nakita niya ay resibo at basura lamang. Wala nga yung ID niya.

Huminga muna siya ng malalim, nilagay niya ang kaliwang kamay sa kanyang bewang tsaka siya nagsalita.

"Ibalik mo sakin yan bukas! Nakakainis ka!"

"Pano kung ayoko?"

"Eh takte ka naman pala ehh! Pinagnanasaan mo ba yang muka ko sa ID ko? Alam kong maganda ko... Pero pwede ba?"

"What IF nga lang feel na feel mo naman."

Tanga kase feelingerang alimango~ ayyy. Namula na si Kisses.. Galit na siya at malapit na siyang bumuga.

"ALAM MO! SA TOTOO LANG ANG HANGIN HANGIN MO!! SAYO NA IPAPANGALAN ANG SUSUNOD NA BAGYO! IBALIK MO SAKIN YAN BUKAS KUNG HINDI, PASASABUGIN KO PAGMUMUKA MO. AND CAPITAL FYI, HINDI KA GWAPO!"

Hindi na niya inantay magsalita yung kausap niya, dahil agad niyang pinatay ang linya.

Umupo siya sa tabi ng kama niya.

"Kala mo kung sinong gwapo. Muka namang tsonggo, takte."

*DING DONG*

Narinig niyang may papaakyat ng hagdanan, alam na niya agad na katulong iyon. Dahil nasa trabaho ang parents niya.

*TokTok*

"Ma'am, May naghahanap po sainyo, Ian daw po pangalan."

Tiningnan ng masama ni Kisses yung katulong.

"Ian? anong gagawin nung mokong na yun dito?"

Tumayo siya kaagad at sumilip sa bintana ng kwarto niya.

Nakatayo sa labas nila si Ian, yun pa din ang suot niya kaninang umaga.

"Dumiretso siya dito kase sabe kong di siya Gwapo? SH*T"

agad siya kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila. Muntik na nga siyang mahulog sa hagdanan.

Paglabas niya nakita niya ang nakangiting Ian, na winawagayway ang Kanang hawak ang ID niya.

Tiningnan niya ito ng masama. Nilapitan niya si Ian.

"Akin na yang ID ko!"

Sabay lahad ng palad niya. Pero nagulat siya ng hinigit ni Ian ang kamay niya, At agad siya netong hinalikan.

Sa sobrang pagkagulat wala siyang nagawa. Parang nayelo ang buo niyang katawan.

"That's what you get for telling me i'm not handsome."

Parang naputulan ng ugat sa lalamunan si Kisses, di na siya makapagsalita. Si Ian naman, Kinuha ang kanang kamay ng nakatulalang Kisses at inilagay doon ang ID neto.

Pinitik niya sa noo si Kisses, which brought her back to reality.

Nang nahimasmasan, agad netong pinagpapalo si Ian.

"Walanghiya kang unggoy ka!!"

hinayaan lang ni ian na hampasin siya ni Kisses.

"Titigil ka ba o hahalikan uli kita?"

Agad namang tumigil si kisses, Pero dahil sa kagustuhang gumanti, sinipa niya si Ian where it hurts the most, at agad siyang tumakbo papasok ng bahay nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fandom Academy  (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon