❇ First ❇

1K 50 6
                                    

"Hoy! Payatot na nerd!" Pagtawag sakin ni Marc.



"Oh? Ano na naman?!" Pagtataray ko sa kanya.



Ako nga pala si Mica Jae Villafuerte. 17 years old. At tong lalaking to na tumawag sakin ng Payatot Na Nerd ay si Sean Marc Santos. Classmate ko na siya since Grade 7. And since Grade 7, crush ko na siya. Di pala crush. Love ko na siya.



"Tawagin mo nga si Jeff. Wag na pala. Ako na lang"



Ang gulo naman nito. Tawagin ko raw tapos wag na. Katabi ko siya sa kanan at katabi ko lang sa kaliwa si Jeff. Kumbaga, nasa gitna nila ako.


Tinatawag niya si Jeff pero di siya nililingon. Paano siya lilingonin, eh naka headset si Jeff .



"Paano ka lilingonin nyan, eh naka headset kaya siya" Pagtataray ko ulit.



"Tss. Di kita kausap payatot na nerd"



Kinalabit niya na lang si Jeff. Kinalabit niya ito sa balikat. Habang kinakalabit niya si Jeff, para siyang nakaakbay sakin. Kyaaahh! Kinikilig ako! Mica! Wag magpahalata. Wag ka muna lumingon Jeff.




"Bakit?" Tinanggal niya na yung headset na suot niya. Bakit ka lumingon Jeff?! Feel na feel ko pa yung moment.



"Bar tayo mamaya" Magba-bar na naman sila? Maghahanap lang naman sila ng chicks dun eh. Yung mga mukhang sisiw na babae.



Grade 11 pa lang sila, nagba-bar na? Ang minor pa nila. Palibhasa tito niya kasi ang may ari nun kaya pwede silang pumasok. Pero kahit na! Minor sila kaya bawal yun!



"Sige. Na-miss ko na yung mga sexy na chicka babes dun" Nako. Isa rin tong Jeff na to. Basta pagdating sa babae. Go na go.



"Pag naging akin mga yun. Chicka babes ko na" Sabi naman ni Marc. Napakababaero talaga ng mga to.



"Oo na. Chicka babes mo na!" Nagtawanan lang sila.



Parang wala ako sa gitna ah. Nagkunwari akong umubo.



"Nandyan ka pala payatot" Buti napansin mo Marc.



Di naman ako payatot eh. Tama lang yung katawan ko para sa age ko.



Lumingon ako sa kanya para sabihing "Di nga ako payatot!". Pero napatulala ako sa napakagwapo niyang mukha. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Ang tangos ng ilong. Brown eyes. Mahahabang pilikmata. Pinky lips. Makinis na mukha--



"Oh. Tulala ka na naman sa gwapo kong mukha. Di ka ba nagsasawa?" Sabi ni Marc.



"H-huh? H-hindi" Naiilang kong sabi at humarap na ako sa harapan. Di ko talaga naintindihan yung sabi niya kaya naghindi na lang para kunwari narinig ko.



The Nerd Love Story (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon