Chapter 14

31 5 2
                                    

The next day, it was my Dad's birthday so as expected, I needed to attend another grand party. Wala roon ang girls dahil hindi naman daw kailangan na sumama sila, si Lexi at Kira naman ay sinabi sa aking balak pang pasamahin ng mga magulang nila pero tumanggi sila.

Dumiretso ako sa bahay nang tanghali para maayusan na kami. We finished around 4pm, my hair was in a bun with beautiful beige floral pins on it while other strands of my hair fell, intentionally by the hair stylist. My dress was beige almost a gown but ending 2 inches below the knee, with glitters on it and brown starting from below my chest 'till my waist to create an effect.

Nauna na sila Mommy sa ballroom sa loob ng hotel habang ako ay narito sa lobby at nakikipag-small talk sa mga anak ng colleagues nila na halos kasing edad ko lang. Wala naman akong nagawa kung hindi ang makipag-interact kahit na halos kilala ko lang naman sila sa pangalan nila.

Mabuti na lang at tinawag na kami ng party organizer at pinapasok na roon sa ballroom. Nang makapasok ay namataan ko naman si Harry na nakikipag-chikahan roon sa mukhang foreigner na dalaga sa isang gilid habang may hawak na champagne. Nilingon naman n'ya ako at nilapitan nang makita ako.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam e. Sumunod lang naman ako kila Mama, sino ba may birthday?" Kunot-noong tanong n'ya.

Natawa naman ako. "Daddy ko."

"Ay, weh? Happy Birthday pala sa Daddy mo." Tumawa rin s'ya.

"Sino pala 'yun?" Turo ko sa babaeng kausap n'ya kanina na ngayon ay may bagong kausap naman na.

"Ha? Ah, Phoebe daw. Model sa New York, kaedad lang din natin, walang boyfriend tapos kilala mga magulang ni Addie. Suki raw kasi sa airline nila e." Napangiwi naman ako sa dami ng info na binigay n'ya sa akin tungkol roon sa babae.

"Kuya, kanina pa nag-riring 'yung phone mo, sasagutin mo ba 'to o ano?!"

Napalingon naman kami sa isang babae na dumating at hawak ang cellphone ni Harry na nag-riring nga. Si Bella iyon, bunsong kapatid ni Harry.

"Sungit mo naman. Ito na." Sabi ni Harry at hinablot ang cellphone n'ya bago naglakad paalis.

"Hi, Ate. Nice party." Bati sa akin ni Bella nang hindi nagpapakita ng emosyon.

Mahaba ang buhok ni Bella, matangkad rin s'ya, mas matangkad nga lang ako ng kaunti, hindi maputi at hindi rin morena. Hawig ni Harry pero ang Kuya talaga nila ang pinaka-kamukha niya. Nakasuot s'ya ng pink na dress ending above the knee, fitted ito kaya kitang kita ang maliit n'yang bewang habang spaghetti strap ang sa balikat nito.

"Thank you. Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Yeah, I'm fine. I'll go ahead." Paalam n'ya at kumaway pa bago naglakad paalis.

Sakto namang may dumaan na waiter sa tabi ko na may hawak na tray na naglalaman ng champagne kaya kumuha na ako roon at sumimsim ng kaunti. Napaigtad naman ako ng bahagya nang may kumalabit sa akin kaya napalingon agad ako rito. Nakita ko si Daddy at Mommy kasama ang Daddy nina Harry at Michael.

"Happy Birthday, Dad. May kausap pa ako kanina e, sorry." Bulong ko.

"Thanks." He smiled a bit.

I sipped on my drink a bit before Dad called me again. "Thylane, this is Architect Alcantara one of the shareholders of Ford Builders and Mr. Ford, the CEO of Ford Builders."

"Thylane Merritt po." I offered my hand.

Tinanggap naman nila iyon at bumaling si Mr. Ford sa Daddy ko. "She looks stunning. She takes after the both of you." he referred to my parents.

Sounds of Yesterday (Dream Series #3)Where stories live. Discover now