Chapter 1

83 7 3
                                    

Ariana's POV

MONDAY

YAAAAAY. This is the daaaaaaaaaaaaaaaay!

Harry, I will finally meet you!!!!!!

WOOOOOOOHOOOOOO.

Naligo agad ako tapos nagbihis. At tsaka bumaba na rin para kumain. Yung mga gamit ko naayos ko na kagabi. Haha. 

"I AM SO READY." 

"Huh? Bakit? Ano ba gagawin mo? At tsaka ba't hindi ka naka-uniform? Saan ka pupunta? Ariana, may ginagawa ka bang hindi ko alam?" sunud-sunod na tanong ni Mama.

"Ah.. Eh.. Haha.. Wala. May program lang naman sa school ngayon. Haha. Kaya ganito ayos ko."  pagsisinungaling ko.

"Ahhh. Ganun ba." sagot lang ni Mama. 

*Sighs* 'Pag nalaman ni Mama na pupunta ako sa Airport ngayon imbes na sa school. Patay ako.

Tinignan ko yung orasan. Wah. 7:30 A.M na pala. 8:00 A.M ang arrival nila Harry. Dali-dali akong lumabas.

"Hoy Ariana. Hindi mo pa ubos 'tong pagkain mo!" sigaw ni Mama sa'kin. 

"Late na'ko. Bye ma! Love you!" 

Eksakto may Taxi sa labas.

"Kuya, sa NAIA Airport po. Pakibilisan." sabi ko sa driver. 

"Okay po Ma'am."

Grabe, traffic. Ugh. Kainis. Pano na yan. 7:55 AM na. Huhu. 

"Kuya, may iba pa po bang daanan papuntang Airport?"

"Wala na po Ma'am eh. Itong way na po na 'to ang pinakamabilis."

HAAAAAAY. Grabe. Kapag minamalas nga naman oh.. Harry kooooo, 'di na kita makikita. ;_____;

"Ilang minutes pa po kaya kapag lalakarin ko na lang?"

"Siguro po, mga 10 minutes." Ay shet. Wala na. Walang wala na talaga.

Nang biglang may nakita akong lalaking naka-bike. Are you thinking what I'm thinking? Wahaha. 

Nagbayad agad ako kay manong at umalis na. Hinabol ko yung naka-bike na lalaki. 

"Kuya! Kuya! Wait!" sigaw ko. Kapalan na 'to ng face. Wala na'kong pakealam.

At yun, lumingon siya. Ay shet, gwapo. 

"Ano yun Miss?" nag-smile siya. Papatayin ata ako ng lalaking 'to eh. Haha Cute ng smile. HAY. Stop it Ariana, mas gwapo si Harry. 

"Ah.. Eh... Kuya, Pwede mo ba akong ihatid sa Airport? Malapit na lang din naman eh. Traffic kasi. Importante lang. Please kuya." Nagpacute ako. Grabe, kapal ng mukha ko. Ahahaha. Syempre, para kay Harry. 

Tumingin lang siya sa akin na para bang naloloko ako. Haha. 'Di ko siya masisisi. 

Pero nag-smile ulit siya. 

"Uh, sure. Tingin ko naman, kailangan mo talaga ng tulong ko. Sige, sakay ka na sa likod at humawak ka sa'kin ha. Bibilisan ko. Late na din kasi ako eh." Ang bait bait bait bait bait bait ng lalaking 'to. Seryoso. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon