Chapter 3

5 2 0
                                    

Chapter 3

Someone is coming back

Kinabukasan, Hindi palang tumutunog ang alarm clock ko, gising nako. Naligo na ako, at nag bihis na ng uniform. Tinignan ko si Snow sa kama, ginawa niyang unan yong unan na may mukha ni Duane.

Duane? Kamusta na kaya siya?
May Jowa na ba siya?
Tsk.

6:30 palang naman kaya hinyaan ko muna siya matulog, humarap ako sa salamin, inayos ang maiksing palda at blouse ko, sinuot ko narin Ang long sleeve na uniform namin. Tinali ko Ang buhok kong kulot at iniwan ang bangs ko, nilagay ko yong butterfly na ipit malapit sa tenga ko, konting pulbos okay na, hindi ko na kailangan mag liptint kasi mapula na talaga ang labi ko.

Sinuot ko ang puting medjas na hanggang tuhod, at nag suot ng block school shoes na flat.

Pinuntahan ko si kuya sa kwarto niya, nakita ko siyang sobrang himbing ng tulog.

Niyugyug ko siya. "Gising na kuya 6:40 na"

Unti unti niyang minulat ang mga mata niya. Ngumiti ako, at ngumiti rin siya.

Umupo siya sa kama niya. "Maligo kana kuya"

Tumango ito at humikib pa.

Bumalik ako sa kwarto at datnan ko si Snow na gising na. Lumapit ko dito sa binuhat siya.

"Good morning snow ko" hinalikan ko siya sa pisnge.

Tuwang tuwa naman ang aso. Kinuha ko yong bag Kong kasing kulay din ng buhok ko. Bumaba na ko, nadatnan ko sila mommy and daddy nag kakape, nag aalmusal naman si kuya. Nilapag ko muna si Snow sa may upuan, at kinuha ko yong pag kaininan niya, tinimplahan ko siya ng gatas, pag balik ko don, Ang laki ng ngiti ng ask ko.

Nilapag ko sa harapan niya. "Pakabusog ka"
Lumapit ako kila dad at mom at humalik sa pisnge.

"Morninggggg" malambing kong ani.

Hinalikan ako ni mommy sa pisnge, ginulo naman ni daddy yong bangs ko.

"Kumain kana, para makasabay ka sa kuya mo" ani ni dad.

"Opo" tamabi na ako kay Snow na hanggang ngayon umiinom pa ng gatas.

"Mom dad Alis na kami" paalam ni kuya.

"Sige mga anak, mag iingat kayo"

Sabay kaming humalik  no kuya sa pisnge nila.

Patakbong pumunta si kuya sa parking at kinuha yong bago niyang kotse.
Sumakay na ako, at pinaandar naman yon ni kuya na may malaking ngiti sa labi.
Hindi ko nalang pinansin kasi alam Kong masaya Lang talaga siya.

Pag dating namin sa school nakita ko si  Liela at Laurence nag hihintay sa may gate.

"Kita nalang tayo mamaya bunso" tumango ako. Dumeretso ako kila Liela.

"Oh nanjan na pala si Kholin oh"

"Girl meron daw tayong new classmates"
Bugad agad sakin ni Liela.

"Boy or Girl?"

"Hindi ko alam, basta ito Yong mga naririnig ko. Oy may transferee daw sa section 1, gwapo daw. Ay gwapo!, Yon Lang"

Gwapo? Tsk. "Tara na baka ma late tayo" sinundan naman nila ako. Hindi palang kami nakakarating sa tapat ng pinto sa room, biglang nalang may bumangga sakin.

"Ouch" dumeretso yong pwet ko sa sahig. May kamay na nasa harapan ko ngayon tutulongan niya yata ako tumayo , tumingala ako, lalaki pala siya pero Hindi ko makita ang mukh niya kasi naka mask siya, ang nakita ko lamang ay ang mga mata niyang kulay brown, buhok niyang kulay sky blue. Inabot ko ang kamay at Tama nga ako tinulungan niya akong tumayo.

"Sorry" tanging ani nito at binawi na ang kamay at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin, may side na ng sasabing habulin siya para humingi ng Thank you, pero Hindi gumagalaw ang mga paa ko.

Pumunta nalang ako sa classroom, may mga bumati sakin ng good morning, at karamihan ay puro lalaki.

Umupo na ako sa dating upuan ko, at yon don sa may likod, umupo na si Liela sa tabi ko, at sa likod niya naman si Laurence, sa likod ko naman, hmm wala.

10 mins pa naman bago mag simula ang first subject namin kaya nilagay ko muna ang isang headset sa isang tenga ko, at kinuha ko yong paborito kong libro, tungkol ito sa pamumuhay ng mga Pilipino nong mga unang panahon.

Maya maya bigla nalang pumasok si Sir Bacalso, prepared na ako dito, kasi Maya Maya gaganyan iyan 'Get one sheet of paper, write your name then number 1' memorize! Si Sir Bacalso din ang Adviser namin, kahit mahilig yan mag pa surprise quiz, Mahal namin yan.

"Good morning class"

"Good morning sir"

Ngumiti ito samin lahat. "Nadinig niyo na naman yata ang bulong bulong tiba, so nandito na sila, Yong isa muna, pasok na.

Ganon nalang ang pag laki ng mata namin ni Liela kong Sino Ito.

"Hi guyssssssss, miss niyo ba AKOOOOOO?!!! Ops hihi" malanding ani nito.

"MARK?!"

Tumingin Ito samin ni Liela at sumimangot. "Mikey nalang girls, parang hindi niyo naman ako kilala, baklang to" natawa lahat dahil sa sinabi niya pati si Sir natawa.

"Sige na Mark ay este Mikey pwede kanang umupo"

Tumingin samin si Mikey. "Sir gusto ko sa tabi ni Kholin Ortenero" full name talaga.

"Sige. Ikaw Liela jan kanalang sa bakanteng upuan na katabi mo, ikaw don ka" Ang laking ngiti naman lumapit sakin si bakla.

Niyapak niya agad ang braso ko. "Na miss kita bakla!" Tsk.

"Jan ako, Jan ako" rinig kong ani ni Laurence sa likod.

Sumunod naman yong classmate namin sa gusto mo Laurence kaya, nandon ulit siya sa likod ni Liela.

Hindi parin tinatanggal ni Mikey yong pag kakayakap niya sa braso ko, hanggang sa tinawag narin ni Sir yong isa naming bagong classmate. Pumasok ang isang lalaking matangkad, hala siya yong nabangga ko kanina.

"Omg! Ang gwapo niya tignan sa sky blue niyang buhok" ani ng baklang katabi ko.

"Intrudce your self" ani ni Sir.

Tinanggal niya ang mask niya, at don ako nagulat kong sino Ito.

Ang taong Miss na miss ko.

Ang taong ang tagal kong hindi nakita at nakasama.

Ang taong nakakuha ng puso ko.

Ang taong may mga stolen pictures ako sa iPad.

Ang taong Gusto kong yakapin.

Ang taong iniyakan ko nong umalis siya.

Ang taong First Love ko.

"I am Duane Van Dore" sabay ngiti.

2 Words, 9 Letters. (On Going)Where stories live. Discover now