Chapter 5

4 1 0
                                    

Chapter 5

"At dahil may Accuntance party tayo bukas, at lahat ng mga singer sa school nito ay kakanta, yong mga ate at kuya niyo ayon nag pra practice na" ani ni Mr. D.

"Mamaya pag katapos ng lunch mag meet tayo dito, at pumili narin kayo ng isang kantang kakantahin niyo, hindi pala kayo ang mag pla play ng instrument ha, may naka assign jan ang gagawin niyo ay yong parang sakanila ni kuya Jack niyo at Ate Mae." Hala! So mag lalambingan kami sa stage?!

Parang gusto ko yon.
Ahh erase arase.

"Sige yon lang, mag lunch na kayo" ani ni Mr. D. Kasabay si Ms. Azi. Pero humarap muli samin si Ms.

"No sweets Kholin" sabay alis.

Nag cross arms ako. "Tsk."

Natahimik naman ang buong paligid kasi walang nag sasalita saming dalawa.

"Hmm pwede mag tanong?" Tanong niya, ok na miss ko siya. Ilang beses ko na bang sinabi.

"A—ano yon?" Lumingon ito sakin.

"Ano ang ginagawa nila kuya Jack at Ate Mae sa stage?" Hmm pano ba to?

"Ah— hmm— ano—" tsk, ituloy mo yan Kholin. "Nag papakilig ng mga tao" dali dali kong ani, at umiwas ng tingin.

Naramdaman kong nanatili parin siyang nakatingin sakin. Lumingon ako dito.

"Hmm—"

"Okay" ha? Tumayo ito, at kinuha na ang bag. "Okay lang ikaw naman ang partner ko" assumera na ba ako ngayon? "Sige una na ako"

"Si—sige" sinundan ko siya nga tingin, at don lang ako naka pag kawala ng malalim na hinga nong nakalabas na siya.

Nag hintay ako ng ilang sandali bago dumating yong mga kaibigan ko.

"Bakla sorry kong pinag antay ka namin, hindi kasi ako nag baon, kaya bumili pa ako ng pagkain sa canteen." Paliwanag ni Mikey.

Ngumiti ako. "It's okay, tara kain na tayo" kinuha ko yong baon ko sa bag, at nag simula ng kumain, habang kumain kami, bigla nalang pumasok si kuya, ang laki ng ngiti ni kuya sakin, pumasok siya at kasunod niya ang dating best friend.

"Hi kuyaaaaaaaa Kennnnnnn" malanding ani ni Bakla.

Nanlaki naman ang mga mata ni kuya. "Ma-mark?"

Sumimangot si Mark ay este Mikey nga! "Kuya Ken lalaki ang hanap ko! kaya Mikey nalang!" umiling si kuya na natatawa na.

"Alam ba to ng tatay mo MIKEY?" tinigasan pa talaga ni kuya ang pangalan niya, MIKEY. "Baka mabubug ka HAHA may pa mikey mikey ka pa HAHA" hindi na nipigilan ni kuya ang tumawa, humawak pa sa may tiyan niya. 

Humawak si mikey sa bewang niya. "Mahal ako ni tatay kaya tanggap niya kong ano ako" pag yayabang nito.

Tumigil na si kuya sa pag tawa at ngumiti kay Mikey. "Okay okay" nabaling ang tingin ni kuya sakin. Ang mga ngiti niya mas lalong pang lumaki.

Kunot noo akong tiumingin dito. "Problema mo?" ngumit ito sakin at tumingin kay Duane na ngayon ay nag sisimula na ring kumain.

Kumain nalang ako ulit. Kinuha narin ni kuya ang baon niya at ang laki ng niti na kumakain. "So Duane kamusta?" parang alam ko na to, gusto niya akong asarin sa harap ni Duane! Tsk.

Tumingin si Duane kay kuya, ngumiti ito. "Okay lang naman kuya"

"Sinong GF?" taka akong tumingin kay kuya, pero yong atensyon niya ay naa Duane parin.

Bigla nalang tumawa si Duane, kaya naagaw niya ang atensyon ko, umiling siya. "believe it or not, wala pa talaga akong naging Jowa HAHA"  Tumawa siya, hanggang sa tumigil na din at tumingin kay kuya ng seryosong tingin. "At siya lang naman ang gusto kong ligawan at maging jowa,kasi hanggang ngayon ay siya parin talaga, at alam kong alam mo kong sino itong babaeng ito." Ngumiti si Duane at nag patuloy na sa pag kain.

'At siya lang naman ang gusto kong ligawan at maging jowa, kasi hanggang ngayon ay siya parin talaga,at alam kong alam mo kung sino itong babaeng ito.' Swerte naman nong babaeng yon, na kuha niya ang puso ng taong matagal kong hinintay bumalik, ang taong nag paiyak sakin nong umalis siya, ang taong nakikita ko lang kinikilig nako, ang taong mahal ko simula nong mga bata pa kami, at yon ay si DUANE VAN DORE ang taong kay tagal ko ng pangarap na maging akin.

Kong sino man yong babaeng yon ito  lang masasabi ko 'ANG SWERTE SWERTE MO! KASI PANGARAP KO NA PUNTA SAYO!' haysttttttttt..... 

2 Words, 9 Letters. (On Going)Where stories live. Discover now