Nandito ako ngayon sa kwarto, lakad dito, lakad doon. Hindi ako mapakali. 5th anniv. kasi namin ngayon ni Phoebe and I want to surprise her, so I bought something for her. Yon nga ikinabahala ko, baka di' niya to magustuhan e.
Uupo na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad kong kinapa ito at sinagot.
Si Phoebe!
"Hi love" Malambing kong bati sa kanya na may ngiti sa mga labi.
" Zeryl, magkita tayo sa park mamayang 3pm, I need to tell you something. Hihintayin kita don. " unti-unting nawala ang ngiti sa'king mga labi ' shyt! Ano kayang sasabihin niya sakin?'~
" Zeryl, nakikinig ka ba?" Ulit niyang tanong sa'kin.
"Ah- oo, love. I'll be there" sagot ko sa kanya.' Taena! Bat ka nauutal Zeryl? Mukha kang d lalaki e. Ah tama! Mamaya ko nalang ibibigay tong regalo ko.'
"Okay bye, I love you" Sambit niya bago pinatay ang tawag.
I love you too Phoebe, My baby!
Napangiti na naman ako. Shit! Siya lang talaga nagpapangiti sa'kin ng ganito.
---------
Nandito na'ko sa park, iginala ko ang aking mga mata upang mahanap ko kaagad si Phoebe.And There she is!
She's sitting on the bench, her long black hair was rippling. She's wearing a black backless dress and it was really fit on her, nakaheels din siya. Tiningnan ko ang kanyang maamong mukha, ang ganda ng kanyang mga mata, ang kapal at taas ng kanyang pilik-mata, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha, and her eyebrow was clean shape at ang pula ng kanyang mga labi.
Ano pa bang mahihiling ko?
Kinakabahan ako lumapit sa kanya, ' taena bat ba kasi ako kinakabahan?' Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko at agad naglakad papunta sa kanyang deriksyon.
Ngumiti ako sa kanya at yayakap na sana ako ng~
Bigla siyang lumayo sakin! Damn it!
Ikinagulat ko talaga iyon, ngunit agad ding binalewala.
" Hi love, ano bang gusto mong sabihin?" Deretsa kong tanong sa kanya.
" Let's break up Zeryl, or should I say, I'm breaking up with you." Malamig niyang sabi.
Hindi agad ako nakabawi sa pagkabigla. Taena!
"B-bakit, a-anong n-nagawa ko?" Uutal-utal at di'mapakaniwala kong tanong sa kanya.
Ang sikip ng dibdib ko, Hindi ako makahinga! ' fvck! Wag ngayon please, di'ko dala ang gamot' Ikinapit ko ng mahigpit ang isa kong kamay sa singsing na hawak ko na siyang itinago ko sa'king likuran.
Yes tama ang pagkabasa mo, singsing ang regalong ibibigay ko sa kanya. Magpoprose na sana ako sa kanya ngayon, pero fvck! Nakipaghiwalay siya.
"Kasi nagsasawa na'ko sayo....."
Tama na please!
Unti-unting namanhid ang aking mga paa, mas lalong sumikip ang aking dibdib, pasimple ko itong hinawakan at idiniin ng bahagya ang aking mga daliri upang mabawasan ang sakit.
Putaena! Mas lalo atang sumakit e!
" Nakakasawa yang ugali mo, Zeryl. Ayoko na! Tapos na tayo at hindi mo na ako mapipigilan pa......goodbye" sabi niya bago ako tinalikuran.
Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagbagsak ko sa lupa, nabitawan ko ang hawak kong singsing. ' Hindi ko macontrol ang sakit! Fvck! ' Nakahiga na ako ngayon sa semento habang sapo-sapo ang dibdib ko.
Namamanhid ang katawan ko, nanlalamig ang kamay ko. Muli kong idinilat ang aking mga mata~ kasabay ng pagbigkas sa mga lengguwaheng ito~" G-gihiguma k-ko i-ikaw, P-phoebe. H-happy 5-5th a-anniv. G-goodbye~" [ I-i love you, P-phoebe] Naramdam kong unti-unting bumabagal ang paghinga ko, kasabay ng pagbuhos nang aking mga luha ay siya ring pagtigil ng aking paghinga.
---------Hope you like it. I have a lot of 1 shot stories to post here.
Thank youuuuu!
@avi_bimoko