Babe , mahal na mahal kita , wag 'mo akong iiwan ah ?"
"Oo naman babe , mahal na mahal din kita ."" Kaizee , anak ! " Nagising ako sa sigaw ni mommy , bumangon ako ng may pagtataka .
"Anong gingawa mo dito mom ? " tanong ko sa kanya , habang kinukusot ang mata ' ay bat basa to ? Umabot laway ko dito ? '
"Umiiyak ka nama habang nanaginip ." sabi ni mommy , agad kong kinapa ang aking mga mata ' hala ! Umiiyak pala ako ? Kala ko laway to '.
"Napanaginipan mo na naman ba siya ? " tanong ni mommy , pero diko siya sinagot at tumingin nalang sa bintana . Umaga na pala kaya napagdesisyonan kong mag jogging nalang muna sa park .
__________________" Hoooooooooo ! " Andito ako ngayon sa park , nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa upuang malapit sa akin . Habang nakaupo ako dito , may dumaang magkasintahan sa harapan ko , tatayo na sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko at .....
"Aray ! " sigaw ko , nyemas ang sakit ng ilong ko . Iginala ko ang aking mga mata , nakita ko ang mga kalalakihang naglalaro ng basketball , hinarap ko sila at ...
"Punyemas , sinong nakatama sakin ? " tanong ko habang hinihimas ang aking ilong , kahit hindi ko tingnan alam kong kasing pula na ito ng kamatis .
" Ako miss " singit bigla ng lalaki sa likuran ko hinarap ko kiya at natameme ako susko ang gwapo , ang kapal ng kanyang kilay, ang kinis ng mukha at ang tangos ng kanyang ilong , napaganda rin ng kanyang mata parang tinatawag ako--' erase ! Erase ! Nasaktan ka niya , kaya magalit ka dpat , tama ! Tama ! '"Anong kasalanan ko sa'yong kumag ka ? At ilong ko pa talaga ang pinuntirya mo ." Mataray kong tanong sa kanya , ngumiti lang siya , susko naman ang gwa--panget ng ugali niya , tama bang ngitian niya lang ako ?
"So , what do you want me to do miss? " tanong niya ' aba'y ! Napakaanimal mong nyemas ka , humanda ka sakin , pagbabayarin kita 'ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko 'tingnan natin ngayon '.
" Dalhin mo'ko sa hospital , baka napano natong mahiwaga kong ilong , papatayin--" pinutol niya ang sasabihin ko .
"Okay ! Okay ! Chill dadalhin na kita sa hospital at baka napano na yang mahiwaga mong ilong ." panggagaya niya sa sinabi ko , nakangiti pa na parang aso pero ang gwa--panget talaga ng ugali niya .
" Edi mabuti , so tara na " Sabi ko sa kanya at naunang umalis , nakiramdam ako kung sumunod ba siya , pero hindi , mukhang nagpaalam muna ito sa kanyang mga kasama . Ilang sandali nakaramdam ako ng presensya sa'king likuran kaya nilingon ko ito , tama nga ang hinala ko nakasunod siya sa'kin habang nakangiti , parang timang lang ._ ____________
" Okay lang naman ang ilong mo Ms. Duro , wala namang nabaling buto pero kailangan mong bilhin ang mga ito upang mabawasan ang pamamaga at pamumula ng ilong mo ." sabi ng doctor sabay abot ng isang pirasong papel . Kinuha ko iyon at inabot sa lolo niyong kumag ' Aba'y dpat lang yan , siya kaya may kasalanan ' tinanggap niya iyon at ibinulsa . Nagpaalam ako sa doctor at naunang umalis .
_______________Pababa na sana ako ngunit ' Yes bes , hinatid ako ng lolo niyong kumag , mabait naman pala '
" wait ! " pigil niya sakin , taka akong humarap sa kanya .
" Ha ? Bakit ? "Tanong ko .
" What's your name ? " sa wakas !
" I'm Kaizee and you are ? " tanong ko pabalik sa kanya .
" I'm Chan and I'm really sorry for what happened " sagot niya habang nakangiti ' ehhhh halikan kita dyan e "
" Okay lang , I'm sorry rin kung natarayan kita , ang sakit lang talaga ng ilong ko and salamat dito . bye ! "Sabi ko habang pinapakita ang plastic ng reseta , at dali - dali akong bumaba sa kanyang sasakyan .
_____________________Araw , linggo at buwan ang dumaan , palagi na kaming magkasama simula ng nangyari yon . Ngunit isang araw nabigla ako ng ...
" Kaizee , may ipagtatapat sana ako sayo " nakayuko niyang sabi , taka ko siyang tiningnan .
" Ano yun ? " tanong ko sa kanya .
" Kaizee , ano k-kasi M- mahal K-kita ." Utal -utal niyang sabi , hindi agad ako nakareact , Hindi ma digest ng utak ko .
" H-ha ? Ulitin mo nga ." sabi ko habang nakatingin sa kanya , nakayuko padin siya .
" Sabi ko , mahal kita " this time deretso sa mata ko na ang tingin niya.
" Bakit ako ? Bakit sa dinadami ng tao sa mundo , bakit ako ? " tanong ko .
" Hindi ka naman mahirap magustohan Kaizee , nong una wala pa talaga akong gusto sayo pero nong parati na kitang kasama at nakilala ang tunay na ikaw , unti - unti akong nahulog sayo , I can't help it coz ' I'm already falling inlove with you , I already love you , pero kung di ' moko gusto okay --"
"mahal din kita Chan , mahal na mahal " Putol ko sa kanya , ngumiti siya sa akin at unti - unting inilapit ang kanyang mukha sa'kin , naramdaman kong nagkadikit ang aming labi , ang sarap sa pakiramdam , siya ang unang humiwala , hinarap niya ako at niyakap .
" Babe , mahal na mahal kita kahit anong mangyayari wag mo akong iiwan ah ? " bulong niya sa'kin .
" Oo naman babe , mahal na mahal din kita " balik kong bulong sa kanya .
____________Hindi ako makapaniwalag mahal din ako ng taong mahal ko , kasal na namin ngayon . Hindi ko akalain na ang taong sanhi ng pamumula at pamamaga ng ilong ko ay siya ring taong pakakasalan ko .
Nakarinig ako ng kanta , hudyat na kailangan ko ng lumakad , unti - unti kong inihakbang ang aking mga paa . Iginala ko ang aking mga mata , andaming tao , ang ganda ng desenyo . Ngunit tumapat ang paningin ko sa napakagwapong nilalang na naghihintay sakin sa altar , ngumiti ako sa kanya , ganun din sya sakin .
Ngunit ..
Walang ano- ano'y nakarinig ako ng isang putok , isang putok ng baril . Napahinto ako at naipikit ko ang aking mga mata.
"anak " tawag ng kung sino , ibinukas ko ang akin mga mata , isang liwanag ang sumalubong sa sakin , iginala ko ang aking paningin ngunit puro puti lang ang aking nakikita .
" Anak , buti gising ka na " sabi ng kung sino , agad akong tumingin sa kanyang deriksyon .
Si mommy
" Bakit ako nandito mom ? " tanong ko ng may pagtataka .
" Dinala ka dito ng nakakita sayo sa park Anak , nawalan ka ng malay , anak please wag mong pabayaan ang sarili mo , umalis kana sa nakaraan at salubungin ang hinaharap , magkaiba ang noon at ngayon anak , lumaban ka , mag move on kana please , matagal na siyang wala , matagal kana niyang iniwan , matagal na siyang patay . " Pagkasabi ni mommy non , agad tumulo ang luha ko .Namatay si Chan sa araw ng kasal namin , ako sana ang tatamaan ngunit niligtas niya ko . Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko , ang hirap kasi , sobrang hirap kalimutan ng noon na siyang dahilan upang magbago ang ngayon . Nag- iba ang takbo ng buhay ko , kung noon walang sisidlan ang saya , ngunit ngayon wala ng makakatumbas sa kalungkutang nadarama ko .
Sa edad na 16 ako'y kanyang sinabihang wag ko siyang iwan , ngunit siya itong unang lumisan .
Magkaiba talaga ang noon at ngayon , dahil Hindi na mababago ng ngayon ang nangyari sa kahapon .
-----------
Hope you like it, mga ka avicakes. Thank youuuuu!
@avi_bimoko
YOU ARE READING
NOON AT NGAYON
Short StoryThis is just a 1 shot story but hope you like it. Broken promises is present in this story.