NOON AT NGAYON [ 1 SHOT STORY]

1 1 0
                                    

Babe , mahal na mahal kita ,  wag 'mo akong  iiwan ah ?"
"Oo naman babe ,  mahal na mahal din kita ."

" Kaizee ,  anak ! " Nagising ako sa sigaw ni mommy ,  bumangon ako ng may pagtataka .
"Anong gingawa mo dito mom ? " tanong ko sa kanya ,  habang kinukusot ang mata ' ay bat basa to ? Umabot laway ko dito ? '
"Umiiyak ka nama habang nanaginip ." sabi ni mommy ,  agad kong kinapa ang aking mga mata ' hala ! Umiiyak pala ako ? Kala ko laway to '.
"Napanaginipan mo na naman ba siya ? " tanong ni mommy ,  pero diko siya sinagot at tumingin nalang sa bintana . Umaga na pala kaya napagdesisyonan kong mag jogging nalang muna sa park .
__________________

" Hoooooooooo ! " Andito ako ngayon sa park ,  nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa upuang malapit sa akin . Habang nakaupo ako dito ,  may dumaang magkasintahan sa harapan ko ,  tatayo na sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko at .....

"Aray ! " sigaw ko ,  nyemas ang sakit ng ilong ko . Iginala ko ang aking mga mata ,  nakita ko ang mga kalalakihang naglalaro ng basketball ,  hinarap ko sila at ...
"Punyemas ,  sinong nakatama sakin ? " tanong ko habang hinihimas ang aking ilong , kahit hindi ko tingnan alam kong kasing pula na ito ng kamatis .
" Ako miss " singit bigla ng lalaki sa likuran ko hinarap ko kiya at natameme ako susko ang gwapo ,  ang kapal ng kanyang kilay,  ang kinis ng mukha at ang tangos ng kanyang ilong ,  napaganda rin ng kanyang mata parang tinatawag ako--' erase ! Erase ! Nasaktan ka niya ,  kaya magalit ka dpat ,  tama ! Tama ! '

"Anong kasalanan ko sa'yong kumag ka ? At ilong ko pa talaga ang pinuntirya mo ." Mataray kong tanong sa kanya , ngumiti lang siya ,  susko naman ang gwa--panget ng ugali niya ,  tama bang ngitian niya lang ako ?
"So ,  what do you want me to do miss? " tanong niya ' aba'y ! Napakaanimal mong nyemas ka ,  humanda ka sakin ,  pagbabayarin kita 'ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko 'tingnan natin ngayon '.
" Dalhin mo'ko sa hospital ,  baka napano natong mahiwaga kong ilong ,  papatayin--" pinutol niya ang sasabihin ko .
"Okay ! Okay ! Chill dadalhin na kita sa hospital at baka napano na yang mahiwaga mong ilong ." panggagaya niya sa sinabi ko ,  nakangiti pa na parang aso pero ang gwa--panget talaga ng ugali niya .
" Edi mabuti ,  so tara na " Sabi ko sa kanya at naunang umalis ,  nakiramdam ako kung sumunod ba siya , pero hindi ,  mukhang nagpaalam muna ito sa kanyang mga kasama . Ilang sandali nakaramdam ako ng presensya sa'king likuran kaya nilingon ko ito ,  tama nga ang hinala ko nakasunod siya sa'kin habang nakangiti ,  parang timang lang .

_ ____________

" Okay lang naman ang ilong mo Ms. Duro , wala namang nabaling buto pero kailangan mong bilhin ang mga ito upang mabawasan ang pamamaga at pamumula ng ilong mo ." sabi ng doctor sabay abot ng isang pirasong papel . Kinuha ko iyon at inabot sa lolo niyong kumag ' Aba'y dpat lang yan ,  siya kaya may kasalanan ' tinanggap niya iyon at ibinulsa . Nagpaalam ako sa doctor at naunang umalis .
_______________

Pababa na sana ako ngunit ' Yes bes ,  hinatid ako ng lolo niyong kumag ,  mabait naman pala '

" wait ! " pigil niya sakin ,  taka akong humarap sa kanya .
" Ha ? Bakit ? "Tanong ko .
" What's your name ? " sa wakas !
" I'm Kaizee and you are ? " tanong ko pabalik sa kanya .
" I'm Chan and I'm really sorry for what happened " sagot niya habang nakangiti ' ehhhh halikan kita dyan e "
" Okay lang ,  I'm sorry rin kung natarayan kita ,  ang sakit lang talaga ng ilong ko and salamat dito . bye ! "Sabi ko habang pinapakita ang plastic ng reseta ,  at dali - dali akong bumaba sa kanyang sasakyan .
_____________________

Araw ,  linggo at buwan ang dumaan ,  palagi na kaming magkasama simula ng nangyari yon . Ngunit isang araw nabigla ako ng ...

" Kaizee ,  may ipagtatapat sana ako sayo " nakayuko niyang sabi ,  taka ko siyang tiningnan .
" Ano yun ? " tanong ko sa kanya .
" Kaizee ,  ano k-kasi M- mahal K-kita ." Utal -utal niyang sabi ,  hindi agad ako nakareact ,  Hindi ma digest ng utak ko .
" H-ha ? Ulitin mo nga ." sabi ko habang nakatingin sa kanya ,  nakayuko padin siya .
" Sabi ko ,  mahal kita " this time deretso sa mata ko na ang tingin niya.
" Bakit ako ? Bakit sa dinadami ng tao sa mundo ,  bakit ako ? " tanong ko .
" Hindi ka naman mahirap magustohan Kaizee ,  nong una wala pa talaga akong gusto sayo pero nong parati na kitang kasama at nakilala ang tunay na ikaw ,  unti - unti akong nahulog sayo ,  I can't help it coz ' I'm already falling inlove with you ,  I already love you ,  pero kung di ' moko gusto okay --"
"mahal din kita Chan ,  mahal na mahal " Putol ko sa kanya ,  ngumiti siya sa akin at unti - unting inilapit ang kanyang mukha sa'kin ,  naramdaman kong nagkadikit ang aming labi ,  ang sarap sa pakiramdam ,  siya ang unang humiwala ,  hinarap niya ako at niyakap .
" Babe ,  mahal na mahal kita kahit anong mangyayari wag mo akong iiwan ah ? " bulong niya sa'kin .
" Oo naman babe ,  mahal na mahal din kita " balik kong bulong sa kanya .
____________

Hindi ako makapaniwalag mahal din ako ng taong mahal ko ,  kasal na namin ngayon . Hindi ko akalain na ang taong sanhi ng pamumula at pamamaga ng ilong ko ay siya ring taong pakakasalan ko .

Nakarinig ako ng kanta ,  hudyat na kailangan ko ng lumakad ,  unti - unti kong inihakbang ang aking mga paa . Iginala ko ang aking mga mata ,  andaming tao ,  ang ganda ng desenyo . Ngunit tumapat ang paningin ko sa napakagwapong nilalang na naghihintay sakin sa altar ,  ngumiti ako sa kanya ,  ganun din sya sakin .

Ngunit ..

Walang ano- ano'y nakarinig ako ng isang putok ,  isang putok ng baril . Napahinto ako at naipikit ko ang aking mga mata.

"anak " tawag ng kung sino ,  ibinukas ko ang akin mga mata , isang liwanag ang sumalubong sa sakin ,  iginala ko ang aking paningin ngunit puro puti lang ang aking nakikita .

" Anak , buti gising ka na " sabi ng kung sino ,  agad akong tumingin sa kanyang deriksyon .

Si mommy

" Bakit ako nandito mom ? " tanong ko ng may pagtataka .
" Dinala ka dito ng nakakita sayo sa park Anak ,  nawalan ka ng malay ,  anak please wag mong pabayaan ang sarili mo ,  umalis kana sa nakaraan at salubungin ang hinaharap ,  magkaiba ang noon at ngayon anak ,  lumaban ka ,  mag move on kana please ,  matagal na siyang wala ,  matagal kana niyang iniwan ,  matagal na siyang patay . " Pagkasabi ni mommy non ,  agad tumulo ang luha ko .

Namatay si Chan sa araw ng kasal namin ,  ako sana ang tatamaan ngunit niligtas niya ko . Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko ,  ang hirap kasi ,  sobrang hirap kalimutan ng noon na siyang dahilan upang magbago ang ngayon . Nag- iba ang takbo ng buhay ko , kung noon walang sisidlan ang saya ,  ngunit ngayon wala ng makakatumbas sa kalungkutang nadarama ko .

Sa edad na 16 ako'y kanyang sinabihang wag ko siyang iwan ,  ngunit siya itong unang lumisan .

Magkaiba talaga ang noon at ngayon ,  dahil Hindi na mababago ng ngayon ang nangyari sa kahapon .

-----------

Hope you like it, mga ka avicakes. Thank youuuuu!

@avi_bimoko

NOON AT NGAYONWhere stories live. Discover now