Part 20

1.6K 73 6
                                    

Nagresign na nga ako as per request ng boss kong mapagmahal kaya nag
sshare sa iba ng pagmamahal nya
para matahimik sya sa pangungulit..

Gaya nga ng sinabi nya yong pera nya na binibigay ng magulang nya at kini
kita ng negosyo nila sa Davao nililipat
nya sa account ko para sa future daw
namin at kay Japhet para hindi na daw
mahabol ng magulang if ever daw na
komuntra man ang parents nya sa
mga desisyon nya..

Hindi man ako pumayag pero makulit
sya kaya hinayaan ko na lang..

Masaya naman ako na nag iisip na sya
na kami na hanggang sa pagtanda..

Natuloy din kami lahat na bumisita
kay Yumi pati si Japhet sinama ko na din para makilala din ni Yumi at sinabi
na din namin ang tungkol sa aming
dalawa kay Yumi..kita naman namin
kung gaanu sya kasaya yon pala dati
pa iniisip nya na sana daw kung maghiwalay man daw sila ni Deanna
sana ako na lang daw ipapalit ni Deanna sa puso nya..kaya nasabi tuloy
ni Yumi na pwede na daw sya mamatay dahil lahat daw na pinagdadasal nya natupad na..

Pati ang barkada namin napaiyak din kahit mga barako hindi din nila napigilan dahil sa nakita nila ang itsura ni Yumi na nakahiga na lang at hinang hina na..

Tatlong araw after we visit Yumi naagtext kay Deanna ang Mommy ni Yumi na namatay na si Yumi..
hindi ko din mapigilan umiyak kahit
papanu naging parte din sya ng buhay
namin ni Deanna..

Nagdecide na din ang Family nya na dito na sya sa manila ibuburol para
pati mga dating kaklase nila ni Deanna nung college ay makasilip din..

Pupunta kami ngayon sa chapel kung san nakaburol si Yumi..kaya katakot takot na naman ang bilin ko kay Deanna dahil kasama daw ng girlfriend ni Isaac si Vanie..

Kasama daw ni Ysa si Vanie sana lang behave ka mamaya..

Anu ka ba love alam na din naman ni Vanie ang tungkol sa ating dalawa kaya sya mismo didistansya na yan..love sama kaya natin si Japhet

Wag na baka gabihin tayo mahirap
pa naman yan pag inaantok mainit
na ulo..hayaan mo na don matutulog kay Kring at pinaintindi
ko na hindi sya pwedeng sumama..

Magkakasama kaming magkabarkada
at si Lola Flory papunta sa burol ni Yumi..nakita ko naman na medyo ilang na si Vanie makikipag usap kay Deanna hi and hello lang ang batian nila hindi gaya noon my pabeso beso pang nalalaman si Vanie..kaya kahit
puno kami sa van nila Kevin sya na mismo ang lumalayo..

Pagdating sa burol nakita ko naman
kung panu salubungin si Deanna ng mga dati nilang kaklase..

Alam ko naman na bati lang naman dahil sa namiss nila ang bawat isa
hindi maiwasan na kung makayakap
ang mga babae sa kanya wagas
kaya lang hindi ko din maiwasan na
magselos lalo na isang kaklase nila
halos ayaw bitawan si Deanna..

Pinakilala nya naman kami isa isa
at ako ang last na pinakilala nya..
narinig ko naman ang isang kaklase
nya na halos ayaw bitawan si Deanna
kinukurot pa ang pisngi..

Oy kainis ka inantay ko pa naman noon na maghiwalay kayo ni Yumi
para mapansin mo ako..yon pala
waley din..sabi ng babae na Dess yata ang pangalan at ayaw pa din bitawan si Deanna nakahawak pa sa braso..

Panu ka sisingit eh hanggang grumadweyt tayo sila pa din kaya wala talagang chance na mapansin ka ni Deanna..sabat din ng isa nilang
kaklase

HANGGANG KAILAN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon