Day 2

30 5 1
                                    

Day 2

"rooftop"

Armando's POV

"Oh siya tama na, hindi na ako maka hinga, sobrang higpit na ng yakap mo eh" giit ko, pero sa totoo lang, gusto ko pa siyang yakapin ng mahigpit.

"Tutulungan mo talaga ako?"

"Ang kulit mo naman, sabi ngang oo"kanina niya pa kasi akong tinatanong eh, willing naman talaga akong tumulong sa kanya eh, kabayaran ko na din siguro ito sa mga ginawa ko sa kanya dati..

"Salamat talaga!" Yayakapin niya na ulit ako dahil sa sobrang tuwa pero pinigilan ko nalang siya sabay tumalikod na ako.

Nakatalikod ako pero parang natatawa talaga ako eh, hindi ko alam kung simpleng ngiti lang ba ito or kinikilig na ako.

"Uhm Doc?" Pagtawag niya sa akin.

"Armando na lang, magka edad lang naman tayo eh"FOR THE FIRST TIME, pumayag ako, at ako pa mismo ang nagsabi na huwag niya na akong tawaging Doc.

"Ah, Armando?may C.R ba dito sa office mo?"she asked me, itinuro ko gamit ang aking nguso yung isang pinto doon sa kanyang likuran.

"Ah sige salamat" noong tumalikod siya, mas lalo kong nakita yung buhok niya na halos maubos na.May pa ilan ilan pang nanlalagas.

Siguro kapag hinawakan mo yung buhok niya, kusa na lang malalaglag yung buhok niya.
Naalala ko tuloy noong first day of school namin, first year highschool kami noon,nasa lower section ako, tapos higher section naman si Cassandra.Nasa canteen kami noon, tapos sinabunutan ko siya, ngayon?hindi ko na magagawa ang bagay na 'yon, hindi ko na din talaga gagawin.

Naging magkaklase lang kami ni Cassandra noong second year high school na kami,noong taong 'yon mas lalong naging miserable ang buhay niya, noong taong yun, pinahirapan ko siya ng sobra, sa umaga kapag dumadating siya sa room naka handa na agad ako para itapon yung gamit niya sa labas.Sa tanghali naman, bago siya kumain, naubos ko na agad yung pagkain niya.

Pagdating naman ng hapon naka handa na ulit ako para lagyan ng maraming bato yung bag niya, sobrang kinawawa ko siya noon, at pinagsisisihan ko lahat ng 'yon.
Hindi ko din alam kung bakit ang init init ng ulo ko sa kanya dati, siguro dahil mataba siya?tapos ako naman tanga?hindi nag iisip.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iimagine ko ng biglang may pumasok sa office ko, hindi talaga marunong kumatok itong si Bryan!buti na lang at hindi pa lumalabas ng C.R si Cassandra.

Si Bryan?bestfriend ko siya since College.Tsaka siya dumating sa buhay ko itong gagong ito noong matinong tao na ako, pero hindi na ako naapektuhan ng kalokohan niya, hindi na ako nagpadala sa tukso, matanda na ako eh, at alam ko na ang tama at mali.

"Bakit ka ba nandito?tsaka hindi ka talaga marunong kumatok?"dali dali akong lumapit sa kanya tapos kinatusan ko na siya agad.

"Balita ko may chix ka daw dito?asan?reto mo naman ako!" Gago ata ito ah?hindi ba siya aware na hospital yung pinuntahan niya at hindi bar?

"Pasyente hindi chix!kahit kelan talaga puro babae laman ng utak mo!tsaka hindi lang 'yon basta pasyente noh?!kaklase ko siya noong highschool"giit ko.

"Talaga?wag mong sabihin na yan yung?siya ba yung sinasabi mo sakin dati?si-----hindi niya na naituloy yung sasabihin niya dahil biglang nabaling ang tingin ko kay Cassandra na papalabas ng CR, napa tingin din naman agad kay Cassandra si Brent, halatang gulat na gulat siya sa kanyang nakita, kilala niya na si Cassandra, naikwento ko na sa kanya 'yon dati.

"Ito ba yung chix mo pre" grabe!nakakahiya talaga siya kahit kelan, hindi talaga siya marunong umintindi, nasabi ko na naman sa kanya kanina na pasyente 'yon eh.

Forty Days Before She Died[Tragic Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon