CHAPTER 2: (SAMPAL THINGY)

32 0 0
                                    

Pumunta na kami sa canteen ni Izza.....Whoa! Dami namang istudyante. Malamang, malaki ang school eh! Ang haba ng pila. Yung para kang nakapila ng NFA rice haha..joke! Kaya pala one hour ang break. Sinabi yun ni Izza kanina. Astig noh? San ka makakita ng school na one hour ang break? Eh di sa Del Rio Academy san pa! :)) Ang kinalabasan, gutom na gutom na ako. Marami kasing sumisingit.

"Ganito ba talaga rito walang sumisita sa mga sumisingit? Kawawa naman yung na una." sabi ko.

Naiinis ako sa mga sumisingit. Nanininingit na nga, nananapak pa ng paa. Tsk! Tsk! One time makakatikim rin sila sa ugali ko.

"Masanay ka na. Marami ka pang mae-experience rito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Nilantakan ko na agad ang pagkain. Gutom na gutom na kasi ang mga alipores ko sa tyan.

"Ang takaw mo pa lang  kumain noh. Pero bakit hindi ka naging Dabiana?"

"Grabe ka naman. Dabiana agad? Di ba pwedeng baboy muna...hehe....kahit matakaw ako hindi naman ako tumataba. Ewan ko ba."

"Sabi mo eh."

"Wait here. Bili muna ako ng soda." hindi na ako nakatingin sa side ko dahil dire-diretso akong tumungo sa tindaan.

* BUUGZ *

"OWW!" sigaw ng crowd

"Naku, sorry hindi ko sinasadya." sabi ko sabay punas sa pagkain na nasa damit niya.

* PAK! *

"AWW!" sigaw ulit ng crowd

"Dont touch me. You bitch! Look what you've done! You mess my dress. Arrgh!"

Ganito pala ang feeling pagnasampal ka. Masakit siya hah! Grabe, naiiyak na ako. Daddy, help me! Never pa akong sinampal o sinaktan ng mga magulang ko. Tapos siya, ang dali niyang nakasampal sakin. Nagsorry naman na ako ah. Tinawag pa akong bitch. Ano ako aso? Teka, familiar ang mukha niya. Siya yung nagpahiya sakin sa classroom. Bakit siya pa?

"Hoy, aso na may rabbies! Bakit mo sinampal ang kaibigan ko?" nakalapit na pala si Izza samin.

"Wala lang! Trip ko lang! May angal?"

Ano raw? Trip niya lang manampal? At ako pa ang napagtripan niya? Grabe! She's impossible. Kung siya kaya sampalin ko. Pigilan niyo ko baka mabugbog ko to ng di oras.

"What's happening here?" sabi ng principal. Napadaan siguro ito at napansing over crowded ang canteen.

"Ms. Ramirez your here. What happen?" nag memo plus gold ba to? Ang taas ng memorya eh. Natatandaan pa pala niya ko. Siya yung nagbigay ng ID sakin kanina.

"Maam, tingnan niyo yung ginawa niya sakin."

"I'm not talking to you, Ms. Santos."

"Maam, ito pong si Akisha sinampal tong kaibigan ko." sumbong ni Izza. So, Akisha pala pangalan niya.

 "And i'm not talking to you either." Tsk! Tsk! Ako talaga ang pasasalitain ng principal. Sabagay ako naman ang tinatanong.

"Ms. Ramirez, answer my question."

"Nagkabanggaan po kasi kami ni Akisha. Tapos natapunan po siya sa dala niyang pagkain. Nagsorry naman po ako. But she slap me." Ang galang ko ah po ng po. Parang paawa effect.

"Kayong tatlo pumunta kayo sa office ko."

"But, maam!" angal ni Akisha.

Wala na rin itong nagawa. Smunod nalang ako sa kanila. Ano ba tong napasukan ko? Kabago-bago ko, nasangkot naagad sa gulo. Tsk! Tsk!

Natapos ang unang araw ko sa school na walang magandang nangyari. Pagkatapos naming pumunta sa office ay nakaabot naman kami ni Izza sa klase. Si Akisha lang naman ang senermonan ng todo. Marami na raw kasi itong nagawang kasalanan last year. Kaso pinagsabihan lang siya ng principal dahil first day of school ngayon. Sa side ko naman, hindi ako senermonan dahil nagsorry naman daw ako. Isa pa, isa akong transferee kaya mas pinaboran ako ng principal. May ganon? Paglabas ko sa gate nandun na pala sundo ko.

"Tingnan mo girls may sundo pa siya."

"Oo, nga."

"Akala ko ba cheap yan?"

"Naku girls wag niyo ng pansinin yan. Hindi siya worth it. Wala siyang binatbat sa ganda natin." 

"Tama ka dyan sis." 

Huh? Ako hindi worth it? Asa! Deserve ko nga ang second look. Tss. Ganda raw? Mukha naman silang clown... hahaha :D Aira, your  so mean. Hindi ko nalang sila pinansin. Alam ko namang mga alipores yun ni Akisha. Wala naman akong nakabangga sa school kundi sila. Sumakay na ako sa kotse. Baka ano pa marinig ko at hindi ako makapagtimpi.

"Manong tara na po!" 

-------------------------------

* HOUSE

"How's school?" bungad agad sakin ni Daddy pagdating ko sa bahay.

"Ahm....well...its fine, really, really fine."

"It sounds not convincing. What happen?"

Daddy ko talaga to. Alam nito kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Sinabi ko sa kanya ang lahat na nangyari sakin sa school.

Daddy ------->   0_0

"What? They did that to my princess? Bakit hindi ka lumaban? Masakit pa ba?" hinawakan ni daddy ang pisngi ko.

"Dad, hinay-hinay lang mahina ang kalaban eh. Okay lang ako Dad. Tsaka paglumaban ako,  magkakarecord ako sa school. Ayoko naman magkabad record lalo na baguhan pa ako ron."

"Okay basta lumaban ka pag nasa katwiran ka."

"Yes, Dad."

Umakyat na ako sa itaas at nagbihis. Ang malas ko namansa school. Buti nalang dito sa bahay walang umaaway sakin. Kami lang dalawa ni Daddy dito sa bahay. Nasa America kasi si Mommy kasama ang kaibigan ni Daddy. May business trip sila roon. Malapit na rin mag release ang magazine ang company na pinagtatrabahuan ko. Kaya I'm sure hectic na rin ang schedule ko next week.Pagkatapos kong kumain ay nagsulat muna ako sa diary ko. Dito ko binubuhos lahat ng nasa dibdib ko. Yung mga nangyayari sa buhay ko. Daddy's girl ako pero hindi ko naman sinasabi lahat sa kanya. Pagkatapos kung magsulat sa diary ay inayos ko muna ang mga gamit ko sa school para bukas.

* bzzzzt, bzzzzt *

Inabot ko yung cellphone sa bag. Hmm...sino kaya to...1 message received.

From: ********693

Good night!! Kitakits nalang tomorrow :)

To: ********693

Who U??

From: ********693

Who U ka dyan. Izza to! Ano amnesia??

To: ********693

Sori! Di ko nasave eh. Cge gudnyt!! usap nalang tayo bukas antok nako eh! :)

From: ********693

Cge gudnyt agalin!!

To: ********693

Okay!!

Nakalimutan kong nagpalitan pala kami ni Arizza ng phone number. Pano kasi puno ang utak ko sa sampal thingy na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Encounter [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon