Vanhishikha

10 1 0
                                    

Chapter 1:

Ako si Tana, Labing isang taong gulang nakatira sa isang liblib na lugar malapit sa kakahuyan, matigas ang aking ulo at hindi ako marunong makinig sa utos ng aking mga magulang. Hangang isang araw ...

Tanghaling tapat noon, Napaka init ng araw na para bang napapaso ako sa sobrang init nito, wala akong ibang natatanaw kundi isang malaking Bukid, Nasa Gitna ako ng Bukirin may mga puno akong natatanaw ngunit malayo pa sa aking kinatatayuan kaya nagmadali ako dahil sa sobrang init ng sikat ng araw naghahanap ako ng Puno na aking masisilungan, nagpatuloy ako sa Pag takbo ngunit parang ang layo parin ng aking paroroonan.

Naiiyak na ko ng mga sandaling iyon .. tinatawag ko na noon ang aking Ina ..

"Maaa, Mama!" Asaaan kaa Mama" ..

Ngunit walang kahit sino walang kahit isang Tao o hayop akong natatanaw.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hangang sa nagsimula ng dumilim ang kalangitan.

"Naku po uulan pa yata, Paano na ako nito saan ako magtatago, Takot ako sa kidlat at kulog" humahagulgol na sambit ni Tana.

Nasa gitna parin sya ng isang napaka laking bukid may bundok syang natatanaw ngunit nagsimula ng bumuhos ang malakas na Ulan na may kasamang kulog at Kidlat.

Takot na takot ang batang si Tana. Sa sobrang takot ay napa upo na lamang sya habang nakayuko at tinatawag nya ang kanyang Ina.

"Mama ... Mama .. "

Isang tinig ang narinig nya ng mga sandaling iyon ..

"Wag kang umiyak .. Halika sumama ka sakin"

Isang batang lalaki na hindi alintana ang lakas ng ulan inaabot nya ang kamay nya sa akin ..

"Sino ka? Saan tayo pupunta? May malapit bang bahay dito?"

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, Nagising nalang ako at ako'y nagulat sa aking mga nakita ..

"Anong lugar ito? Napaka ganda, Ngayon ko lamang narating ang lugar na ito" sambit ng batang si Tana.

"Maligayang pagdating sa Vanhishikha"

Sinalubong ako ng mga nilalang na nakita ko doon sa napaka gandang lugar. Ang kanilang mga kasootan ay mukhang mamahalin at nakasoot sila ng mga Alahas. Ang ganda ng lugar na iyon, para akong nasa Loob ng isang Paraiso, Sa gawing Kaliwa ay may mga Talon maraming bulaklak at ang mga Puno ay hitik na hitik ang mga bunga, Sa Gawing Kanan nama'y matataas na Gusali na ngayon ko palang nakita ..

Ngunit sa lahat ng mga kamangha manghang aking nasaksihan ng mga sandali na iyon, Sa isang bagay lang ako nakasisiguro. Ako marahil ay naliligaw at kailangan ko makabalik sa aming Bahay sa aking Ina.

Muli kong nakita ang batang sumaklolo sa akin sa gitna ng Bukid agad ko syang nilapitan na noo'y nasa isang Lamesa na puno ng pagkain.

"Magandang araw, Ako si Tana ikaw ano pala ang pangalan mo?"

"Ako si Alev" tugon nya.

"Ah kay gandang ngalan ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang pangalan, pero may nais sana akong itanong sayo Alev"

"Ano iyon? Halika kumain tayo"

"Salamat pero hindi pa ako nagugutom, Nais ko sana itanong sayo kung anong lugar ito? marahil ako ay naliligaw at sa mga oras na ito ay siguradong hinahanap na ako ng aking Ina"

"Ito ang Vanhishikha, Ngayong andito kana ay hindi kana makakabalik sa sinasabi mong Ina" tugon ng batang si Alev.

"Ha? paanong hindi na makakabalik. Hindi maaari magsisimula na bukas ang aming klase kailangan ko ng umuwi tulungan mo ko paki usap" nagmamaka awang tugon ni Tana.

Ng mga sandaling iyon ay labis na akong nalulungkot sapagkat ilang oras na akong nawawalay sa aking Ama at Ina.

"Hindi to pwede kailangan ko makagawa ng paraan upang makabalik sa amin, hindi ko nais na magtagal pa rito" sambit ng batang si Tana.

Naglakad ako palabas sa lugar na iyon, ang dami kong natatanaw na bundok, parang mga burol na nababalot ng ginto tila lahat ng bagay sa lugar na ito ay kumikinang ..

May nakita akong mahabang daan nagsimula ako maglakad patungo dito subalit dinala ako nito sa isang lugar kung saan mas lalo akong naligaw ..

Isang tulay na nababalot ng kulay pulang mga Rosas ..

"Anong meron sa likod ng tulay na iyan? Dyan na kaya ang daan pauwi sa amin?"

"Tana H'wag .. " isang sigaw na pumukaw sa aking atensyon ..

"Alev? Bakit mo ako pinipigilan tumawid sa tulay na yan?"

"Hindi ka maaari mag tungo sa tulay na yan sapagkat dyan naninirahan ang aming Reyna, hindi mo gugustuhing magalit sayo ang Mahal na Reyna" tugon ni Alev.

The Lost CityWhere stories live. Discover now