Just a Dream

2 2 1
                                    

Chapter 4:

Nang mga sandaling yun, bumilis ang tibok ng aking puso ng may tumawag sa aking pangalan, kilala ko ang boses na ito at hindi ako pwedeng magkamali ..

"Alev?"

Natulala ako sa lalaking nasa aking harapan, Napaka gwapo ng kanyang Mukha, hindi maalis ng mga mata ko ang titig sa kanyang mga mata ..

Isang pulang Rosas ang inabot nya sa akin at lalo akong namangha sa mga susunod na kaganapan ..

Tila nasa ibang mundo nanaman ako, Isang Kastilyo ang aking nasa Harapan, at puno ng liwanag ang kalangitan ..

"Ano tong aking nararamdaman, Ngayon lang ako sumaya ng ganito .. "

"Tana masaya akong makita kang muli .. Ibig ko mang makasama ka sa matagal na panahon ay alam kong hahadlangan tayo ng ating magkaibang mundo, Kaya't hayaan mo akong pasayahin ka kahit sa sandaling oras lamang"

Masaya naming pinanood ang mga liwanag sa kalangitan, Ang aming mga kwentuhan at tawanan ay parang wala ng katapusan tunay ngang napaka saya ko ng mga sandaling iyon ..

Hangang may narinig akong Ingay mula sa Kabundukan ..

"Anong ginagawa ko dito sa Sapa nakatulog ba ako?" tanong ko sa aking sarili na sa mga sandali ngang iyon ay kakabangon ko lang mula sa mahimbing na pagkatulog" ..

Lumingon ako sa paligid gabi na nga at marahil ay hinahanap na ako ni Ina ..

Nang makauwi'y agad akong nagtungo sa aking Silid at napansin kong may isang Pulang Rosas na nakalagay sa loob ng aking Bag.

Alam kong galing kay "Alev" ito. Alam kong nagpakita sya sa akin kahit sa isang maikling panaginip lamang. Masaya akong makita syang muli ..

Dahil sa lungkot na aking naramdaman ng gabi na iyon, naisip kong tignan sa Mapa ang eksaktong lugar kung saan andon ang mundo ng Vanhishikha, ngunit Wala ito sa Mapa.

"Tunay ngang nababalot ng hiwaga ang lugar na ito." sambit ko.

At magmula nga ng gabing iyon, ay hindi na muling nagpakita o nagparamdam si Alev sa akin. Ako, si Ina at Ama ay masayang namuhay ng tahimik at masaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost CityWhere stories live. Discover now